"Marianne, anak gising na."
"Mom, wait lang po! Give me five minutes."
"Marianne, dali na bangon na!"
"Mom, sabado naman eh. I need to rest!"
"Eh may ameicano ka ngang bisita diyaan sa baba."
Biglang nagising ang aking diwa at nagbukas ang dalawa kong mata sa gulat sa sinabi ni Mom. Americanong bisita? Eh sino pa bang bibisita saakin na americano kundi si Marcus lang naman. Huhu, kung siya man yun eh ano naman sanang ginagawa niya dito?
"Mom, lalake po ba?"
"Oo anak, Marcus raw ang pangalan. Wow Marianne hah, bago mo bang manliligaw anak? Bet ko siya para sayo."
"Aishh Mom talaga! Manliligaw? Sa gwapo niyang yun liligawan lang niya ang gaya ko! Friends lang kami Mom."
"O siya sige magbihis ka na at kanina pa siya sayo nang-aantay anak."
Agad akong bumangon at hindi na nagpatumpit tumpit pa. Mabilis akong naligo at mabilis rin akong nagbihis. Hindi ko nga alam kung anong naisip ko at nagdress ako eh. Ni hindi ko nga alam kung ano bang sadya ni Marcus rito, kung akma ba itong dress na ito sa pupuntahan namin or ang tanong, may pupuntahan ba kami? Or baka naman dumalaw lang siya! Aishhh bahala na.
Pagkatapos magbihis at maghanda ay agad akong bumaba. Bago pa man ako makarating sa hagdan ay nag-isip muna ako. Ni relax ko ang sarili ko. Inhale, exhale! Marianne umayos ka! You need to be presentable kase yung crush mo yung kakaharapin mo. Remember to always smile! Woahh kaya mo yan self.
Habang naglalakad sa hagdan ay hindi ko maiwasang kabahan at hindi ko rin maalis sa isip ko kung ano nga ba talaga ang sadya rito ni Marcus. Pero gaya nga ng sinabi ko na kahit mahirap ay ikinalma ko lang ang sarili ko at ngumiting bumaba. Nang malapit na ako sa baba ay kita ko na ang paa ni Marcus, at nang tuluyan na akong nakababa ay tuluyan ko na ring nakita si Marcus.
Napanganga! Oo, literal akong napanganga kase paano namang hindi eh kaaga aga ay binubusog na ni Marcus ang mga mata ko sa sobrang gwapo niya. Isama mo na yung mapanglunod niyang dimples at ang pamatay niyang ngiti. Why naman ganyan ka Marcus? Self umayos ka, huwag ka gaanong paaffected!
"Good morning Marianne!"
Enebe! Wala ng ibang ikakaganda ang morning ko kung araw araw akong babatiin ni Marcus. Kung araw araw niya akong pupuntahan rito at kung araw araw siya ang kaharap ko sa pagsalubong ko sa umaga. Charot, masyado akong pokpok kung ganun.
"A pleasant morning too Marcus!"
"Ready ka na ba?"
Hah? Ako ready? Saan naman?
"Anong ibig mong sabihin Marcus?"
"Ahm hindi mo ba nabasa yung mga messages ko sayo?"
Agad kong kinuha ang phone ko at pagbukas ko ay tumambad saakin ang twelve unread messeges mula kay Marcus...
To: Mr. Americano
"Marianne, bukas na natin simulan ang project natin para mabilis nating matapos."
"Medyo busy kase ako kapag weekdays, may klase sa buong maghapon at may job ako sa gabi."
"7:30 nalang ako pupunta diyaan sainyo."
"Hala sorry Marcus, ngayon ko lang ito nabasa."
"Ahm okay lang. So did you mean ay wala pa tayong materials? Tara na bili."
Materials na nabili? Jusko teh, ni hindi ko nga alam kung ano yung project namin eh. Eh bat ba kasi lutang ako kahapon? Eh kasi naman eh, ang dami dami ko kasing iniisip kahapon sa klase kaya wala akong napakinggan. Nakakagulat na ngalang na susulpot sulpot tong si Marcus rito para gagawa raw kami ng project.
BINABASA MO ANG
'Till We Meet Again
Novela JuvenilAko si Marianne, nasaktan na noon. Oo, minsan na akong nasaktan ng taong minahal ko. Minsan na akong sinaktan ni Liden. Ito ako ngayon,patuloy paring nasasaktan pero may biglang dumating, ang transferee boy na muling magpapatibok ng puso ko. Siya na...