Kathleen's point of view
Dalawang araw na akong hindi pumapasok kasi tinatamad ako, minsan lang naman ako mag absent eh. Namessage ko na din sina nanay at Moriel dahil baka mag alala pa sila.
Nandito parin ako sa bahay ni Nikata hanggang ngayon, nagpapasalamat ako sa kaniya kasi dinadamayan niya ako.
Nagpapasalamat din ako sa kanya kasi nasasagot niya ang ilan sa mga katanungan sa isip ko at nagkwekwento siya sa mga pinaggagagawa daw sa amin noon na mga kalokohan.
"Kath kain na, nakatunganga ka na naman eh, mukha kang tanga" natatawang turan niya at nilagyan ng kanin ang plato ko.
"Aray! Bakit mo ako binatukan?!" Naiinis na tanong ni Nikata.
"Tinatawanan mo ako" maktol ko, aba sino bang matutuwa kapag tinatawanan ka kasi nakatunganga ka? Diba wala?!
"Kain na" saad ko sa kanya kasi naiinis pa din mukha niyang nakatingin sa akin.
Bago pa siya magreklamo pa sana siya kaso sinubo ko na yung isang kutsara ng kanin sa bibig niya.
"Kain na" natatawang turan ko.
Kumain na kaming dalawa at nagkwentuhan na din.
Pinapunta na niya ako sa sala pagkatapos naming kumain, siya na daw maghuhugas.
Alam niyo anlakilaki ng bahay niya tapos wala siyang katulog kahit isa? Edi kapag maglilinis siya ilang oras kaya aabutin? Hay kung ano ano na naman naiisip ko HAHAHA.
"Oh tinatawa tawa mo jan? Mukha kang baliw" hindi ko napansing nandito na pala siya.
Hay nakakahiya, nakita niya iyon? Eh bakit ba? Natawa ako sa iniisip ko kanina eh.
"Hoy nikata ilang taon kana?" Tanong ko kasi dalawang araw na kaming magkasama tapos hindi ko pa alam kung ilang taon na siya.
"23, I'm one year older than Avery" sagot niya at humiga sa sofa.
Edi ate siya ni Avery?
'Malamang, 1 year older nga diba? Kakasabi lang' sabat ng utak ko sa tanong ko.
Ay oo nga no? HAHAHA.
"Nikata bumangon ka nga jan, hanap ka movie" saad ko at niyugyog siya.
"Ayoko"
"Sige ka aalis ako dito" banta ko sa kaniya.
Bumangon agad siya "Opo madam, ito na oh bubuksan na" may pagka sarkastikong turan niya at inirapan ako bago inayos yung papanoorin namin.
Binigay niya yung remote sa akin at pinapili ng papanoorin namin.
Agad kong hinanap yung frozen 2 kasi isa yon sa mga peyborit kong panoorin.
"Dami daming pwedeng pagpilian yan pa"
"Huwag ka ngan magreklamo, alam kong sayo yang tv mong flatscreen, manood nalang tayo"
Nanood kami I mean ako lang talaga ang nanood kasi yung kasama kong manood tinulugan ako.
Pinatay ko na din yung pinapanood ko at ginising siya para paakyatin sa kwarto niya, lumalamig na kasi dahil naggagabi na, baka magkasipon pa siya eh.
Hinintay ko siyang pumasok sa kwarto niya na katabi lang ng kwarto ko, sabi niya akin nalang daw yung kwarto na katabi ng kanya kasi wala namang gumagamit, may mga damit na din doon at cr.
Binuksan ko ng bahagya ang pintuan ng kwarto niya at sinilip siya, mahimbing na siyang natutulog, nagpuyat kasi yan kahapon sa work niya tapos hindi pa siya natulog kanina kaya ayan tulog agad.
Sinarado ko na ang kwarto niya pumunta na ako sa kwarto ko. Humiga na ako at pumikit.
"Ate gusto ko ng ice cream"
"Ate tatawagin kitang Hilary ha? Kasi lagi mo akong hinihila eh, pinagsama ko lang yung salitang "hil" sa hila at "ry" sa spelling ng pangalan mo"
"Ate gusto kita tawaging baby"
"Baby o Hilary itatawag ko sayo ha? Kasi girprend mo na ako"
"Baby nga kasi gusto ko itawag sayo kasi lagi mo akong tinatawag ba baby eh malaki na ako kaya ikaw din baby ko kahit malaki ka na"
"Baby kapag nagten na ako papakasalan mo ako ha?"
"Baby pupunta tayo sa ibang bansa? Sa saan ba yon? Ostra ano? Ah! Australia"
"Waah baby ang ganda dito sa ostraya ay Australia pala"
"Talaga magpapaksal na tayo?"
"Wala tayong singsing oh"
"Ang Ganda nitong singsing, bumili ka ng sa ating dalawa?"
"Oo sagot ko sabihin mo sa pari kasi hindi ko naintindihan sinabi niya"
"Halikan mo na daw ako baby sa lips"
"Yehey! Kasal na tayo tapos Kathleen Sandoval Davis na pangalan kooo!"
"Avery babalik na tayo sa Pilipinas?"
"Baby bili mo ako ice cream yun oh"
"Ayaw mo? Edi ako nalang"
"Kuyaaa! Sandaliii! Yung ice cream"
Beeeeeeeeep
"KATHLEEEN!"
Habol hininga akong napaupo at napahawak sa ulo.
Si Avery!
Siya yun! Yung laging nasa panaginip kong kausap ko! Siya yung babaeng pinakasalan ko, siya yun!
A- avery.
BINABASA MO ANG
I Love You Miss
Romance⚠️ cringe story ahead [teacherxstudent; just fiction; don't steal works] SALAMAT SA 112K READS😭🤍 What if one day magising ka nalang na katabi ang pinakastriktong guro mo sa kama at pareho kayong hubad? kakalimutan nga ba ang lahat o pananagutan? ...