18

19 7 0
                                    

["Wala na si Ivan..."]

Muntik ko nang mabitawan ang phone ko sa sobrang pagkagulat sa sinabi ng kanyang ina.

Wala na siya? Paano? Bakit? Anong nangyari?

Nakita ko pa nga siya kani kanina lang pero biglang nawala.... Nakita ko ba talaga siya kanina? O baka guni guni ko lang 'yun?

Kaagad akong napabalik sa huwisyo nang marinig ko ang mga busina sa mga kotse na dumadaan.

Agad akong pumara ng taxi at nagpahatid sa South Gen. 'Di nagtagal nakarating na rin ako sa South Gen at tinanong sila kung nasan si Ivan ngunit wala ni isa sa kanila ang makasagot kasi maraming Ivan ang nasa listahan. Hindi ko rin naman alam ang buong pangalan niya kaya dinescribe ko nalang pero hindi pa rin nila makuha yung pinapahiwatig ko na Ivan hanggang sa may biglang tumawag sa 'kin kaya agad akong napalingon.

"Ikaw si Stella?" An old woman approached me, well hindi naman talaga siya old mga nasa late 40's palang.

"Y-yes po,"

"Are you looking for him?"

Obviously.

I immediately nodded.

Naglahad siya ng kamay sa 'kin kaya agad ko rin itong tinaggap at nakipag shake hands.

"I'm his mother. He's here," sabi niya at nauna nang maglakad sa 'kin patungog kwarto na tinutukoy niya.

Agad niyang binuksan ang pinto at sinenyasan muna niya ako na rito muna ako sa labas.

"Naa diri ang uyab ni Ivan, pwede manggawas sa ta kadiyot?" Rinig kong sabi niya sa mga tao sa loob.

(Andito ang nobya ni Ivan, pwede bang lumabas muna tayo saglit?)

Hindi pa pala nila alam na wala na kami ng anak niya. O baka hindi sinabi ni Ivan?

Kaagad naman akong napa angat ng tingin nang makita ko silang nagsilabasan sa silid. Ang dami nila, mga sampu ata sila na nanggaling sa silid.

"Pumasok kana hija," sabi ng mama ni Ivan kaya agad akong nag bow ng kaunti sa kanilang lahat as a sign of respect at unti-unti nang pinihit ang doorknob ng silid.

As I slowly opened the door, I saw him. I saw him lying on the bed with a white sheet covered him.

Hindi ko na napigilan ang aking sarili na umiyak. Kaagad akong tumakbo papunta sa kanya at niyakap siya ng mahigpit. Humagulgol nang humagulgol.

"Ivan... " I said in between my sobs.

"Ang daya daya mo... Sabi m-mo magkikita pa t-tayo ngayon.... B-bakit hindi ka s-sumipot? B-bakit? B-bakit m-mo 'ko iniwan kung k-kailan magkikita na s-sana tayo... Ivan..." sabi ko habang yakap yakap siya at patuloy pa rin sa pag-iyak.

"M-mahal ko.... B-bakit?" Unti-unti kong kinalas ang pagkakayakap sa kanya at unti-unti ko ring binaba ang puting tela na nakatakip sa mukha niya.

Mas lalo pa akong napa iyak nang makita ko ang maamo niyang mukha. Para lang siyang natutulog.

Agad ko na naman siyang niyakap nang mahigpit at humagulgol na naman sa sakit.

"Ivaaaaaan..."

Maya maya pa ay naramdaman kong may pumasok sa silid at may umupo sa tabi ko.

"Tahan na hija," pag aalo ng kanyang ina sa 'kin sabay hagod sa aking likod.

"Tanggapin nalang natin kahit alam nating masakit,"






















Kanus a Kaha? (Cebuana Series #2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon