Kathleen's point of view
" Jam kamusta na siya?" Tanong ko kay Jam, siya ang kinuha kong doctor para kay Avery gaya ng pinangako ko sa kaniya dati.
" Maayos naman siya pero wala paring signs na gigising na" saad niya.
Nanghina naman ako sa narinig.
Lumapit ako sa kinahihigaan ni Avery tsaka umupo sa katabing upuan.
" Ano ba Avery baby ko, antagal mo nang nakahiga diyan eh, nung una tatlong buwan kang tulog tapos gigising ka na hindi ako kilala? Ngayon naman magaapat na araw ka nang hindi pa gumigising, gising ka na oh, miss na miss na kita"
Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha mula sa mata ko.
Ilang beses pa ba ako iiyak para magising ka lang? Ang daya daya mo! Lagi mo akong pinapaiyak.
Naramdaman ko nalang ang pagyakap sa akin ni Jam.
" Kath alam kong hindi madali pero makakaya mo yan, diba matatag ka? Magtiwala ka lang, malakas si Avery diba? Baka maya maya gigising siya tapos makikita kang umiiyak, malulungkot siya kapag umiiyak ka kaya Kath huwag ka na umiyak" pag aalo sa akin ni Jam.
Humagulhol nalang ako ng iyak.
Bakit kasi lagi kang natutulog Ave? Lagi bang ganyan?
Nangako ka na di mo ako papaiyakin pero ano tong pinaggagagawa mo?
Gumising ka na jan, mamasyal pa tayo gaya ng sabi mo sa akin pero tulog tulog lang ginagawa mo eh.
" Kath labas muna ako, tignan ko lang ang magina ko sa kabilang kwarto, kumatok ka nalang kung may kailangan ka pa okay? Tsaka magiging ayos din ang lahat, tiwala lang" nakangiti niyang sambit.
Ngumiti naman ako at hinayaan siyang lumabas.
" Buti pa si Jam at Gel, may anak na, kailan kayo tayo magkakaanak?" Tanong ko sa natutulog na si Avery.
Bumukas ang pinto at pumasok doon si Nikata na malungkot.
" Oh ano? Bakit ka malungkot diyan?" Tanong ko kasi mag aapat na araw na siyang ganyan mula nung nagsumbatan sila ni ate.
Pero di niya sinagot ang tanong ko at umupo sa sofa malapit sa akin.
Tinap niya ito na parang pinapatabi ako sa kaniya kaya tumabi ako.
" Can i tell you story? I want you to listen" saad niya.
Tinignan ko muna siya bago tumango.
" Long ago, there were two girls that are enemies, pangalanan nalang natin na Ryn at Nik, lagi silang magka away and hate na hate talaga nila ang isa't isa. One day Ryn was bullied at the park at buti napadpad si Nik sa park, she saw her enemy being bullied by three boys, linapitan ni Nik ang mga bully at pinagbabato sila ng batong malalaki kaya napatakbo yung mga lalaki, she saw Ryn lying on the floor unconscious kaya tinawag niya ang yaya niya at dinala siya sa bahay nila. They took good care of Ryn while Nik was in her room all day because she don't want Ryn to know that her enemy helped her. Until Ryn got home, may hindi maipaliwanag na nararamdaman si Nik, bigla biglang bibilis ang puso niya sa tuwing maiisip si Ryn. At that time Nik felt unexplainable feelings, she avoided Ryn and even transfered in States para mapalayo lang sa kaniya because she realized that she's inlove with Ryn, her enemy. Nung lumaki si Nik ay bumalik siya dito sa pinas at sa di inaasahang pagkakataon ay nagkitang muli si Ryn at Nik, Nik accidentally kissed Ryn dahil sa nadulas silang dalawa, Nik never thought na magkikita pa ulit sila at sa iisang kwarto ng taong mahal niya until now, Nik thought that Ryn liked the kiss but nah, she didn't liked it at all and nalaman kong kapatid niya pala ang taong katabi kong nakikinig sa kwento namin ni Ryn ngayon." Mahabang kwento niya.
BINABASA MO ANG
I Love You Miss
Romance⚠️ cringe story ahead [teacherxstudent; just fiction; don't steal works] SALAMAT SA 112K READS😭🤍 What if one day magising ka nalang na katabi ang pinakastriktong guro mo sa kama at pareho kayong hubad? kakalimutan nga ba ang lahat o pananagutan? ...