16

15 6 0
                                    

"Tara na?" Abby asked then I immediately nodded.

Agad kong kinuha ang aking limang maleta palabas ng aking kwarto, iniwan ko muna sa sala ang mga maleta ko at bumalik sa kwarto upang kunin ang dalawang hand carry bags ko.

"'Yan na ba lahat?" Tanong ni Brian sa 'kin nang makita na niya ang mga gamit ko.

"May isang bag pack pa ako sa kwarto ko, teka lang." sabi ko at agad na umakyat sa taas at kinuha ko na 'yung bag pack ko sa kama.

Akmang isasarado ko na sana ang pinto nang bigla rin akong napatigil. I sighed then I opened the door and I turned on the lights. I immediately locked the door then I sat on my bed.

"Mamimiss ko kayo," I murmured.

Pinalibot ko ang aking tingin sa buong kabuo-an ng kwarto ko.

"Mamimiss ko 'to,"

Agad naman akong napatayo nang biglang may kumatok sa pinto.

"Tara na Stella," rinig kong sabi ni Abby.

"Ouh lagi,"

I stood up.

I sighed.

I smiled.

Goodbye.


















Kasalukuyan kaming kumakain ngayon ni Abby sa fast food chain dito lang din sa loob ng airport. Kanina pa ako panay tingin sa phone ko at nagbabakasakaling i-chat niya ako. Pero umasa lang ako sa wala....

"Hoy ghorl! Kanina ka pa tingin ng tingin sa phone mo,"

"Mula kaninang umaga pa niya kasi ako hindi chinat e,"

"Baka naman busy,"

"Ghorl, walang araw na hindi siya busy. Alam kong  busy siya, pero kahit ganon china-chat niya pa rin ako,"

"Diba sabi mo sa 'kin kahapon ay na ospital siya? Oh baka naman paalis na 'yun tas nakalimutan lang,"

Oo nga pala, ma d-discharge na pala siya ngayon.

"Tapos ka ng kumain? Tara na," sabi niya habang nililigpit ang kanyang pinagkainan.

"Sige,"

Habang nililigpit ko ang aking mga pinagkainan ay may biglang nag chat sa 'kin agad ko naman itong kinuha at nagbabakasakaling siya na pero nabigo ako. Isang babae ang nag chat sa 'kin pero hindi ko ito kilala, baka naman na wrong send?

Gabriela De Dios

'Yan ang pangalan nong babaeng nag chat sa 'kin agad ko namang pinindot ang message niya at laking gulat ko dahil sinendan niya ako ng pic.

Napasinghap ako sa aking nakita. Nabitawan ko ang dala kong styro (container ng pinagkainan ko). Nagsimula nang mamuo ang aking mga luha. Nagsimula nang manghilam ang aking paningin. Parang biglang tumigil sa pag-ikot ang mundo ko.

"Stella what happened?" Tanong ni Abby habang pinupulot niya ang nabitawan kong styro.

"S-si Ivan.... Abby, si I-Ivan.. "

"Bakit ba?"

Agad kong pinakita sa kanya 'yung photo na sinend nong babae.

"What the fuck? Is this real?"

I nodded until I can feel my tears were starting to burst.

"H-he.... He c-cheated on m-me... " I said in between my sobs.

Ang nasa picture kasi ay nakahiga si Ivan sa hospital bed at may kasama siyang babae na nakaupo sa monoblock chair, nakaharap kay Ivan. They're kissing... Naghalikan sila.

"B-baka naman photoshopped lang to Stella? Hindi yan magagawa ni Ivan sa 'yo--"

"Anong hindi? Nagawa na nga niya diba? 'Yan na diba? May ebidensya na Abbygail!" sabi ko at agad na kinuha ang bag ko at nauna na sa kanya lumabas ng fast food chain na 'yun.

'Til next time New Mexico....





















"WELCOME HOOOOOMMMMEEEE!" sigaw ni Abby pagkalabas na namin sa airport.

Nasa Manila na kami at nakita na namin ni Abby ang pinsan niya na nag-aantay sa 'min.

"Tara na, kalimutan mo na 'yun! Kung hanggang don nalang talaga kayo edi hanggang don lang talaga!" sabi niya at hinila niya ako papasok sa kotse.

"Nga pala Stella this is Navi pinsan ko, Navi si Stella kaibigan ko," pagpapakilala niya sa 'kin sa pinsan niyang babae.

"Hello,"

"Tito si Stella po 'yung kaibigan ko, Stella si tito Kris papa ni Navi."

"Hello po tito,"




















"Bukas ka uuwi ng Cebu diba? 'Wag ka na kumuha ng mga damit mo sa mga bagahe mo. Pahihiramin nalang kita, teka lang." sabi ni Abby at agad siyang lumabas ng kwarto.

Kasakulukuyan na kaming andito sa bahay ng Lola ni Abby. Dito muna ako matutulog sa guest room nila. 'Yung si tito Kris at ang papa ni Stella ang magkapatid, kaya magpinsan sila ni Navi sa father side. Tas 'yung lola niya na nakatira rito ay 'yun 'yung mama ng papa niya. So, long story short taga Manila 'yung papa niya while 'yung mama niya 'yung taga Cebu. Hiwalay na kasi ang parents ni Abby kaya nandito ngayon sa Manila 'yung papa niya. Only child lang siya, wala siyang mga kapatid kaya sa mga pinsan siya tumatakbo 'pag may problema siya, minsan din sa 'kin siya tumatakbo. Kaya naiintindihan ko kung bakit madaldal 'tong si Abby kasi lumaki siya na walang kausap sa bahay. Tanging ang mama lang niya ang kasama niya sa Cebu noon.

Agad naman akong napatingin sa phone ko nang bigla itong nag ring.

Ivan is calling

Gusto ko ng matapos 'to kaya tatapusin ko na kung ano yung dapat tapusin.

Agad kong pinindot 'yung green button at sumalubong sa 'kin ang may bakas na kalungkutan sa kanyang mukha.

Lungkot? Siya pa talaga ang malulungkot?

["Stella---"]

"Let's break up," I said in a monotone voice.

["Stella look---"]

"Please Ivan...Please," pahina na ng pahina ang boses ko.

I saw him nodded kaya agad na nag-uunahan sa pagtulo ang aking mga luha.

["Okay if you say so... "]

Shet.

Pumayag siya.

Pipindutin ko na sana ang red button nang bigla pa siyang nagsalita.

["Can you do me a favor?"]

"Ano 'yun? "

["Last two favors... Please?"]

Nakita ko naman sa kanyang mga mata na para na siyang maluluha anytime.

I nodded.

["Sing for me,"] he whispered.

I nodded.

"Anhi a ko diri sa balay... "

Nagsimula na namang mag-unahan sa pagtulo ang mga luha ko. I immediately looked away at palihim na pinupunasan ang pisnge ko.

"Kay gi mingaw nako nimo gamay,
Ayaw na pagdugay dugay,
Pagdali nag anhi kay,
Ganahan kong kitang duha diri mu...."

I sang in between my sobs.

"Pahuway," I almost whispered the last word.

["Last favor Stella ko... Magkikita pa rin tayo bukas ha? Antayin mo 'ko sa Fuente. Tatawag ako, antayin mo 'ko please? Gustong gustong gustong gustong gusto na kitang makita,"] sabi niya habang umiiyak.

["Always remember na kahit wala nang tayo... Gihigugma gihapon tika Stella ko."]

That was the last word he said before he ended the call.

Kanus a Kaha? (Cebuana Series #2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon