15

2.5K 81 2
                                    

Kathleen's point of view

Nakaupo ako sa kama na tinulugan ko kagabi. Kanina pa ako nagtataka kasi paggising ko nasa ibang kwarto ako kaya hindi na muna ako lumabas, baka pagkamalan pa akong magnanakaw.

Narinig kong bumukas ang pinto kaya dali dali akong humiga at pumikit.

"Kathleen I know that your awake" saad ng babae at hinawakan ako sa pisnge.

Paano niya nalaman na gising ako? Halata bang nagtutulog tulogan lang ako? Hindi pala ako papasa sa acting kapag ganun eh.

Umupo ako sa kama tsaka tinignan ang mukha ng babaeng kasama ko.

Nagtataka ako kasi paano ako napunta dito eh si Moriel lang naman kasama ko kahapon eh, sa susunod hindi na nga ako iinom ng alak, baka hmp!

Pero parang pamilyar yung mukha niya eh, parang nakita ko na pero hindi ko alam kung saan at kamukha niya si Ave..- nevermind.

Inilibot ko ang mata ko sa buong kwarto.

"Huhuhu masakit aray!"

"Aalis na ako Kath, pupunta ako sa ibang bansa para magaral"

"Babalikan kita basta hintayin mo ako"

"Bumalik naman ako eh, huwag ka na umiyak"

"Ano ba Kath! nakikiliti ako HAHAHA"

"Ayos lang magmukhang tanga basta napasaya kita"

"Pasensya na kung iiwan ulit kita, kailangan talaga ako nila mommy sa us eh basta tandaan mo ito mahal kita"

Mga salitang naririnig ko sa isipan ko.

Waahhhh! Ansakit ng ulo kooo!

"Hey Kathleen, inumin mo ito" saad ng kasama ko tsaka ako binigayan ng gamot.

Dali dali ko iyong ininom dahil masakit talaga ulo ko.

"I know you're wondering why your here, nakita kasi kita kagabi na napaparami na ng inom kaya hindi na ako nagdalawang isip na iuwi ka kasi baka mamaya may masamang mangyari sayo" mahabang lintanya niya.

Tumingin ako sa mukha niya, napakapamilyar talaga eh tsaka magkamukha sila ni Ave- basta sya.

"How I wish you remember me now" bulong niya na hindi ko naintindihan.

"By the way I'm Nikata Davis" nakangiting pakilala niya at nilahad ang kamay niya.

Nahihiya man ngunit nagpakilala na din ako.

" Kath.. -"

" I know you" nakangiting saad niya.

Ha?! Paano niya ako kilala eh hindi pa ko pa nasasabi buong pangalan ko?

"Kathleen hindi ko alam kung nasabi na ba ito ng mga magulang mo pero gusto ko lang malaman na nagkaamnesia ka"

Huh?! Amnesia? Diba yun yung nakalimot? Paano ako magkakaamnesia?

"You we're just 15 when you we're hit by a car, may nakakita sa iyo na mukhang may hinahabol ka daw at hindi mo napansing may sasakyang paparating habang tumatakbo ka. Gustong gusto kitang puntahan nung mga oras na iyon kaso I'm in us, kaya nakibalita ako sa mga magulang mo, your in 5 months comatose"

A-ako?

"Nung nabalitaan nami- I mean nung nabalitaan ko yun, nalungkot ako ng sobra, araw araw akong nagdadasal na sana magising ka na, at nadinig ang panalangin ko, nagising ka nga, pero wa-wala kang maalala" naiiyak niyang turan.

Halo halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon dahil sa sinabi ni Nikata saakin ngayon.

Hindi ako makaimik, wala akong masabi.

Edi totoo pala ang sinabi ng nanay ko, na nagka amnesia ako

Pero bakit?

Mga alaala ko ba yung mga napapanaginipan ko?

"Ang sabi ng doctor, hinay hinayin ka daw namin na alalahanin ang lahat pero hindi ko na kayang titigan ka sa malayo, I just can't,  miss na miss na kita Kathleen" saad niya at niyakap ako.

Hinayaan ko lang siya na yakapin ako at  pinunasan ko naman ang mga luha sa mata niya. Hinayaan ko lang siya sa ganong posisyon.

Hindi ko namalayang nakatulog na pala siya habang nakayakap sa akin.

Dahan dahan ko siyang inihiga at kinumutan.

Napabuntong hininga nalang ako at pilit na inaaalala ang mga panaginip ko.

' Maalala mo din ang lahat Kathleen, magtiwala ka lang sa panahon at sa sarili mo' wika ko sa sarili ko.

I Love You MissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon