"Kamusta ang paghahanap?" Salubong ni Abby sa 'kin pagkalabas ko ng silid.

"Mga way ayu!" I said and I went downstairs then I heard her laughing.

(Mga walang kwenta!)

Napairap naman ako sa hangin.

'Yung sa near group ang tinutukoy niya bwesit. So dahil na curious ako kung ano ba talaga ang meron sa near group na 'yan ay syempre sinubukan ko kagabi. Marami rami rin akong nakausap kagabi kaso ngalang karamihan sa kanila ay mga walang kwenta nga. 'Yung iba kakachat palang sa 'yo tas nanghihingi na kaagad ng pangalan mo sa facebook. Ulol.

"Good morning Stella!" Bati ni Brian sa 'kin nang makita niya akong kabababa lang ng hagdan.

"Walang good sa morning."

"Ay anyare ghorl?" Tanong niya pero nagkibit balikat lang ako.

Kaagad naman akong umupo sa high chair at kumuha ng anim na slice bread at nag spread ng nutella.

"Hinay hinay lang sa pagkain baka mabulunan," rinig kong sabi ni Abby.

Agad ko namang pinakita sa kanya ang aking middle finger.

Habang nag s-spread ng palaman sa slice bread ay biglang nagsilabasan mula sa kani-kanilang silid sina Haven, Wil at Drake.

"Uy nga pala may sasabihin ako sa inyo," biglang sabi ni Brian sabay upo sa katabi kong high chair.

Nakita ko namang umupo na rin sina Haven, Drake at Wil sa katapat kong high chair.

"Spill the tea bhie," Abby said.

"So ganito nga, since magpapasko na at syempre wala nang pasok this coming second week of December hanggang new year ay we decided.. " sabi niya sabay turo sa sarili niya at kila Drake, Haven at Wil. "We decided na mag take tayo ng vacation sa New Jersey,"

"Waaaahhh! Really?"

"Abby naman, minimize your voice." sita ko sa kanya.

"Excited lang naman ghorl, so kailan?"

"Kakasabi ko lang diba this coming second week of December," Brian said.

So ayun nga nag p-plano na sila kung ilang araw kaming mag s-stay doon. Kung saang hotel kami mag s-stay. At kung saan pa sa New Jersey kami maglilibot. Ang busy nila about sa vacation namin tas ito ako ngayon walang pake, kumakain lang ng slice bread sa gedli. Bahala kayo riyan.
















"Ready na?"

"Yupp,"

Kaagad naman naming inilabas ang aming mga maleta at bagahe sa bahay at isa-isa namin itong pinasok sa luggage compartment ng kotse namin ni Brian.

"Kay Stella pa rin ako sasakay," Abby said.

"Okay,"

Agad naman kaming nagsipasok na sa kotse at nauna na akong mag drive kay Brian.

Kasalukuyan na ngayong tinatawagan ni Brian ang kanyang dalawang tito na naninirahan na rin dito sa New Mexico. Tinawagan niya ito upang may mag drive sa kotse namin pauwi sa bahay na inuupahan namin.

"My titos are already here," he said.

Kanina pa kami naghihintay sa kanila rito sa labas ng airport. 'Di nagtagal nakita na rin namin ang kanyang dalawang tito at kinuha na nila agad ang susi ng aming kotse.

Nang naka alis na ang kanyang mga tito ay agad naman kaming pumasok na sa airport.

"Nagugutom na ako," Abby said.

"Bili muna tayo ng burger," sabi ko sa kanya at agad naman siyang tumango.

"Brian!"

"Oh?"

"Bibili muna kami saglit ni Abby ng burger, gutom siya e."

"Sige lang, magkita nalang tayo sa gate." he said then I immediately nodded.

Kaagad naman kaming pumasok ni Abby sa isang fast food chain at umorder ng dalawang cheeseburger with fries at dalawang soda in a can. Nang natanggap na namin ang aming pagkain ay kaagad kaming umupo sa may bakanteng table at kumain muna saglit.

"Ang laki ng burger," she murmured.

"Ayy teka lang, diyan ka lang Abby." sabi ko at agad na tumayo.

"San ka pupunta?" She asked.

"Nakalimutan kong bumili ng tubig, teka lang." sabi ko at agad na pumila ulit para sa tubig. 'Di naman gaano kahaba at katagal ang pila kaya nakabili agad ako ng tubig. Habang nag-aantay sa gedli ay may biglang nakabangga sa braso ko.

"Oh sorry," sabi niya sabay bow ng kaunti at pinulot ang nahulog niyang basura.

Kaagad ko naman siyang sinundan ng tingin at nakita ko siyang tinapon sa basurahan ang kanyang basura at umalis na sa fast food chain.

Hindi ko siya masyadong maaninag dahil naka black sweater siya, black pants, at naka black mask. Hindi ko nga alam kung babae ba 'yun o lalaki. Nakatalikod kasi siya.

"Uhm excuse me, ma'am?" Kaagad naman akong napabalik sa reyalidad nang bigla akong tinawag ng crew agad ko naman itong binayaran at bumalik na sa table na inuupuan namin ni Abby.



















"TOUCHDOWN NEW JERSEY! WOHOOOOO!!" sigaw ni Abby habang nakalabas ng bahagya ang kanyang ulo sa bintana ng kotse.

Napailing nalang ako at napangiti.

Nasa New Jersey na kami ngayon at kasalukuyang nakasakay sa kotse ng kaibigan ni Brian na Filipino rin. He is an English teacher din katulad ni Brian pero nandito siya sa New Jersey nagtuturo.

"Ang ingay mo Abby," sita sa kanya ni Brian.

"'Wag ka ngang pa epal sa moment ko Brian!" Sabi naman niya at agad na binalikan ang kanyang ginagawa which is nag t-take ng photos sa kanyang camera.

I sighed.

Malapit na akong umuwi. Kaya susulitin ko na ang mga natitirang araw ko rito.

Kanus a Kaha? (Cebuana Series #2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon