Kathleen's point of view
Papunta ako sa office ni Avery ngayon dahil sa hindi ko alam na dahilan. Sinabi lang ni Moriel sa akin na kailangan kong pumunta daw doon.
Anlayo layo pa ng office niya sa classroom namin eh, dadaan ka pa sa isang building tapos aakyat ka ng 3 floors. Sino hindi mapapagod dun?
Bat kasi malayo office nun? Nakakapagod maglakad eh.
Nasa tapat na ako ng office niya at kakatok sana pero bumukas yung pinto at hinila agad ako ng tao sa loob nun at niyakap ng mahigpit bago isara at ilock yung pinto.
"I miss you" saad niya at pinatong yung ulo niya sa ulo ko.
Edi wow! Siya na matangkad!
"Magkasama lang tayo kanina ah"
"Even though! I still miss you"
Enebe kenekeleg eke hehe.
Tumingkayad ako at sumiksik sa leeg niya, hanggang balikat niya lang ako eh.
Naramdaman kong binuhat niya ako kaya pinulupot ko yung paa ko sa bewang niya at tumitig sa mukha niya, sa mata niyang deep blue, sa ilong niyang matangos, sa pisngi niyang maputi, sa labi niyang mapupula na inaakit ako halikan ito.
Tinitigan niya rin ako at napansin kong nakatingin siya sa labi ko kaya hinalikan ko siya at inilagay ang kamay ko sa batok niya. Naramdaman kong naglakad siya papuntang table niya at umupo sa swivel chair.
Humiwalay ako sa halik at tumitig sa kaniya. Yumakap ako sa kaniya at siniksik ang ulo ko sa leeg niya.
"I'm starting to get jealous" saad niya na nakayakap sa akin.
Nagtaka naman ako sa sinabi niya.
Huh? Siya magseselos? Bakit? Wala naman akong ginagawang masama ah
"Bakit ka nagseselos?"
"Dahil lagi mong inaamoy ang leeg ko and I'm starting to get jealous to my neck" sagot niya na nagpatawa sa akin.
Sarili niya pagseselosan niya? Pwede pala yon?
__________
Nandito parin ako ngayon sa office ni Avery hanggang ngayon kasi ayaw niya ako paalisin.Pinaalam na din ni Moriel na hindi ako makakaattend ng classes ko the whole day kasi gusto ni Avery na dito daw ako hanggang matapos ang class hours. Nababagot na din ako kasi wala akong magawa kundi ang umupo sa mini sofa dito at titigan siyang magcheck ng paperworks.
"Baby you want to watch? I know you are bored already" saad niya ng mapansing nakatitig lang ako sa kanya.
"Sige! Open mo na yung tv daliii" masayang turan ko.
Itong office niya kasi is malawak siya, may mini kitchen at bedroom, sa loob ng bedroom niya may maliit na closet cabinet at cr kaya pwede siya na matulog dito, tsaka pagpasok mo palang, bubungad na sayo yung mini sofa na dalawa sa gilid non yung table kung saan siya naka upo, may tv din dito at malaking bintana, basta maganda lahat dito sa office niya.
Inabot niya sa akin yung remote kaya nanood nalang ako ng barbie.
Pagkatapos ko manood ay pumunta ako sa harap no Avery.
"Baby upo ako sa lap mo please" pagpapakyut ko sa kanya.
Pinaupo niya agad ako sa kandungan niya at naramdaman kong hinahagod niya ang likod ko. Dahil sa ginagawa niya ay bigla nalang akong dinalaw ng antok.
__________
Nagising ako sa isang park, park?! Diba nasa office ako ni Avery?!
BINABASA MO ANG
I Love You Miss
Romance⚠️ cringe story ahead [teacherxstudent; just fiction; don't steal works] SALAMAT SA 112K READS😭🤍 What if one day magising ka nalang na katabi ang pinakastriktong guro mo sa kama at pareho kayong hubad? kakalimutan nga ba ang lahat o pananagutan? ...