Kathleen's point of view
"Kath beshy tama na yan"
"Beshy lasing ka na oh"
"Beshy please tama na"
Ilan lang yan sa mga sinasabi ni Moriel sa akin para pahintuin ako sa paginom ng alak.
Nakakailang hard drinks na rin ang naimon ko ng may maramdaman akong humila sa kamay ko palabas ng bar.
Alam kong hindi ito si Moriel dahil sa lambot ng kamay na nakahawak sa akin.
Parang pamilyar itong nangyayari ngayon kasi diba hinila din ako ni Avery nung nalasing ako?
"GET. INSIDE .THE. CAR. NOW.!" Sigaw ng babaeng humila sa akin, alam kong babae ito dahil sa boses niya kahit sumigaw pa siya.
Sinunod ko nalang ang utos ng babae na pumasok sa kotse niya.
Agad kong pinikit ang mata ko dahil hilong hilo na talaga ako.
Narinig kong inistart na niya ang kotse at nagmaneho.
Hindi ko kilala kung sino man itong humila sa akin dahil mas matangkad ito kay Ave- psh! Nevermind, at iba ang amoy niya. Parang pamilyar sa akin pero hindi ko maalala, parang may nawawalang memorya sa akin.
Hindi ko namalayang buhat na pala ako ng babaeng humila sa akin papasok sa isang malaking mansyon.
Naramdaman kong inihiga ako ng babaeng bumuhat sa akin sa isang malambot na kama.
Nakita ko yung babae na lumabas sa kwarto kung nasaan ako kaya napapikit ulit ako ng mata. Narinig kong bumukas ang pinto kaya naidilat ko ulit yung mata ko at nakita siyang may dalang pamunas.
"Kathleen upo ka muna" wika niya, pamilyar ang boses niya pero hindi ko alam kung saan ko narinig.
Inalalayan niya akong umupo at sinimulang punasan ang mukha ko hanggang sa leeg.
"Pwede ko bang ta- tanggalin yang da-damit mo?" Nauutal niyan tanong, tumango nalang ako at hinayaan siyang punasan ang katawan ko.
Pagkatapos niya akong punasan ay pinakain niya na din ako. Nagpapasalamat ako sa kung sino man itong kasama ko ngayon dahil inaalagaan niya ako.
Dahil sa kalasingan ko ay nakatulog na din ako.
"Sana Kathleen maalala mo na kung sino ako" narinig kong sabi ng kasama ko bago ako tuluyang matulog.
Someone's point of view
"Kathleen please sana bumalik na alala mo, I miss you so much" mahinang bulong ko sa tenga niya at niyakap siya ng mahigpit.
'I promise you Kathleen Sandoval that I will never hurt you like what Avery did to you kung ako ang pipiliin mo' saad ko sa sarili ko at natulog habang yakap ng mahigpit si Kathleen.
Avery's point of view
Susundan ko sana si Kathleen ng nakalabas na sya kaso hinawakan ng punyet*ng lalaking to ang kamay ko.
"Hey where are you going?" Nagtataka niyang tanong.
Hindi ko siya pinansin at pilit na tinatanggal ang kamay ko sa pagkakahawak niya.
"Hahanapin ko ang GIRLFRIEND ko kaya please Mr. Williams bitawan mo ang kamay ko! And oh I forgot, you are not my BOYFRIEND and you will never be!" Gigil kong turan at inalis ang kamay ko sa hawak niya.
Lumabas agad ako para hanapin kung saan pumunta si Kathleen.
Ilang beses na akong paikot ikot sa school na ito para mahanap siya pero wala akong nakita.
Naluluha na ako habang naglalakad sa hallway, ayos lang umiyak ako dahil maggagabi na rin at wala naring tao, tanging guard na lang ang nandito.
Habang naglalakad ako ay tumunog ang cellphone ko, it's Moriel.
"Hello Moriel nakita mo ba si Kathleen?" Humihikbing tanong ko
[Oo kasama ko siya, nandito kami sa isa sa mga bar na pagmamay ari mo malapit sa school, hindi ko man alam kung ano ang problema niyo pero sana maayos niyo iyan]
"Okay thank you Moriel please wait me there"
[Sige pero please paki bilisan ang pagpunta dito dahil lasing na lasing na si Kath]
Ibinaba na niya ang tawag kaya dali dali akong pumunta sa parking lot at sumakay sa kotse. Mabilis kong pinatakbo ang sasakyan.
Pagpasok ko sa bar ay nakita kong parang may hinahanap si Moriel kaya pinuntahan ko agad siya.
"Moriel nasan si Kathleen?"
"Hindi ko alam kung nasaan siya, iniwan ko siya dito kanina dahil ihing ihi na ako" sagot mi Moriel.
Nilibot naming dalawa ang buong bar nagbabakasakaling makita ko siya kaso nabigo kami, walang kaming nakitang Kathleen
Hindi parin tumitigil ang pag agos ng luha sa mata ko
Naalala kong may cctv pala sa labas ng bar kaya agad akong pumunta sa office ko dito, sumunod naman si Moriel sa akin.
Nakita kong may humila sa kaniyang babae, kilala ko siya, kilalang kilala.
Wait for me Kathleen hahanapin kita at ilalayo sa babaeng yan.
BINABASA MO ANG
I Love You Miss
Romance⚠️ cringe story ahead [teacherxstudent; just fiction; don't steal works] SALAMAT SA 112K READS😭🤍 What if one day magising ka nalang na katabi ang pinakastriktong guro mo sa kama at pareho kayong hubad? kakalimutan nga ba ang lahat o pananagutan? ...