Chapter 31

49 4 0
                                    

I stare at him with disbelief. Seriously? Sa pusa pa talaga ako magseselos? Sasagot pa sana ako nang mangibabaw ang boses ng kan’yang ama.

“Dinner’s ready!” Pagtawag nito sa ‘min. Styyx held the cat in his left arm, and coiled his right arm around my waist.

“Let’s go baby,” he whispered. I squinted my eyes heavenward.

“Who’s your fiancé again Ms.?” He asked again with his menacing smile. Hindi ko s’ya sinagot at intinuon ko lang ang atensyon ko sa paglalakad sa gitna ng pasilyo patungo sa kanilang dining room.

“Hey who’s your fiancé?” Pag-uulit n’ya.

“Enough with it Styyx,” malumanay kong wika.

“Nope. Hindi ako titigil hangga’t hindi mo ‘ko sinasagot nang maayos,” muli akong napa-irap sa kawalan dahil sa mga kalokohan n’ya.

“Fine! My fiancé is General Styyx Lxion Andervano happy?” I sarcastically said. However I can’t deny the fact that I’m in glee just by saying that he’s my fiancé, it feels so good indeed.

“You heard that Andrea? This beautiful woman beside me is my fiancé, and that means she will be your mommy soon,” he sweetly said towards his cat.

“Seriously Styyx? A mom for a cat?” Hindi makapaniwala’ng usal ko. Bakit sa dinami-dami ay sa pusa pa talaga? Sa hayop na kailanman ay hindi ko nagustuhan? Sa hayop na walang ibang ginawa sa kabataan ko kung hindi kalmutin ako at kagatin? Sa hayop na s’yang dahilan noon kung bakit wala kaming ulam?

“Yes baby. Literally tomorrow you’ll carry our first child,” he uttered in a humorous manner.

“You jerk!” Hindi n’ya ako sinagot at nagpatuloy siya sa kan’yang pagtawa habang kinakausap ang pusa n’ya. Parang timang.

Nang marating namin ang dining room nila ay wala na naman akong ibang naramdaman, kung hindi paghanga. Sa pagkakaalam ko ay sila na lang dalawa ng papa n’ya ang nakatira rito, ngunit ang sukat ng dining table nila ay hinigitan pa ang dining table ng Malacañang.

Katulad ng sa sala ay ang lahat ng kagamitan at disenyo nila rito ay moderno. Mula sa chandelier hanggang sa mga upuan. At ang tanging mga kubyertos na lang nila ang nagmumukhang antique.

He’s calling me rich when the fact is, sa pagpapagawa pa lang ng mga kagamitan nila ang eksaktong makakaya ng sweldo ko.

“This will be your home soon baby,” bulong n’yang muli sa ‘kin, hindi alintana ang presensya ng kan’yang ama. Ipinaghila n’ya ako ng upuan saka pina-upo ang pusa n’ya sa tabi n’ya.

“Let’s eat?” Wika ng kan’yang papa. Saglit kaming nagdasal na pinangunahan ng papa n’ya.

Hanggang sa mga pagkain na meron sila ay hindi ko mapigilang humanga. Tatlo lamang kami ngunit pang noche buena na ang kanilang handa. Ipinagsalin ako ni Styyx ng kanin at ham. Habang binigyan n’ya ng cat food ang pusa n’ya na ngayon ay kasama rin naming kumakain sa mesa.

“How does it taste hija?” Tanong ng kan’yang papa.

“It’s delectable po,” his father chuckled.

“Oh, thank you. By the way I’m sorry I forgot. My name is Rhyxs but call me papa,” nakangiti’ng usal nito. Sandali akong napatitig sa kan’ya inaalam kung seryuso ba s’ya. Ngunit kagaya ng kay Styyx ay seryuso rin ito sa sinasabi kahit s’ya pa ay tumatawa.

Papa...

Kailan nga ba noong huli kong binanggit ang salitang iyan? Papa na s’ya rin namang kasingkahulugan ng tatay.

“Sure thing po....papa,” ngumiti s’ya sa sinabi ko maging si Styyx ay nilingon ako at nginitian nang matamis.

“So sweet of you,” komento nito.

“So how did my son Styyx caught you Ms. President?” Muling tanong ni papa. Sandali akong ngumuya bago s’ya sinagot.

“He disturbed me everyday with his annoying texts and calls,” natatawa kong wika. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung saan n’ya nakuha ang numero ko. Marahil ay kay M.

“What? Hey I never did that baby,” pag-angal n’ya. Nginiwian ko lamang s’ya bilang sagot.

“Son, you annoyed the lady?” Natatawang usal ni papa.

“Quizá?” Natatawang sagot ni Styyx sa wikang Espanyol. Kahit papaano naman ay naintindihan ko ang ibig-sabihin nito.

“But it doesn’t matter anymore. At least I got her right pa?” Dagdag n’ya na s’ya namang sinang-ayunan ng kan’yang ama.

“Right. It is such an honor for us to have you here hija,” papa sweetly said.

“Me too pa,” he smiled sweetly on me showing me his wrinkles beside his lips and below his eyes.

“Wait. Son, can you prepare some juice? I’m sorry nakalimutan ko,” papa said apologetically.

“Sure. Just eat baby,” Styyx uttered before taking his way towards their kitchen. He even planted a kiss on my forehead, which I found embarassing and sweet? His father is upfront of us and yet he’s being this expressive.

Sinundan namin ni papa ng tingin si Styyx hanggang sa hindi na s’ya mahagip ng mga mata namin.

“I’m so grateful to you daughter,” biglang wika ni papa. Nilingon ko s’ya saka nginitian. Hindi ko alam ang tinutukoy niya pero ang mga mata niya ay puno ng sensiridad.

“Ngayon ko lang muling nakita si Styyx na ganoon kasaya,” malayo ang tingin n’yang tugon. Hindi ako umimik at nanatili akong tahimik, pinapakinggan ang mga susunod n’yang salita.

“When he lost his mother, happiness didn’t exist for him anymore. His world was tored apart. He became obsessed to his work just to ignore the reality. Taon ang inabot n’ya na wala s’yang ibang ginawa kung hindi igugol ang lahat ng oras sa kan’yang trabaho. Akala ko nga noo’y hindi ko na muling masisilayan ang mga ngiti n’ya. But when he met you, I saw happiness in his eyes again.” Ibinaling n’ya ang tingin sa ‘kin. Ang kan’yang mga mata ay puno ng sensiridad. Hindi ko inaakalang naging ganito pala si Styyx. Hindi ko inaakalang ganoon kasakit ang mga pinagdaanan n’ya.

“The day after he returned home from Cebu, he talked with me about you. He said, he met a woman in the battlefield. A woman who caught her attention. He said that you’re not just an ordinary woman. He was amazed of how strong and brave you are. He was amazed of how you put your life at risk just to save the girl. Sariwang-sariwa pa sa ‘kin ang ningning sa kan’yang mga mata at ang ngiti sa kan’yang mga labi noon habang kinukwento ka n’ya sa ‘kin,” papa looked at me intently.

“I’m so glad that you made my son smile genuinely again hija. I’m so glad that you met each other. Please don’t stop loving my son,” he pleaded. Tumango ako sa kan’ya saka ngumiti. Hindi n’ya na kailangan pang sabihin iyon.

“I won’t papa. Nasabi n’ya rin ba po sa iyo kung gaano n’ya ako napasaya? He made me smile again genuinely, and made me feel loved. Your son is a good man po. He’s amazing and unpredictable, he’s an extraordinary man  and there’s no way I’ll stop loving him. I will love him endlessly po,” he gladly smiled at me. His eyes were smiling in too much glee and security.

Nagpatuloy ang aming usapan at tumigil lang kami nang nakabalik na si Styyx. The whole night became a magnificent one. Wala akong ibang naramdaman habang kasama ko si Styyx at papa, kung hindi saya. Ngunit ang gabing iyon ay natapos din. I edge my way towards my office. I heave a deep sigh before grabbing my pen.

“Ma’am,” inilapag ni Zalysha ang isang tsaa sa tabi ko.

“Thank you.”  Nang makalabas s’ya ay eksaktong tumunog ang telepono ko. I took it outside from my bag and the corner of my lips wrinkled forming into a smile.

: Hi baby I just texted to say that I had a wonderful night. Good luck baby, I love you Mrs. Andervano.

I stared at the ring in my finger for a while. It’s stone reminds me of his eyes.

Emerald.

This is it. I am really engaged. Kailanman ay hindi ko inisip na aabot sa ganitong punto ang buhay ko. Where I will meet my man and love him eternally. I smiled before starting my day.

