Katapusan

39 6 0
                                    

IAN VANDEZO CAESAR

"Oh ano? Okay ka na?" Gabi asked me then she handed me a bottle of water.

Kaagad ko naman itong tinanggap at ininom ito.

Gabi or Gabriela is my ex-girlfriend but we are civil naman na ngayon. We've been friends for almost two years na, I guess? Simula nong nag break kami pinahupa muna namin 'yung sakit sa isa't isa. Umabot din 'yun ng isang taon then after a year siya mismo 'yung nag approached sa 'kin na pwede pa ba raw kami maging mag kaibigan so I said why not? Okay lang naman sa 'kin then ayun nagtuloy tuloy niya.

Kasalukuyan kaming andito sa labas, nag j-jogging lang kami kanina nang bigla akong nahilo at para akong ma c-collapse anytime. So we decided to stop muna at umupo sa mga benches dito sa park.

Hinihingal pa rin ako hanggang ngayon kahit na naka upo na kami.

"Ano? Kaya pa?" Sabi niya sabay tawa.

Napailing-iling naman ako at natawa na rin.

"Kaya!"




















["Insan,"]

"Oh? Ba't napatawag ka? May kailangan ka ba?" Tanong ko sa pinsan kong si George.

["May ipapakilala lang ako sa 'yo,"] sabi niya habang naka taas baba ang kilay niya.

"Kung babae man 'yan George, hindi ako interesado. Alam mo namang hindi ko gusto 'yang reto reto na 'yan. Gusto ko 'yung ako talaga mismo ang magsisimula, hindi sa reto reto na 'yan."

["Gago! Anong reto pinagsasabi mo?"]

"Ay hindi ba reto? Akala ko kasi may irereto ka,"

["Sira ulo! Mag near group ka!"]

Huh?

"Near group? Ano 'yan? Nakakain ba 'yan?"

["Ano siya insan, dating site."]

Kaagad akong umiling nong pagkasabi niya na dating site pala iyon.

["Ayaw mo?"]

"Ayaw ko insan, back out ako riyan."

["Baka lang naman. Malay mo don mo na makikita 'yung porneber mo,"] sabi niya sabay tawa.

"Ang dugyot mo gago!"

Mas lalo pa siyang natawa sa sinabi ko.

["Siga na! Insan sige naaaaa!"]

"Ayaw ko nga! Ba't ba mapilit ka?"

["Kahit isa lang,"]

"Isa lang? What do you mean?"

["Isang try lang, subukan mo lang. Malay mo mag work o magustuhan mo. Wala naman mawawala sa 'yo kung susubukan mo, Ivan."]

I heaved a sigh.

"Sige na nga! Gago ka! Isang try lang ah!"

["Oo isang try lang!"]

"Oo mamaya, gagawin ko 'yan!"

["Uy nga pala.. "] pag-iiba niya ng topic

["Kamusta 'yung pag stay mo ng isang buwan sa New Mexico?"]

"Okay lang, medyo boring."

["Sinabi ko naman kasi sa 'yo na sana sa New Jersey ka nalang pumunta non,"]

"Nangyari na George, wala na tayong magagawa."

["May nahanap ka ba na girl?"] Sabi niya habang naka taas baba pa ang kanyang kilay.

Kanus a Kaha? (Cebuana Series #2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon