Marianne's Pov
"Observe silence! Hindi niyo ba maintindihan yan? College na kayo pero bakit ginagawa niyong palengke ang Library? Minsan pa na may marinig akong ingay ay palalabasin ko na kayong lahat dito!"
Grabe naman, ang hirap hirap na ngang magmemorize ng mga solutions ay nakikisabay pa itong mga estudyante sa ingay, hindi nga ba talaga nila alam ang rules sa library? Aishh, ayan nakatikim sila ng kasungitan ng librarian namin.
By the way, apat na taon na ang nakakalipas. Apat na taon na ang natapos ng saktan ako ni Liden. Pero wala na, alam kong nakamove on na ako sa sakit na naramdaman ko, pero hindi ko parin masasabing nakamove on na ako kay Liden. Paano ako makakamove on eh halos araw araw siya parin ang nakikita ng dalawa kong mata.
Oo, dito parin ako sa CDPU nag aaral. This is my last year to graduate. Maraming nagbago lalo na saakin. Sabi nila ay parang naging palaban na ako, sabi nila ay nagmatured na raw ako. Pero bukod sa mga pagbabago na naganap sa buhay ko ay may nagstay parin naman. Eto ako ngayon, mabait at makulit parin naman at studious parin. Grades parin talaga ang nasa utak ko. Kahit ilang ilang beses siguro akong saktan ay hindi na maalis saakin ang pagiging studios.
Isang taon nalang ay magiging architect na ako kaya nagtitiis nalang ako ngayong magmorized ng kung ano anong formulas kase kaylangan ito para maging maayos ang mga house plan ko. Oo, ang cool ko no? Babaeng architect! It is so rare pero ito kase ang passion ko eh kaya why not.
Kung natatanong niyo siguro, sarado na ba ang pinto ko para tanggapin muli si Liden? Alam ko sa sarili ko na hindi ko pa sinara ang pinto ng puso ko para tanggapin muli sa Liden. Minsan na niya akong pinasiya at minahal ko rin siya kaya bakit ko naman sana siya sasaraduhan ng pinto? Dahil sa sinaktan niya ako? Oo, alam kong nasaktan niya ako pero, hindi sa pagiging marupok ah, pero lahat kase ng tao ay nagkakamali, maaari naman siyang magbago at kung muli niyang mapapatibok ang puso ko ay why not. Ganun naman ang love diba? There is no perfect love story ika nga nila.
Haysst! Ito na naman ako eh, nagpapantasiya ng mga bagay na imposible ng mangyari. Oo, imposible ng bumalik saakin si Liden kase naging sila ulit ni Sarah last year ata. Wow hah, halatang hindi pa ako nakamove on kay Liden. Siguro nga tama si Alliyah, kaylangan ko ng bagong lalaki na tutulong saakin para tuluyan ng kalimutan si Liden. May dadating kaya?
May darating ba na lalaking tutulong saakin na mag move on tadhana? Kung meron, kaylan siya darating?
Hayst, ang dami ko ng na kwento sainyo. Nakakatamad talaga pag math ang binabasa sa library, iuuwi ko nalang itong librong to at sa bahay ko nalang babasahin. Makahanap nga ng ibang libro.
So tumayo ako at pumunta sa mga book shelves, gusto kong makahanap ng story book. Yung romance sana kaso wala palang ganoong libro dito kaya kahit ano nalang, basta makakatulong saakin.
Grabe wala akong maisip o mapiling basahin. Parang halos lahat ng libro dito ay nabasa ko na, paano naman kasing hindi eh ito ang tambayan ko since firstday ko dito sa CDPU. Aishh wala manlang bangong libro?
After a few minutes na kakalibot at kakalakad ko dito sa mga naglalakihang book shelves ay may nakita akong isang color green na libro. I think story siya, agad naman niyang nakuha ang atensiyon ko kaya ito na ang pinili kong basahin. Kaso may problema, nasa itaas na part ng book shlef ito nakalagay at kahit anong tiklay ko ay hindi ko maabot ang libro.
Paulit-ulit akong tumiklay para abutin ang libro ngunit wala parin. Aishhh! Ang hirap maging pandak. At sino naman kasing naglagay ng libro sa ganyan kataas na book shelf? Paano naman kaming hindi matatangkad? So hindi kami required pumili ng mga libro sa itaas na part ng mga book shelves? Aish kainis.
BINABASA MO ANG
'Till We Meet Again
Novela JuvenilAko si Marianne, nasaktan na noon. Oo, minsan na akong nasaktan ng taong minahal ko. Minsan na akong sinaktan ni Liden. Ito ako ngayon,patuloy paring nasasaktan pero may biglang dumating, ang transferee boy na muling magpapatibok ng puso ko. Siya na...