7

5K 134 25
                                    

Kathleen's point of view

Nandito ako ngayon sa veranda ng kwarto ni Avery, kakagising ko lang.

" Hey Kathleen, magpalit ka na, let's swim". Saad ni Avery na nasa tabi ko na pala.

Kanina kasi nung gumising ako wala na akong katabi. Nakita ko lang sa note na iniwan niya sa table na bumili lang daw siya ng mga pagkain namin.

" Uhm sige"

Kinuha ko na ang mga damit na pinamili niya at nagtungo sa cr.

Pagtingin ko sa paper bag ay may two piece dito, ay two pie-HA! Magtu two piece ako?! Hindi naman ako nagsusuot ng ganito eh, pero walang choice dahil ito lang ang nabili niya.

Nagpalit na ako at kinuha ang beach robe na kasama ng two piece na ito. Paglabas ko nakapalit na din si Avery ng swimwear, parehas ng style ang swimsuit namin pero magkaiba nga lang ng kulay. Sakin kasi red tapos sa kanya white.

Nakita niyang nakatitig ako sa katawang niya, gumuhit ang ngisi sa labi nito.

" I know I'm sexy, wag mo na titigan" ani niya na nagpapula ng mukha ko.

Oo aaminin ko sexy siya, 23 yata waistline nito eh habang ako 25  tapos ano ang ano an- anlaki ng ano, yung ano niya, yung hinaharap niya, yung akin kasi katamtaman lang.

" Hindi ah!" Tanggi ko kaso tong mata ko ayaw maalis sa kanya.

Hindi ko namalayang nakalapit na pala ito sa akin.

" Let's go now hmm?" Aya niya at hinila na naman po ako.

Pagdating namin sa dalampasigan ay maraming mga tao na nakatingin sa amin.

Naramdaman ko ang kamay na pumulupot sa bewang ko at hinapit papalapit sa katabi ko. Ewan ko kung bakit biglang sumama timpla ng mukha nito ng tinanggal ko yung beach robe ko.

Avery's point of view

Kanina pa ako naiinis sa mga titig nila kay Kathleen dahil parang hinuhubaran na nila ito. Dapat pala rush guard nalang binili ko para di nila pagpyestahan katawan ng babaeng to eh.

" okay ka lang?" Tanong nito sa akin.

" Yeah" sagot ko at ngumiti dito ng pilit.

Nakita kong papalapit samin ang isang mukhang hitong lalaki na gwapo daw, gwapo? Mukha kayang hito, I'm more handsomely beautiful than him.

" Hey miss are you single?" Tanong nung hito kay Kathleen ng nakalapit sa amin.

" Ahm Oo sing-..."

" No! She's my wife" pagputol ko sa sasabihin ni Kathleen at tinitigan ng masama ang lalaki.

" Ohhh, sorry I didn't know" saad ng lalaking to.

" Now you know, you can go now" malamig kong saad dito at hinila pabalik si Kathleen sa kwarto namin.

" Oh bakit tayo bumalik? Akala ko lalangoy tayo" takang tanong niya sa akin.

" Of course lalangoy tayo pero hindi tayo babalik dun" I answered and hugged her soft body.

" Ha? Edi saan tayo lalangoy? Sa cr? Sa tub?" Tanong niya sa akin.

" No of course not in the cr" sagot ko.

" Tara may ipapakita ako sayo" saad ko at hinila siya papunta sa likod ng bookshelf.

" Anong gagawin natin jan sa likod ng bookshelf?" Tanong niya.

Kathleen's point of view

Kanina pa ako nagtataka dito kasi lalangoy daw kami pero hindi babalik sa beach?

Hinila niya ako at lumapit siya sa likod ng bookshelf at hinila ang isang libro.

Biglang bumukas ang katabi nitong kahoy. Luh?! May magic ba to? Bakit biglang bumukas?!

" That's my secret place" saad niya ng nakitang nagulat ako sa pagbukas ng kahoy.

Hinila ako nito papaloob doon at tumambad sa akin ang napakagandang dalampasigan, pinong puting buhangin at tahimik na kapaligiran. Ngayon lang ako nakarating sa ganitong lugar, parang nasa Maldives ako ngayon.

" This place is where I go when I want to be alone" saad ni Avery na nakayakap ngayon sa likod ko, backhug ganun.

" Ha? Bakit mo ako dinala dito kung gusto mo mag isa?" Naguguluhang tanong ko.

" Because I want to, and I promise to myself na dadalhin ko dito ang taong mahal ko" sagot nito. Nagpipigil naman akong ngumiti kasi naman sino bang hindi kikiligin sa sinabi nito?

Humiwalay siya sa yakap sa likod ko at nagpunta sa harap ko. Tumingala ako dito kasi mas matangkad siya sakin ng 5 inches 5 flat kasi height ko. Hinawakan nito kamay ko at lumuhod. Hala bakit siya lumuhod?

"May masakit ba, bakit ka lumuhod?" Nagaalalang tanong ko sa kaniya, Umiling lang siya.

" Kathleen Sandoval alam kong maaga pa para dito pero will you be my girlfriend?" Tanong nito na nagpagulat sa akin, napakasaya ng nararamdaman ko ngayon dahil sa tanong nito.

Hindi agad ako nakapagsalita dahil naiproproseso pa lang ng utak ko ang tanong niya.

" I knew it, I knew you're still not ready, sorry" malungkot niyang saad at tumayo.

"Sinong may sabing hindi ako handa ha?! Sabihin mo sasampalin ko!" Sagot ko dito.

Nakita kong nagulat ito.

"You mean! You mean yes?!" Tanong nitong nakangiti ng wagas.

"Oo naman ano bang dahilan ko para humindi? Mahal din kasi kita eh" sagot ko.

Nakita kong namumula ang tenga nito kaya paniguradong kinikilig to.

"Yiiieeee kinikilig siyaa haha" asar ko dito at tumakbo sa dagat para lumangoy na.

"Halika na langoy na tayo" sigaw ko sa kanya na kanina pang namumula sa kilig haha, ang cute niya.

Lumapit na din ito at naglaro kami sa tubig hanggang napagod kami.

" Can I kiss you?" Tanong ng katabi ko dito sa kama, oo nakahiga kaming dalawa.

" Oo naman girlfriend na kita eh" nakangiting sagot ko dito.

Hinalikan niya ako ng may halong pagmamahal.

" Matulog na tayo hmm?" Inaantok kong tanong dito at sumiksik sa leeg niya.

" Yes goodnight I love you" sagot nito at hinalikan sa noo ko.

" I love you and goodnight too" saad ko. At niyakap siya.

" I love you very much" rinig kong bulong nito bago ako makatulog.
.
.

I Love You MissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon