Kathleen's point of view
" Sweety kumain ka muna bago umalis" saad ni mom ng makitang palabas na ako sa door.
"Uhh mom, hindi na po. Doon nalang po ako kakain, gusto ko pong makasabay siya kumain kahit tulog siya" nakangiti kong sagot kay mom at lumapit para yakapin siya.
Siguro nagtataka kayo kung bakit wala na ako sa hospital noh??
Ganito kasi yan,
FLASHBACK
"Uhm Jam pwede na ho ba akong lumabas?" Tanong ko kay Jam, doctor ko ngayon.
" Pwede na Kathleen, malakas ka naman na eh... Kumain" natatawa niyang sagot.
Hmp!
" Oh tignan mo malakas ka na talaga, nanununtok ka na eh HAHAHHA" saad niya at tumawa ng malakas.
At oo close na kami ni doc este ni Jam, friendly kasi siya kaya madaling paki samahan.
"Weyt weyt mo nalang parents mo na mabayaran bills mo dito para makaalis ka na"
Napangiti naman ako, buryong buryo na ako dito sa kwartong to, higa kain puntang cr kain higa, yan lang ginagawa ko dito pero minsan titingin sa kisameng puti at maghihintay kung may makikitang butiki.
Ganyan lagi kong ginagawa sa nakalipas na tatlong araw dito.
" Kapag naaksidente ka tawagin mo agad ako ha? Gusto ko ako magiging doctor mo" saad niya sa tabi ko.
Akala ko lumabas na to??
"Ayaw ko nga, baka lumala pa matatamo ko sayo" natatawang sabat ko sa kaniya.
Kumunot naman ang noo niya at tumingin sa akin.
"Che! Ayaw mo nun? May discount ka saken"
Napintig naman ang tenga ko sa narinig,
'discount'
"Eto naman di mabiro, siyempre kukunin ulit kitang doctor no" agaran kong sagot kasi sayang yung discount hihihi.
" Huwag na, sabi mo nung una hindi kaya huwag na" natatawa niyang saad.
Ngumuso naman ako.
Hmp!
"Oo na papayag na, ang kyut mo talaga" gigil niyang saad tsaka kinurot ang kaliwang pisnge ko.
" Siguro kung di ko nalaman na may jowabels ka na, niligawan na kita ngayon" ngingiti ngiti niyang wika.
Ahh ganon pala ha, harot mo Jam.
Lagot ka ngayon.
"Ahh ganon pala, so sino ako?" Sabat ng kakapasok lang na tao sa kwarto ko.
Biglang nanigas naman ang katawan ng taong nasa gilid ko ngayon.
Tumingin naman akong may ngisi sa labi kay Jam.
Pinagpapawisan siya guys HAHAHAH
Haharot harot pa kasi sa akin, naku naku maling desisyon.
"Sagot! Sino ako sayo?!" Tanong ni Gel, short for Angel (arte niya no?)
"Siyempre ikaw yung girlfriend ko no! Ikaw yung mahal ko, yung Darling ko" halatang ninenerbyos to habang sumasagot.
Nakalimutan ko palang sabihin na Bisexual itong si Jam Dela Vega at Angel Sarmiento, at the same time engaged na den silang dalawa.
BINABASA MO ANG
I Love You Miss
Romance⚠️ cringe story ahead [teacherxstudent; just fiction; don't steal works] SALAMAT SA 112K READS😭🤍 What if one day magising ka nalang na katabi ang pinakastriktong guro mo sa kama at pareho kayong hubad? kakalimutan nga ba ang lahat o pananagutan? ...