"Tara na!" pagyayaya ni Abby sa 'kin palabas ng paaralan kaya hinayaan ko nalang siyang hilahin ako palabas.
"Kung makahila ka ghorl para namang ililibre mo 'ko tss," sabi ko at agad kong kinalas 'yung kamay niya na nakahawak sa braso ko nang nasa kbbq na kami.
Actually malapit lang naman yung kbbq rito sa school. Mga five minutes lang ata ang lalakarin mo.
"Ito naman! Uy, nandiyan na pala sila!" sabi niya sabay turo sa pwesto nina Brian.
Nakita ko namang kumaway si Abby at 'di nagtagal nahigilap din ito ni Brian.
"Hey!" he said then he waved his hand on us.
Nakita naman namin ni Abby na puno na lahat ng tables kaya no choice kami kundi makipag share nalang kila Brian.
Ano pa bang bago? Every lunch break or dinner namin parati naman kaming magkasama.
"Naalala niyo ba 'yung tinutukoy kong mga bagong teachers dito? Ito sila," tukoy niya sa 'min sa mga bagong teachers dito na kasama niya.
"Ito si sir Drake, ito naman si ma'am Haven at si sir Wil," pagpapakilala niya sa mga kasamahan niya sa 'min agad din naman siyang bumaling sa mga bagong teachers na kasama naming kumakain ngayon at pinakilala niya kami rito.
"Ito naman po 'yung mga kaibigan kong teachers din, ito po si ma'am Abby," nag bow naman si Abby at nag smile. "And this is ma'am Stella." nag bow din ako ng kaunti at nag smile sa kanila.
"Nice meeting y'all," sabi ko sa kanila at nakita ko naman silang ngumiti at nag bow din ng kaunti sa 'min.
"Gaano na kayo katagal dito sa Gallup?" Sir Wil asked us.
"Mag t-three years na sir,"
"Oh, so malapit na pala?" Ma'am Haven asked.
I nodded.
"Yes ma'am,"
"Ang formal naman ng ma'am at sir. Drop those nalang, saka na tayo mag m-maam at sir pag nasa school na. Medyo ano siya e, too formal." sir Drake said kaya agad naman kaming natawa sa sinabi niya.
Yes, I'm a teacher here in Gallup, Albuquerque, New Mexico, USA. A SPED teacher to be exact. Three years ang contract ko rito as a SPED teacher and two years na akong nagtuturo rito. So basically, malapit na akong umuwi sa Pinas and 'yun 'yung tinutukoy ni ma'am Haven sa 'kin kanina na malapit na raw.
What does SPED teacher means by the way? It means Special Education. A special education teacher is someone who works with children and youths who have a variety of disabilities. Children with special needs require unique instruction by specially trained professionals to help them achieve their highest potential and strive to progress beyond their limitations.
Gino-google ko 'yan, 'wag kang ano.
Nong nagtuturo pa ako sa pinas ay hindi SPED ang tinuturo ko. I'm a Filipino teacher. Filipino ang major ko. At dahil gusto kong magturo rito at wala naman silang Filipino subject dito (lol) ay kailangan kong mag-aral muna ng SPED bago ako nag-apply dito of course and luckily, three years ago natanggap ako at heto na ako ngayon.
"Ikaw Abby? Gaano kana katagal dito?" Haven asked.
"Mag wa-one year palang hehe,"
Kaagad namang namilog ang kanilang mga mata.
Gulat na gulat sizt?
"So hindi pala kayo magkasabay ni Stella?" Wil asked.
"Actually, we're both licensed teacher sa Pilipinas and then itong kaibigan kong si Stella ay sinubukan niyang mag-apply as a SPED teacher dito and luckily na tanggap siya kaya 'yun nauna siya. Tas sabi ko, sabihin mo sa 'kin pag ano maayos lang yung kalagayan mo riyan kasi susunod ako. Para kasi akong nainggit ng slight sa kanya tas usto ko ring sumunod. Tas ayun nga nakita ko sa mga social medias niya na nananaba na si Stella so sabi ko sa sarili ko na ayy maayos nga ang kalagayan niya rito kaya ayun nag-aral din ako ng SPED sa pinas and I didn't hesitate to apply din, then after that natanggap na rin ako." kwento niya sa tatlong bagong guro rito.
BINABASA MO ANG
Kanus a Kaha? (Cebuana Series #2)
RomanceKanus a Kaha? (Kailan Kaya?) Completed. [unedited] CEBUANA SERIES 2 Does long distance relationship really works? Or it depends on the person? And does internet love were really true? Will it work for them? Started: November 28, 2020 Ended: January...