“Ma’am?” Tanong ni Zalysha matapos makarating sa loob ng opisina ko.

“Zal can you please set a meeting with Mr. Valderama?” Tumango s’ya sa sinabi ko saka kinuha ang kan’yang tablet at isiningit ito.

“Tomorrow at 7 o’clock is your available ma’am.”

“Why? I want it now Zal,” pagtutol ko.

“Mamaya po’ng alas-dyes ng umaga ay lilipad po kayo patungong Bicol,” iwinasiwas ko ang kamay ko sa sinabi n'ya.

“No, move it for tomorrow Zal,” tumango s’ya sa sinabi ko.

“Okay po ma’am, I’ll call him po,” I nodded in her before her presence exit my office’s door.

“All set ma’am. Later eight in the morning po,” wika niya nang makapasok muli. Tumango ako sa kan’ya bilang sagot.

When the clock struck at 8 Mr. Valderama arrived at my office giving me a polite impression.

“Good morning ma’am,” he greeted me.

“Take a sit please,” I gestured the seat upfront me. Zalysha knocked and offered us a coffee.

Tumagal ang usapan namin ngunit sa huli ay wala rin itong ibang idinulot sa ‘kin kung hindi sakit ng ulo. Ayon sa kan’ya, ay hindi daw ako mabibigyan ng Department of Finance ng kalahating bilyon. Sapagka’t sagad na rin ang badyet ng buong bansa.

Tatlong daang bilyon ang kasalukuyang inilaan na badyet para sa susunod na bansa. At kung kukunan ito ay baka maghirap ang bansa sa susunod na taon. Nahilot ko ang sentido ko sa dami ng isipin. Kung hindi lang sana naging corrupt ang mga politiko sa mga nakalipas na administrasyon ay baka malaki na ang ini-unlad ng bansang ito.

“Ma’am?” Pagtawag sa ‘kin ni Zalysha.

“Come in.”

“Here’s the update about that police ma’am,” she started. I nodded in her as a way of saying to proceed.

“Kasalukuyan na po s’yang nakakulong sa Tarlac municipal jail at m---“

“What? Bakit hindi sa Muntinlupa? Why is the process too slow?” I can’t help but to raise my voice. Sa dami ng problema ko ay dumagdag pa ang gagong pulis na iyon.

Damn!

Bakit hindi na lang s’ya i-deretso sa Muntinlupa? There’s a video that strongly prove that he committed a double murder. Ano pa ba ang hinahanap ng pulisya? But then again I don’t have the right to meddle in the investigation.

“Series of investigations needs to be conducted first ma’am,” sagot ni Zalysha.

“Okay then. But tell the people and the authority. That the moment the investigations are done and he’s proven guilty, I want him to suffer in death penalty,” I answered rigidly.

What that damn police did is beyond inhumane. Kahit pa sabihin n’yang walang respeto ang mag-ina sa kan’ya, ay kahit saang anggulo tingnan s’ya pa rin iyong mali. He don’t have the right to use the government’s gun to kill a cold blooded person brutally, mostly infront of those minors.

“Got it ma’am,” sagot n’ya. Matapos n’yang lumabas ay ibinalik ko na ang atensyon ko sa mga papeles na nakahilera sa mesa ko.

Ngunit bago ko pa man maumpisahan ang pagbabasa ay kusa akong napatigil nang tumunog ang telepono ko. Ang akala ko ay si Styyx ito ngunit nang tingnan ko kung sino ang tumatawag ay napabuntong-hininga na lamang ako.

I calmed my system before answering the call. I’m not in a good shape right now, he must make sure that he have some good news to share.

“Yes detective Chlonan, got any updates?” I greeted. But my eyebrows creased when I heard nothing but heavy breathing.

“Detective Chlonan are you there?” Hindi n’ya pa rin ako sinasagot. Sounds of unecessary movements enveloped the line from him. All I can hear is heavy breathings, and unecessary movements of the objects.

“Detective Chlonan answer me,” I uttered hastily. I can’t understand what’s happening. Tumawag lamang ba s’ya para rito? But right the moment when I heard indistinct chattering of male voices, I knew there’s something bad going on. I immediately took my laptop and traced his IP address.

“Detective?” Muli kong tawag sa kan’ya umaasang sasagutin n’ya na ‘ko sa pagkakataon na ito. Ngunit kagaya kanina ay wala akong narinig. Nang lumabas na ang resulta ay lalong kumunot ang noo ko.

