Marianne's POV
"Hoi, Marianne!"
"Marianneeeeeeeeee!!!"
Anak ng tokwa! Jusmiyo! Galit na galit Alliyah? Nakakagulat naman.
"Oh bakit?"
"Wow! Anong oh bakit ka diyan eh kanina pa ako Marianne ng Marianne rito. Bakit wala ka bang naririnig? Bakit sobra kang natulala?"
Aishh! Kanina pa ba niya ako tinatawag? Kanina pa ba ako nakatulala here? Eh kase naman eh. Si Mr. Americano hindi mawala sa isip ko. Gustong gusto kong makuha yung pangalan niya. Tapos ayon, nagpapantasiya lang ako na kasama ko siya. Aish Kainis, nababaliw na ata ako. Hindi maalis sa isip ko yung mukha niya. Huhu! What is the meaning of this?
"Hayst! Alika na nga."
Pagbabago ko sa usapan. Ayaw ko namang malaman ni Alliyah na napatulala ako ng dahil lang sa isang lalake, tatalakan na naman kasi niya ako pagnalaman niya yun.So agad akong tumayo at hinila nalang siya. Wala pang klase kaya naisipan ko namang dumeretsyo muna sa canteen.
"Saan tayo pupunta Marianne? Ayaw mo na bang ituloy yang binabasa mo?"
"Tara muna sa canteen, doon ko nalang itutuloy ang pagbabasa."
Nagmadali akong naglakad habang hinihila si Alliyah, dahil bukod sa ayaw kong mapunta sa kung ano itong usapan namin ni Alliyah ay nagugutom na rin kase ako eh.
"Bestie uso magdahan dahan."
Hinayaan ko nalang siya at mabilis nalang akong tumakbo habang hila siya. Pasin ko namang malapit na kami sa canteen kaya mas binilisan ko pa ang pagtakbo, baka dumami pa kasi lalo ang tao roon eh ang hirap kayang sumingit para mamili ang sunget pa naman ng mga vendors.
Sa hindi malaman na rason ay may biglang pumukaw sa paningin ko. Napatingin ako sa isang gilid habang patuloy parin ang pagtakbo. Hindi ko manlang naisip na hindi ko na pala nakikita ang dinadaanan ko.
"Marianne, yung dinadaanan-----"
Nagulat ako sa sinabi ni Alliyah kaya't napalingon ako sa dinadaanan ko at pagkaharap ko ay hindi ko na nagawang ihinto ang dalawa kong paa mula sa pagtakbo ng may mabangga uli ako.
Dahan dahan akong umangat sa ere kasabay ng unti unting pagkatapon ng mga librong hawak ko. Mabilis naman akong bumagsak at sa sobrang malas ko ay sa batuhan pa ako napabagsak. Ramdam ko nalang na sobrang sakit ng buong katawan ko. Napatingin nalang ako sa taong nabangga ko at laking gulat ko ng makita si Liden na pinupulot na ang mga libro ko.
Ano toh? Meet again? Ganitong ganito yung nangyari saamin dati ah. Anong ibig sabihin nito tadhana? Siya ba talaga yung nabangga ko? Ano toh, memories bring back ampeg? Jusko teh, ano na naman kasing pakulo to tadhana.
"Ah Li-liden, hayaan mo na, ako na ang mamumulot niyan."
Kahit ang sakit ng bewang ko ay sinubukan ko paring tumayo para pulutin ang mga libro ko pero pinigilan ako ni Liden.
"Ako na toh! Ako na ang pupulot."
Agad namang pinulot ni Liden ang lahat ng libro ko saka siya tumuwad para iabot saakin ang mga libro. Hindi ko alam kung bakit pero nung nagsalubong na ang dalawa naming mata ay biglang bumilis ang tibok ng puso ko at bumagal ang takbo ng paligid ko. Feels ko rin na parang susunugin na ako ng init na nararamdaman ko. Eto yung dating nararamdaman ko kay Liden eh. Jusmiyo!
"Bestie, ano ba? Tumayo ka nga diyan!"
Iritang irita akong tinulungan ni Alliyah na tumayo. Pinampag ko naman ang jeans ko kase napuno na ng alikabok.
BINABASA MO ANG
'Till We Meet Again
Fiksi RemajaAko si Marianne, nasaktan na noon. Oo, minsan na akong nasaktan ng taong minahal ko. Minsan na akong sinaktan ni Liden. Ito ako ngayon,patuloy paring nasasaktan pero may biglang dumating, ang transferee boy na muling magpapatibok ng puso ko. Siya na...