My fists balled, my jaw clenched and my eyes sharply landed on the dirty floor.
“No! There should be something here!” I screamed in frustration.
“Eury baby...” Hindi ko matanggap. Hindi ako makapaniwala. Bakit wala? Bakit walang kalaman-laman ang pasilidad na ito?
“Nahuli tayo,” wika ni Styyx habang iginagala ang paningin sa paligid. Wala nang kalaman-laman ang buong pasilidad. Mukhang nauna silang umalis kaysa sa pagdating namin.
“Styyx dapat meron itong laman! Shit! Bakit wala? Dapat meron! Styyx there should be something here!” He cupped my face and locked his eyes on mine.
“Baby listen. I know it’s hard okay? May mahahanap ka pa. This is not the end yet okay?” His voice are calming and his green-eyes are tranquilizing. Ngunit tila ngayon ay hindi ito ganoon kalakas upang pakalmahin ang nagwawala kong sistema.
Hindi ko matanggap... Buong akala ko ay masasagot na ang lahat. Makakamtan ko na ang hustisya. Akala ko abot kamay ko na ang lahat. Pero hanggang akala lamang ako. Dahil ang lahat ng ‘yon ay naglaho na parang bula.
Si Detective Chlonan... Matatanggap ko pa sana kung namatay s’ya dahil sa paghahanap ng hustisya na natagpuan naman n’ya. Pero iyong mamatay s’ya dahil sa isang bigo na trabaho ay mahirap. How could I let someone die just for seeking justice for me? He did risk his life for this, and now all his sacrifices will turn into futile.
“Styyx I know I can still find some ways. Pero ang mahirap tanggapin ay iyong may namatay at nag-alay ng buhay para sa wala!” Pakiramdam ko ay napakasama kong tao. Ano na lamang ang sasabihin ko sa pamilya n’ya? Sa asawa niya at sa anak niya?
“Baby get up okay. That man didn’t die for nothing. He died for a very important thing. At least we found the terrorists’ hide out. Huwag mong subukang sisihin ang sarili mo,” wika n’ya na tila ba alam ang tumatakbo sa isip ko. Hindi subukang sisihin ang sarili ko? Fvck! Someone just died! Paano ko hindi sisihin ang sarili ko? Kung alam kong ako ang dahilan kung bakit s’ya nawala?
“Styyx he’s dead, and that is all because of me!” I screamed in frustration, kulang na lang ay hayaan kong kumawala ang mga luha ko. This is the first time that I feel this. That guilty cloaked my system. This is the first time that someone died just for seeking justice for me.
Pakiramdam ko ay naulit muli ang kung anong naramdaman ko nu’ng mawala ang pamilya ko. Pati iyon ay kasalanan ko. Kung hindi ko sana pinatay sa gyera ang mga pinuno ng rebeldeng iyon, buhay pa kaya ang pamilya ko? Kung hindi ko lang sana prinessure si Detective Chlonan na maghanap ng ebidensya, buhay pa kaya s’ya?
“No baby, wala kang kasalanan okay?” He said trying to calm me. But that doesn’t change what I feel. My system isn’t convinced yet.
“Get up woman. You’re a President, you don’t let your emotions overpower you. You will conquer and give justice. This isn’t your downfall yet. Come on baby, you’re strong and brave. Thus get up, stop resenting yourself that’ll cause no change,” he said firmly while trying to carry my weight.
I’m a President..
But what kind of President I am? If I let one of my people die? A President who can’t find justice on it’s own. A President who rely on his people’s hands. Is that what kind of President I am? A worthless one?
“Thus get up, stop resenting yourself that’ll cause no change...” Bakit nga ba? Bakit nga ba ako naninisi ngayon? Gayong wala naman itong maidudulot na pagbabago. My guilt won’t bring back his life. My resentments won’t get the justice I want.
“You’re right. Let’s go!” I firmly said as I stood up.
“That’s my woman,” he chuckled. Kasalukuyan na kaming lumalabas sa silid nang bigla kong maalala ang pagtatalo namin kanina.
“Hey Styyx I’m sorry about earlier,” he smiled.
“I do too baby. But don’t think that I’m mad. I will never be,” he answered. I rewarded him a sweet smile.
“Shit!” Sabay kaming napatakbo dalawa matapos makarinig ng pagsabog.
“Baby careful!” Sigaw niya sa ‘kin nang basta-basta ko na lang tinalon ang bakod ng kable. We left Emman and Erick there. Oh God I can’t loose another people!
“Baby slow down!” humahangos n’yang sigaw.
“Hurry up Styyx!” sandali ko s’yang binalingan ng tingin saka muling tumakbo.
“I already called the back-up, baby I’m sure they’re safe!” Muli n’yang sigaw. Hindi na ako nagulat pa sa sinabi n’ya. He’s a General, and he’s good on weighing things, besides there’s no more things in here that should be hidden.
“General faster!” Sigaw ko sa kan’ya nang hindi pa s’ya nakahabol. Ngunit wala akong nakuhang sagot mula sa kan’ya. Saglit akong huminto at lumingon sa likod ko. Ngunit hindi ko s’ya nakita.
“Styyx?” I called while walking back. Ilang metro ang nilakad ko bago ako napasigaw sa gulat. Amidst the daft sound of guns and bombs, my baby is there, lying on the ground and unconscious.
“Oh God baby get up!” Mabilis kong tinakbo ang distansya namin. Humahangos at nanginginig ang mga kamay ko nang inabot ko ang pulsuhan n’ya.
His eyes were closed. Ngunit kahit papaano ay napahinga ako nang maluwag matapos maramdaman ang pagpitik nito.
Ngunit iyong kaba ay nanatili sa sistema ko. Tila nawala ako sa katinuan at hindi ko alam kung ano ang susunod na gagawin ko. Hindi ko alam kung bakit nakapikit ang mga mata n’ya. Gusto ko s’yang gisingin. Gusto kong suriin ang katawan n’ya ngunit natatakot ako. Natatakot akong makakita ng dugo mula sa kan’ya. Natatakot ako sa mga posibilidad na maaaring nangyari sa kan’ya.
Oh God he can’t be shot!
“Baby? Baby wake up!” Paulit-ulit kong sinampal nang mahina ang mukha n’ya. Hindi ko kayang ibaba ang tingin ko. Hindi ko kayang tingnan ang katawan niya. Natatakot ako...
Tears welled up as I began to think the possible things that happened. My tears with the mixture of guilt, fear and pain were trickling. It keeps on flowing like crazy. I want to stop crying. But I can’t. As long as I don’t see him opening his eyes, I’ll let this fear in my system overpower me.
I tried to lower my gaze but I can’t. Right now I’m too weak. Too weak to know if what happened to him, if why is he closing his eyes. I already saw countless men lying in the ground unconscious, and some are dead. But right now I can’t.
Napakahirap para sa ‘kin ang ibaba ang mga mata ko at tingnan ang sitwasyon n’ya. Naduduwag ako. Natatakot. Paano kung nangyari nga sa kan’ya ang s’yang iniisip ko?
Oh shit! I need to save him!
“Hold on baby. Please. Oh God!” With my trembling hands and teary eyes, I gradually unbutton his uniform. My fear will do nothing.
But my hands froze and my body became numb. I can’t feel my trickling tears anymore, and what I can only hear is my heart, thumping so fast and loud..
“No! Baby wake up!” ...his white shirt was now painted with blood from his chest.
His chest were bleeding!
Nanginginig ang mga kamay kong pinunit ang damit n’ya, ngunit bago ko pa man ito matapos ay kaluskos at yapak ang muling naka-alarma sa ‘kin.
Mabilis na kumilos ang mga kamay ko at itinutok ang baril sa direksyon na s’yang pinagmulan nito, habang ang puso at isip ko ay nagtatalo.
I need to save him! He is more important than exchanging bullets with an enemy. He need to live! He can’t leave me! But then again I can’t let us die together. Not in the hands of a fvcking rebel!
Idiniin ko ang isang kamay ko sa sugat n’ya upang kahit papaano’y tumigil ang pagdurugo nito, habang ang isang kamay ko naman ay nakahawak sa baril na nakatutok sa isang armadong lalake na dumating. He’s wounded yet his gun’s muzzle were pointing at my direction.
“Put down your gun!” Ma-awtoridad kong sigaw ngunit hindi s'ya nakinig.
“Hindi mo kilala kung sino ang tinututokan mo ng baril. Put it down or I’ll shoot you to death!” I firmly added. Ang kan’yang mga mata ay puno ng galit. Galit na hindi ko alam kung saan nanggagaling.
“Anong klaseng Presidente ka?! Sinugod n’yo kami at inubos n’yo ang mga kasama ko!” Nanggagalaiti n’yang sigaw. He’s a Filipino, yet his pointing his gun on me. I’m the Philippines’ President, and he’s one of my people. I should be protecting him but right now? I’m loathing him.
“Kung sino pa kayong na sa tuktok ay kayo pa ang nang-aapi! Hindi ba’t dapat ay ikaw ang nagbibigay ng kapayapaan? Ngunit ikaw mismo itong sumugod sa ‘min! Mga wala kayong kwentang pinuno!” Muli nitong dagdag. Gusto kong matawa sa mga sinabi n’ya. Kapayapaan? Simula’t sapol pa man lang ay sila na itong nagkakait ng kapayapaan.
Pilipino laban sa Pilipino, isang kabobohan!
Nang-aapi? Inaapi nga ba sila ng pamahalaan?
I’m on the verge of repeating and opposing his words on my mind, but when Detective Chlonan’s death cross on my mind followed by what happened to Styyx, I stopped thinking. I smiled at him sarcastically with my eyes darting on him.
“At sino sa tingin mo ang nagbigay sa ‘yo ng karapatan na barilin ang sundalong ito?” Puno ng galit kong wika habang itinuturo ang lalakeng ngayon ay walang malay. Isang pagak na tawa ang isinagot niya sa sa sinabi ko.
“Sabihin mo sa ‘kin, sino ang pumatay kay Detective Chlonan?” Muli kong tanong habang mas lalong humihigpit ang pagkakahawak ko sa baril ko. Hindi n’ya inalis ang mga mata n’ya sa mga mata ko at nakipag-sukatan s’ya sa ‘kin ng tingin. The audacity of this terrorists!
“Wala kaming pinatay!” Matigas n’yang wika dahilan para mag-init ang sulok ng tenga ko.
“Fvcking liar!” Nanggagalaiti kong sigaw.
“Sagutin mo ‘ko nang maayos! Bakit at sino ang pumatay kay Detective Chlonan?” Muli ay umiling siya at sinabing wala silang pinatay. Lalong nag-init ang sulok ng tenga ko at sa isang iglap ay naubos ang pasensya ko. Pikit-mata kong kinalabit ang gantilyo ng baril ko. Ngunit wala akong narinig na pumutok.
“Anong nangyari mahal na Presidente? Wala ka na bang bala?” Tumatawa n’yang wika.
“Ang babaeng tenyente na s’yang pumatay sa tatlong pinuno namin. Sino nga ba ang mag-aakalang magiging Presidente ka?” He added while laughing sarcastically.
“Oo kilala ka ng buong samahan. Dahil ikaw lang naman ang pumatay sa tatlong magagaling namin na pinuno. Walang awa mo silang pinagbabaril at pinagsasaksak!” Gusto ko s’yang sugurin at paulanan ng suntok. Kasalanan ba na pinatay ko ang pinuno nila? Bakit? Sino ba’ng baliw ang bubuhayin ang tatlong taong s’yang may malaking parte sa pagnanakaw ng kapayapaan?
Sinong baliw ang hindi lalaban para sa bayan, buhay at kapayapaan? At sinong baliw ang hindi papatay ng kalaban sa gitna ng digmaan? Malamang ay gyera iyon kaya’t natural lamang na patayin ko ang kalaban ko.
“Stupid!” Hindi ko napigilan ang sarili ko at kusa na lamang itong kumawala sa bibig ko dahilan para lalo s’yang tumawa na puno ng sarkasmo.
“Isang pribelihiyo ang mapatay ang isang Presidente na s’yang nagpahina sa samahan namin. Paalam mahal na Presidente...” Napapikit ako nang mabilis n’yang kinalabit ang gantilyo ng baril n’ya na sinundan ng pagputok.
Ngunit wala akong naramdaman na kahit ano na tumama sa katawan ko. Pagkabukas ng mga mata ko ay nakita ko ang lalakeng bumagsak sa damuhan. May tama s’ya sa ulo na s’yang bumawi sa buhay n’ya.
“Ma’am!” Agad na tumakbo sa direksyon ko sina Emman at Erick. Napahinga ako nang maluwag dahil buhay sila at walang kasugat-sugat.
“Help him, he was shot,” tumango sila sa ‘kin. Mabilis na lumapit ang ibang sundalo na s’yang na sa likod nila Erick at agad na tinulungan si Styyx. I clutched his hand while the medics are giving him first aid.
“Baby...baby wake up, please...” I uttered. But my baby’s eyes are still closed. The medics prosely rip his shirt and a smile formed in my lips the moment I saw the bullet about to enter his bare chest. His dogtag blocked the bullet... I immediately caressed his face when he grunted.
“Baby? Oh God!” Lalo akong napangiti nang unti-unti ay binuksan n’ya ang kan’yang mga mata.
“Are you okay? “ He immediately asked the moment he opened his eyes. And again I wanted to punch him. Here he goes again. Bakit parating ako na lamang ang inaaalala n’ya? Gayong s’ya na itong muntikang mamatay?
“You jerk! Yes I am, how are you feeling?” He smiled at me. Ibinaba niya ang tingin sa kan’yang dibdib na ngayon ay nagdurugo pa rin dahil sa gasgas na tinamo mula sa bala na sumubok kunin ang buhay n’ya.
“Guess that I’m still lucky right baby? Oh God I thought I’ll die. Letseng rebelde!” Panghihimutok n’ya.
“Sir, we caught him,” wika sa kan’ya ng isang sundalo sabay tulak sa isang rebelde.
“Oh fvck!” Agad kong pinigilan si Styyx nang marahas s’yang tumayo.
“You’re wounded General, let me handle this.” Linapitan ko ang nanginginig sa takot na rebelde.
“Sino sa inyo ang pumatay kay Detective Chlonan?” Pag-uulit ko sa tanong. Agad siyang yumuko at umiling.
“Wala kaming pinatay!” Napapikit ako nang muli ko na namang narinig ang walang kwentang sagot.
“Pangalan lang ang hinihingi ko bakit kay hirap n’yong ibigay?” Muli kong tanong. Pilit kong hinahanabaan ang isang dangkal kong pasensya.
“Wala po talaga kaming pinatay!” Takot n’yang wika. I balled my fists and bite my lower lip to control my anger.
“Kung wala kayong pinatay. Bakit may isang patay na lalake ang natagpuan namin malapit sa teritoryo n’yo?”
“Hindi ko alam...” Muli akong napapikit. Alam ko sa sarili ko kung sino ang pumatay kay Detective Chlonan. Dahil iisang tao lang naman ang alam kong may motibo. Ngunit kailangan ko ng ebidensya.
Oh fvck that evidence thing!
“Hindi namin sila kilala...” naantig ang interes ko sa sinabi n’ya.
“Anong ibig-sabihin mo?” Nagtaas s’ya ng tingin sa ‘kin, ang mga mata ay nagsusumamo.
“...isang grupo ng armadong mga lalake ang nakita namin kanina. Hinahabol nila ang isa pang lalake. Hindi namin sila kilala. Hindi kami nakialam dahil marami sila at may dala silang matataas na kalibre ng mga armas. Talo kami kapag nakipagbarilan kami sa kanila. Kaya’t wala kaming ginawa noong binaril nila ang lalake.” Naikuyom ko ang mga kamao ko.Is he trying to say that they’re framed up? That we’re mistaken?
|End of chapter 33|
•Please don't forget to vote and comment <3•
BINABASA MO ANG
Pearl Of The East | ✓
Action"Country first before anything. My gun is my man." Hezekiah Eurydice de Lara was once a Lieutenant in the field of military, who fortunately became the Philippines' second female President, and as the mother of her first love. She's known as a fearl...