34

2.3K 67 2
                                    

Kathleen's point of view

" Hey love, do you want to rest? You look tired" tanong ni Nikata kay Tulip na mukhang pagod nga talaga kakalakad.

Nandito kasi kami sa SM, kasama ko si ate, ang baby kong si Avery, si Nikata, Moriel, at si Tulip na naglalakad lakad dito kasi wala kaming magawa tsaka Sabado ngayon kaya walang klase.

" Tch! Kami din di mo tatanungin kung pagod kami? Akala mo siya lang kasama!" Naiinis na turan ng kapatid ko na katabi ko ngayon.

Tumingin ako sa dalawang taong nasa likod ko na magpipigil ng  tawa, si Avery at Moriel.

Hindi na kami nagulat sa inaasta ni ate ngayon kasi kanina pa siya reklamo ng reklamo sa tuwing magmomoment sina Nikata.

" Yeah love, tara dun oh upo tayo guys" yaya naman ni Tulip na nakangisi ngayon at inikot ang kamay sa bewang ni Nikata tsaka nauna silang naglakad.

Tumingin naman ako sa kapatid ko na parang papatay na dahil sa tinging pinupukol niya sa dalawang unang umupo.

Kung nakakapatay lang siguro ang tingin, kanina pa nakabulagta sa sahig si Tulip.

" Hoy ate tara na, sabi mo nauupo ka kanina tapos ngayon nakatayo ka parin diyan hanggang ngayon" agaw pansin ko kasi kanina pa siya nakatingin kila Nikata at Tulip na magkayakap ngayon.

Tumingin naman ako nang diretsyo sa mata ni ate at nakita ang pagdaan ng sakit sa mata niya pero agad ding nawala at napalitan ng walang emosyong mata.

" Ate ayos ka lang?" Tanong ko pero parang wala siyang naririnig at nakatingin lang sa direksiyon nina Nikata.

" Psst ate" agaw pansin ko pero wala talaga.

Mukhang apektado siya sa mga ginagawa ni Tulip kqy Nikata, ilang araw na ko na ring napapansin yon kahit sa bahay, umiiyak siya sa kwarto niya tuwing gabi. Kahit hindi niya sabihin na nasasaktan siya, halata sa mata niya.

Maybe smile can hide pain but eyes never lie, you can see emotion in the eyes.

Her eyes telling that she's in pain looking at the two, maybe she's my bubbly ate but I want her to be happy too kaya kakausapin ko siya mamaya.

" Guys can I go home first? Masama pakiramdam ko ngayon" saad ni ate habang nakatingin sa isang direksiyon, kina Nikata.

Kung titignan sa pwesto ni ate, parang naghahalikan sila but no, dito sa pwesto ko ay may ibinulong lang si Tulip kay Nikata na nagpangiti sa kaniya.

" Ahm hatid na kita?" Presinta ni Nikata

" Ahm no, kailangan ng girlfriend mo ng time niyo" bakas sa boses ni ate ang lungkot pero pilit niya itong pinapasaya.

Nauna na si ate at pagkalabas na pagkalabas niya pa lang ay malakas na tawa ni Tulip ang narinig namin kaya napapatingin na ang ibang tao sa amin.

" Ahm di po namin yan kasama" saad ni Moriel sabay turo kay Tulip

Napatigil naman sa pagtawa si Tulip at nagpeace sign tsaka lumapit sakin para lumingkis ng kamay.

" Hey Tulip, that's my girl" sita ni Avery sabay alis sa kamay ni Tulip na nakalingkis sa akin.

" Possessive mo naman, di ko siya aagawin sayo no, pero kanina talaga natatawang naaawa ako kay Kathryn kasi yung tingin niya kanina parang papatay na" wika na Tulip at tumango naman ang mga kasama ko.

" Ang galing mo talaga umarte insan" papuri ni Moriel tsaka pumalakpak.

" Of course my dearest cousin, ako pa" proud na sabi ni Tulip.

I Love You MissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon