Marianne's POV
Kring!! Kring!! Kring!!
"Oh bestie time na, tara na!"
Aishh! Uminat ako kasabay ng paghikab ko. Hindi ko alam pero parang tinatamad na akong pumasok. Wala na akong gana kase alam ko sa sarili ko na kabisado ko na yung mga ituturo sa araw ngayon pero no choice, I need to pumasok parin for the sake of my grade at saka kung kelan ba naman last year ko nalang eh dito pa ako tatamarin? Aishhh!
"Dalian mo bestie!"
Excited na excited lang Alliyah? So tinulungan akong umangat o tumayo ni Alliyah at nagsimula na kaming maglakad. Mabait naman yung professor kaya ok lang nalate kami ng five minutes.
"Bestie, bagalan nga lang natin ang paglakad." Wala kong ganang tugon.
Napahinto naman sa paglalakad si Alliyah saka tumingin saakin. Hinawakan niya ang noo ko at para niya akong sinusuri.
"Anong ginagawa mo be-bestie?"
"May sakit ka ba Marianne?"
"Hah? Bat mo nasabi yan?"
"Since na nakikilala kita is hindi kita nakitang ganyan. Tuwing pasukan ay excited ka,every subject ay sabik na sabik ka pero nakakagulat naman ata ngayon at parang tinatamad ka!"
"Ewan ko kung bakit pero tara na nga."
Hinila ko nalang siya saka ako tumakbo. Eh ganito ang gusto niya eh, mabilisan. Aishhh! Tama siya, never akong tinamad sa pagpasok kaya dapat umayos ako, hindi ako tamad at hinding hindi tatamarin pa lalo na sa pag-aaral.
So bago kami pumasok ay gaya ng nakagawian ay dumaan muna kami ni Alliyah sa restroom. Mag polbo lang para naman hindi losyang tingnan bago pumasok noh. Siguro ito na yung isa sa pinagbago ko. Nung dati kase is wala akong pake sa sarili ko kahit pawis akong pumasok pero ngayon medyo nagimprove naman kaunti, may papolbo polbo ng nalalaman at liptint tsaka pabango. Aish impluwensiya lahat to ni Alliyah.
Habang nagpopolbo ako sa harap ng salamin sa restroom ay may napansin akong mga babae, mga juniors na masayang nag-uusap. Parang kinikilig sila na ewan.
"Ang gwapo niya siz."
"Sobra siz! Jusko, akin nalang sana siya."Aish, mga juniors nga talaga ngayon, akala lang nila magandang mapasok sa isang relationship pero mali sila kase marami kang dapat isacrifice. Hinayaan ko nalang sila dahil alam ko namang si Liden na naman ang pinag-uusapan nila. Hayst, sanay naman na ako. Ewan ko ba kung bakit ang lakas ng appeal ni Liden kahit sa mga juniors. Aisshhh! Sabagay hindi ko naman talaga matatanggi na gwapo siya, kaya nga ako nagkagusto sakanya.
"True ka jan siz, mukhang may bago na naman akong magugustuhan. Jusko, sobrang gwapo niya, para siyang si oppa Liden."
"Kaya nga siz, kagaya niya ang lakas ng appeal ni oppa Liden! Plus point pa niya yung pagiging lahing americano."
BINABASA MO ANG
'Till We Meet Again
Teen FictionAko si Marianne, nasaktan na noon. Oo, minsan na akong nasaktan ng taong minahal ko. Minsan na akong sinaktan ni Liden. Ito ako ngayon,patuloy paring nasasaktan pero may biglang dumating, ang transferee boy na muling magpapatibok ng puso ko. Siya na...