Kathleen's point of view
Another wierd day has come.
Alam niyo kung bakit weird? Kasi si Avery biglang bumait.
Parang may gusto siyang gawin na hindi ko maeksplain, parang ang hirap niya hulaan pero at least hindi na malamig pakikitungo niya sa akin.
" Hoy bes kanina pa ako nagsasalita hindi ka pala nakikinig" ani ni Moriel na katabi ko ngayon dito sa garden, likod ng school.
" Eh sorry naman, may iniisip lang"
" Halata naman eh kanina ka pa lutang, ano ba iniisip mo?"
" Si Avery" saad ko at tumingin sa langit.
" Oh ano ganap sa pinsan kong yun? Sinaktan ka ba nung inuwi ka niya? Inaway ka?"
Ang oa naman nito.
" Huwag kang oa, nawi wierdohan lang ako sa mga kinikilos niya kasi biglang bumait tapos hindi na siya malamig makitungo sa akin, nakakapanibago lang"
" Sabagay tama ka, pero hayaan muna natin malay mo maganda maging epekto ng ginagawa niya, baka may maalala siya sa mga ginagawa niya" pagpapagaan niya sa loob ko.
May point din si Moriel, sana nga, sana nga makaalala ka na mahal ko.
" Ano pala sinasabi mo kanina?" Tanong ko kasi hindi talaga ako nakikinig sa kaniya.
" Ah oo, bes sana huwag kang magulat tsaka ha? Keep calm ka lang okay? " Seryoso niyang turan.
Ha? Bakit ako Magugulat?
"Ano ba yon?"
" Yun nga Kathleen my bestfriend, ikakasal na ako"
" Ahh ikakasa-wait ano?! Ikaw ikakasal!? "
" Shhh! Huwag ka nga maingay, baka may makarinig" saad niya tsaka tinakpan ang bunganga ko.
Sinenyasan niya naman ako na tumahimik kaya tumango ako
Dahan dahan niyang tinanggal ang kamay niya sa bibig ko
" Sabi na eh magugulat ka talaga, dapat pala di ko na sinabi, baka iwasan mo ako kasi ikakasal na ako" nanghihinayang niyang bulong.
Bumulong pa rinig ko naman.
" Hoy huwag kang bumulong kung ipaparinig mo din, tsaka ano? Ikakasal ka? "
Hindi ko parin maiproseso sa utak ko na ikakasal na daw tong bestfriend ko, mapapasana ol talaga ako.
" Oo nga paulit ulit lang bes, tsaka arrange marriage naman yon" saad niya na parang wala lang sa kaniyang ikakasal siya.
Kakaiba talaga itong babaeng to.
" Eh sino daw ba ipapakasal sayo? Lalaki o babae?" Tanong ko kasi malay niyo babae pala.
" Naalala mo si Sam? Yung bully mong manliligaw noon? " Tanong niya tsaka humiga dito sa may bench.
" Oo naman, bakit nadamay pangalan ni Samantha dito??"
Nacucurious talaga ako kung sino mapapangasawa nito.
" Siya" simpleng sagot niya.
"Si Sam ipapakasal sayo?!" Gulat kong tanong.
Oh my! Hihihi naaalala kong may crush pala si Sam kay Moriel noong sabi niyang di matutuloy panliligaw niya sa akin.
Isusupport ko nalang sila.
BINABASA MO ANG
I Love You Miss
Storie d'amore⚠️ cringe story ahead [teacherxstudent; just fiction; don't steal works] SALAMAT SA 112K READS😭🤍 What if one day magising ka nalang na katabi ang pinakastriktong guro mo sa kama at pareho kayong hubad? kakalimutan nga ba ang lahat o pananagutan? ...