Na sa isang liblib na lugar s’ya sa Laguna. I searched it’s coordinates in the Google map, and I found nothing in the place. It’s just a secluded place cloaked with large and lofty trees. What is he doing there?

“Ms. P---” I drag my phone’s speaker closer to my ear when I heard him talking.

“Ma’am...”  Humahangos ang kan’yang boses at mahina na para bang may humahabol sa kan’ya.

“What’s going on detective? Tell me,” napatayo ako at mabilis na nagtipa ng email para kay Styyx.

“Ma’am. I found it. I fou----” Naging malabo ang kan’yang boses hanggang sa hindi ko na maayos na narinig ang mga kasunod niyang sinabi. Kung ano man ang ibig sabihin n’ya sa sinabi niyang nakita n’ya na. Ay malakas ang kutob kong tungkol ito sa pinapatrabaho ko sa kan’ya.

“Hang on there detective, I’ll pick you up.” Saglit kong inalapag ang telepono ko sa mesa ngunit hindi ko pinatay ang tawag.

Napamura ako nang wala pa rin akong natanggap na reply mula kay Styyx. Buntong-hininga kong kinuha ang denim jacket ko at mabilis kong isinilid ang laptop ko sa bag, at kasunod nito ay inayos ko ang dalawa kong baril.

I slid bullets on it, while my ears’ attention are still focused on my phone. Wala akong ibang naririnig kung hindi mga kaluskos at ang humahangos n’yang paghinga.

“Hang on there detective, I’m coming,” with it I ended the call.

“Prepare the car Erick,” mabilis kong utos sa kanila matapos lumabas sa opisina ko.

“Saan po tayo pupunta ma’am?” Emmanuel and Erick asked in unison.

“Don’t ask. Just follow what I said. I’ll wait for you behind the Malacañang,” I said firmky.

“Po?” Naguguluhan nilang tanong.

“Just do what I said, no more questions. Now go.” Hindi na sila nagtanong pa at mabilis na nilang tinungo ang parking lot. Kagaya ng sinabi ko ay sa likod ng Malacañang ako naghintay. Hindi ako pwedeng makita ng kahit na sinong opisyal lalong-lalo na ng bise-presidente.

“Drive, just follow what I said.” Habang umaandar ang sasakyan ay mabilis kong binuksan ang laptop ko. Kasabay nito ay ang pag-dial ko rin sa numero ni Detective Chlonan. Naka-dalawang tawag ako bago n’ya ito sinagot.

“What’s your situation detective?” Mabilis kong wika. Humahangos n’ya akong sinagot.

“Facil---i,”

“Drive to Laguna. Faster!” Humigpit ang hawak ko sa laptop ko. Bakit hindi n’ya sabihin kung ano ang sitwasyon n’ya? Right now I don’t care what he found. I want him to tell me what’s happening to him and stay alive. I still need him.

Ilang minuto ang lumipas at hindi pa man kami nakakalagpas sa hangganan ng Maynila ay muli kong narinig ang kan’yang boses. Ang kan’yang sumisigaw na boses, na sinabayan nang malalabong usapan ng mga lalake.

“Fvck! Hurry up!” Hindi na ako mapakali at gusto ko na lang ipalipad ang sasakyan upang makarating kami nang mabilis.

“Mga hayop kayo!” Rinig ko ang nanggagalaiti n’yang sigaw.

“Nagkamali ka ng lunggang pinasukan detective,” tumatawang wika ng isang lalake, na sinundan nang pagtawa ng mga kasama n’ya.

“Kunin n’yo ang selpon.” Napamura ako sa mga naririnig ko.

Shit! Shit!

“Let him go you assholes!” I yelled over the line.

“Anong gagawin dito boss?”

“Shoot him,” napasigaw ako ng mura sa narinig ko.

“No!” Malakas na sigaw nang pagtutol ni detective Chlonan.

“L-a—guna. Fa—c—ili—y,” putol-putol na sigaw ni detective Chlonan.

“Hurry up Emmanuel!”

The moment I heard a gunshot from the other line. My heart stopped. My ears became numb and I can’t hear anything except the menacing voice of a man over the line.

“Bingo!”

|End of chapter 31|
•Please don't forget to vote and comment <3•

Pearl Of The East | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon