12

2.7K 84 2
                                    

Kathleen's point of view

"Hey baby" rinig kung saad ng kung sino at hinahalikan ang mukha ko.

"Baby wake up" saad ulit nito at naramdaman kong ipinasok niya ang kamay niya sa damit ko.

Bigla akong napabangon dahil doon at nakita kung sino yung gumigising sa akin.

"Baby good morning" nakangiting bungad sa akin ni Avery at hinalikan sa labi.

"Good morning din, huwag mo nga ako ikiss pag kakagising ko lang!" Inis kong turan.

"Why is that hmm?"

"Eh kasi hindi pa ako nagsi sipilyo, baka mabaho hininga ko"

"So? Mabango kaya kahit hindi ka magtoothbrush" saad niya at akmang hahalikan na naman ako.

"Ihhh sabing huwag mo nga ako halikan! Gusto mo hindi na ako magpapahalik sayo?" Banta ko sa kanya.

"Eto na hindi na oh" saad niya at niyakap ako.

"Baby alis ka muna maliligo pa ako baka malate tayo sa school"

"Can I join?"

"Hoy Avery alam kong natikman mo na yang si Kathleen hayaan mo nang maligo mag isa" sabat ni Moriel na kanina pa palang pinapanood kami.

"Oo na aalis na po" sagot ni Avery "fix yourself, ihahatid ko na kayo papasok okay?" Pagpapatuloy niya, tumango ako dito at tumayo para kunin yung tuwalya ko.

Hinila na ni Moriel palabas sa kwarto ko, nakita ko pang nagrereklamo si Avery kay Moriel bago tuluyang makalabas. Napailing nalang ako sa magpinsang iyon.

Pagkatapos kong mag ayos ay kumakain na silang dalawa.

"Bakit hindi nyo ako hinintay?"

"Eh kasi ang tagal mo maligo tsaka mag ayos" saad ni Moriel.

"Seat beside me Kath, I'll feed you" wika ni Avery tsaka ako inalalayang umupo.

"Ehem ehem respeto sa single ehem ehem" pagpapapansin ni Moriel.

Tinawanan lang namin ni Avery si Moriel kasi kanina pa nagpapapansin sa amin.

"Hoy besh una na ako byeee" saad ni Moriel at mabilis na humalik sa pisngi ko bago lumabas ng kotse ni Avery.

Paglingon ko kay Avery eh naiinis ang mukha niyang nakaharap sa manobela tsaka bumubulong bulong.

"Avery" tawag ko sa kanya.

Lumingon naman sya sa akin.

"Huwag ka nga bumubulong bulong jan, mukha kang bubuyog tsaka wag ka na mainis okay?"

"Sinong hindi maiinis eh alam niyang ayaw kong may humahalik sayo maliban sa akin" inis nitong saad.

"Ang bestfriend kiss lang naman yun eh"

"Still! I don't want it when  someone kisses you, you are my girlfriend and I'm the only one who can kiss you." Inis niyang saad.

"Eh paano kapag parents ko hahalik sa akin?" Tanong ko sa kaniya.

Tumingin siya sa akin at nagsalita "Okay, your family can kiss you too" sagot niya at humalik sa lips ko bago punasan ang pisngi kong hinalikan ni Moriel kani kanina lang.

"Tara na baka malate pa ako eh" aya ko sa kaniya.

Lumabas naman siya sa driver seat at umikot para pagbuksan ako ng pinto, gentlewoman.

Inalalayan niya akong lumabas at niyakap. Nasubsob ako sa dibdib niya, mas matangkad siya sakin eh.

Tumingala ako para tignan siya, bakit kaso ang tangkad niya?!

"Papasok na ako miss" pangaasar ko sa kaniya.

"Don't call me miss" inis na naman niyang saad.

"Eh ano itatawag ko sayo dito sa school?"

Nagisip ito saglit at napabuntong hininga.

"Okay you can call me miss but inside this school only" sagot niya at hinalikan ako sa labi.

Ayaw niya kasing sabihin yung relasyon namin, privacy daw.

Nagpaalam na ako sa kanya na mauuna na ako para hindi ako malate sa klase ni mr. Velasco

I Love You MissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon