Nakatulala ako habang nakaupo sa kama. Kakaalis lang ng daddy ni sean. I don't know what to do. Gusto kong umiyak pero ayaw ng mga mata ko.
"You're not good enough for my son. Graduate ka na. Alam kong pera lang ang habol mo sa kanya. Kaya mo nanaman siguro at alam mong ipapakasal ko siya sa iba. If you really 'love' my son. Leave him. O kukunin ko ang lahat sa kanya. Hindi mo naman siguro gusto na mag hirap ang anak ko just because of you. " mataginting na sabi niya sa akin.
Bago pa man ako makapag salita ay pinutol niya na ito.
"I know kung paano mo nakilala ang anak ko. You're working on some cheap bar right? Sa isang bar kung saan nagbebenta sila ng mga bayarang babae. Iniahon ka na ng anak ko sa impiyernong kinasasakdalan mo. Let's stop there. Pakawalan mo na siya. Hindi mo magugustuhan ang gagawin ko pag sinuway mo ang utos ko"
Umalis siya matapos sabihin yon. Iwan si sean? Paano? hindi nabubuo ang araw ko pag wala siya. kulang ako kung wala siya. Tumayo ako at nagpunta sa banyo. May dahilan kung nangyayari to. I know God has a purpose kung bakit nangyayari to. Naligo ako at nagbihis pero pagka bukas ko ng pinto ay biglang nagdilim ang paningin ko.
****
"Elise?? Baby?"
Rinig kong may tumatawag sakin kaya unti unti ay binuksan ko ang mata ko. Nabungaran ko ang nag aalalang muka ni sean.
"Thank Goodness you're awake. Dadalhin na sana kita sa ospital" hinawakan niya ang noo ko at leeg.
"Anong nangyari??"
"I found you lying cold on the shower. nalipasan ka ba ng gutom??"
Tumango na lang ako. Hindi ako sigurado kung nakakain ako kaninang tanghalian at agahan.
"I cooked soup for you . Eat it before it'll gone cold. Eat on time, elise . Nag aalala ako. Kala ko kung ano ng nangyari sayo" hinalikan niya ang noo ko at sinubuan ako kahit na kaya ko namang kumain na mag isa. Gusto niya daw ako alagaan. Who am i to refuse?
Nasa apartment ko siya hanggang itinaboy ko na siya paalis. Gusto ko mapag isa ngayon dahil madami akong iniisip. Ilang araw na ko nahihilo at nagsusuka sa umaga. Nakadagdag ng kaba ko paano na lang kung buntis ako? Paano na kami ng baby ko? Ayaw sakin ng daddy ni sean. Malamang hindi niya rin magugustuhan na may anak ito sakin.
Nag jacket ako at lumabas. Bumili ako sa isang bukas na convenient store ng tatlong magkakaibang brand ng pregnancy test.
Pagkauwi ko ay dumiretso na ako sa banyo. Uminom ako ng tubig at ng makaramdam ako ng pag iihi ay dimiretso na ko doon. Sinubukan ko ang isa.
Habang naghihintay sa oras ay sumisikip ang dibdib ko. Lord please.
Napapikit ako ng makita ko ang dalawang linya. Sinubukan ko pa ang dalawang pregnancy test ngunit ganoon pa din ang resulta. Dalawang guhit.
*******
Sean's
Nakangiti ako habang nakatingin kay elise. She's smiling back at me. Nandito kami sa isang park sa baguio. Hindi ko alam kung bakit bigla siyang nag aya na mag out of town kami. Masaya ako na masaya and that's all that matters. I love her too fucking much I'll even give her the moon if she wants me to get it. Im whipped. I know. But i don't care.
"I love you" i kissed her soft lips. She answer my kisses.
I love kissing her soft, pinkish lips.
"I love you too"
May narinig kaming kumakanta sa park kung nasaan kami. Yung may nakalagay na guita case sa harap para lagyan ng pera?. Nakatingin duon si elise habang nakasandal sa akin. Hawak ko lang ang kamay niya habang pinaglalaruan ito.
"Naalala mo sean nung kumanta ka sa resort?" Tanong niya.
Tumango lang ako.
"Gusto ko din kumanta. Para sayo" tingin niya sa akin sabay pakawala ng isang matamis na ngiti.
Tinaasan ko siya ng kilay and kissed her lips.
"If that's what you want"
Agad siyang tumayo at kinausap yung kumakanta na huminto sa pagkanta pagkalapit niya. Buti na lang babae ito dahil kung hindi ay hindi ko siya papayagan umalis sa tabi ko. baka masuntok ko pa yung lalakeng kakausapin niya
Agad niyang kinuha ang gitara ng tumango yung babae.
I took out my phone and took a picture of her habang kumakanta. I don't Know i just want a picture of her doing something to me that my money can't even buy.
Uulit ulitin ko sayo,
Ang nadarama ng aking puso,
ang damdamin ko'y para lang sayo,
Kahit kaylanman di magbabago.Nakapikit siya habang kumakanta. Ang bilis bilis ng tibok ng puso ko. And it's all because of her.
Ikaw ang laging hanaphanap sa gabi't araw,
Kaw ang nais ko sa tuwina ay natatanaw,
Ikaw ang buhay at pag ibig wala na ngang iba,
Saking puso ay tunay kang nag iisa.Dumilat siya at tumingin ng diretso sa mata ko. She's tearing up. Bumilis ang pag hinga ko.
Di ko nais na mawalay ka,
Kahit sandali sa aking piling,
Kahit buksan pa ang dibdib ko,
Matatagpuan larawan mo.One tear scaped from her eyes. Sinundan ng isa at ng isa. Napatingin na sa kanya ang mga nakikinig. She have a good voice. Voice of an angel and shes singing from her heart.
Pagkatapos ng kanta ay sinalubong ko siya ng yakap.
"That's good to hear baby. Thank you" hinalikan ko ang ulo niya and her whole face.
Ngumiti siya sakin matapos kong punasan ang kanyang mga luha.
"I just want to be your everything sean" bulong niya sa dibdib ko habang nakayakap pa din sa akin.
"And you are baby. You're my everything"
Nagpadeliver ako ng room service sa hotel na tinutuluyan namin dahil ayoko na ulit mangyari na mahihimatay siya ng dahil sa gutom. Tinignan ko siya matapos ko ibaba ang tawag. Naka tingin siya sa labas ng bintana ng hotel only wearing my T-shirt. She looks damn well good on just my shirt. Napangisi ako ng maalala kung nakailang rounds kami maghapon. Bukas ay uuwi na kami.
Niyakap ko siya mula sa likod and put my head on her shoulder.
"What's wrong baby"
"Ang ganda ng araw no?" Mahinang sabi niya. "kaso mawawala na siya at papalitan na ng buwan"
Hapon na kasi at papalubog na ang araw.
"Mamimiss mo ba ang araw pag nawala sean?" Tanong niya sakin.
"No." Sagot ko kahit na nakakapagtaka ying tanong niya. Sun? Psh.
"Bakit?"
"Babalik naman bukas. Bakit ko mamimiss?" Ngisi kp at habang hinahalikan ang shoulder blade niya.
"Paano pag makulimlim? Walang araw? Mga one week siya mawawala. Hindi mo pa din mamimiss?" Tanong pa nito.
"Nope. Alam ko namang babalik din. Why are we talking about sun anyway?"
"Wala lang. Nakakalungkot kasi na papalitan na siya ng buwan"
"Maliwanag din naman ang buwan baby. Bibigyan nito ng liwanag ang gabi. Kaya wag ka ng malungkot"
"Okay lang mapalitan ang araw?"
"Yes."
"Paano pag ako ang araw at si suzzete ang buwan? Okay lang ba napalitan ako?" Malungkot na sabi niya.
Bago pa ko makasagot ay tumunog na ang doorbell.
"Nandyan na yung pagkain tara na."
♡♥♡♥♡
Dahil mahal ko kayo. Nag update ako kahit wala pang 10v huhuhu.
Exciting na yung next update. So i need 10 votes. For real. Teehee.
