That's the thing about pain it demands to be felt - TFIOS
Time passes. Even when it seems impossible. Even when each tick of the second hand aches like the pulse of blood behind a bruise. It passes unevenly, in strange lurches and dragging lulls, but pass it does. Even for me.
Weeks. Ilang linggo na din ang lumipas mula ng umalis ako kay sean. Wala akong ginawa sa bahay kundi ang matulog, maglinis at tumanggap ng part time para hindi ko siya gaano maalala. Iniiwasan kong isipin siya para mabawasan ang sakit pero wala. Habang tumatagal parang may butas sa akin na palaki ng palaki mula ng iwan ko siya. Alam kong siya lang ang makakapuwang ng butas nayon. Kasalanan ko. Kung nagtiis lang ako at least kahit masakit kasama ko siya. Pero hindi kaya ng pride ko na bumalik. Nakikita ko naman siya minsan sa news lalo nat malapit na ang engagement nila ni suzette. Pero hindi na katulad ng dati na nahahawakan ko siya.
Hindi niya man lang ako pinuntahan kahit ayaw ko ay umaasa ako, tao lang ako, alam niya kung saan ako nakatira pero hindi siya sumunod. Nung nakita ko ang nakangiti niyang muka sa TV ay umiyak ako ng umiyak hanggang sa makatulog ako. Pag gising ko ay bumalik sakin yung sakit nung iniwan ko siyang nakaluhod sa gilid ng kama niya. Parang kahapon lang nangyari ang lahat.
"Ikakasal na pala yung dating amo mo elise?" Tanong ni nanay. Wala siyang alam. Hindi na ako nagkuwento mabuti na yung ganun hindi na siya masasaktan pa para sakin. Hindi siya magagalit kay sean.
"Opo" yun lang ang tanging nasagot ko.
Napalingon kami ng may kumatok. Ayaw ko man ay sumagi sa isip ko na baka siya yon tuwing may kakatok sa pinto pero nasasaktan lang ako lalo pag bukas ko ay hindi ang muka niya ang nakita ko.
"Aling martha! Andiyan po ba si elise?" Sigaw ng pamilyar na boses. Napangiti ako.
"Pasok zack! Nandito kami sa sala"
Pumasok si zack na may bitbit na plastic. Naging close kami mula ng umuwi ako dito. Bago lang siya galing ng probinsya at nag aaral ng kolehiyo dito sa maynila. Siya din yung tumulong saking mag part time sa catering business ng mommy niya. Minsan nag w waitress ako. Duon kami nagkakilala dahil minsan ay tumutulong siyang mag waiter din duon.
Sinabi niya sakin na gusto niyang manligaw pero ayoko. Ayoko munang umibig. At nararamdaman kong ayaw sakin ng nanay niya dahil napipilitan lang itong tanggapin ako. Alam kasi ng lahat na kay helena ako lumapit ng nagipit ako at nung mawala ako ay may kumalat na balitang ibinahay ako ng isang mayaman na matanda at ginawa akong kerida. Napailing na lang ako ng malaman ko yon. Sinabi ko sa kanyang hindi muna ko tatanggap ng manliligaw pero maghihintay daw siya dahil kahit mahirap aminin na love at first sight daw siya sakin.
Mabait si zack. Walang bisyo. Guwapo at masipag sa pag aaral at pag tulong sa magulang niya kaya ayaw ko siyang gawing panakip butas. Kung hindi lang dahil sa nakaraan ko ay malamang sa tinaggap ko siyang manliigaw. Gusto ko munang ayusin ang buhay ko.
"May dala po akong ulam. Napa sobra po yung luto ni mommy kaya dinalan ko na kayo" ngiti niya samin "Elise may cater daw sa linggo, sama ka?"
"Nag abala ka pa iho salamat, upo ka muna" kinuha ni nanay yung dala niya at pumuntang kusina.
"Mga anong oras ba?"
"9 am daw tayo pupunta doon. Kasama mo naman ako dahil malaking handaan yon" nakangiti niyang sabi.
"Sige. Salamat zack"
"Ahmmm.. elise?"nag aalangang tanong niya.
"Hmm?"
"May gagawin ka ba sa sabado? Gusto kasi kitang isama may party yung classmate ko. Kung puwede lang naman"
Gusto ko man tumanggi ay hindi ko magawa. Malaki ang utang na loob ko kay zack. Kaya kahit ayoko ay napa oo ako. Ngayon lang naman sa susunod ay hindi na ko papayag dahil baka iba na ang isipin niya.
"Thank you elise!"hinawakan niya yung kamay ko pero agad kong iniwas to. Napansin niya pero nginitian niya lang ako.
"Sige alis na ko baka nakakaistorbo ako sa inyo" tumayo siya "sa sabado elise ha! Asahan ko yan" hinatid ko siya sa pintuan at napabuntong hininga na lang ako ng mawala siya sa paningin ko.
Kumuha ako ng batya at sabon. Maglalaba ako. Ayoko siyang isipin.
"Gabing gabi na maglalaba ka pa? Asan na si zack?"
"Umalis na po. Madami na po to para wala na kayong gagawin bukas aalis po ako"
"Saan ka naman pupunta?"
"Maghahanap po ako ng trabaho"
Napailing na lang si nanay. Alam niyang may mali sakin mula ng umuwi ako pero pasalamat na lang ako at hindi siya nagtanong ang sabi niya lang sa akin ay 'nandito lang ako kung handa ka ng magkuwento' naiyak ako pagkasabi ni nanay nun pero hindi pa ko handang magkuwento sa kanya.
Araw ng sabado ay nakagayak na ko para sa party ng classmate ni zack. Simpleng Dress na above the knee lang ang suot ko. Hinayaan kong naka ladlad ang buhok ko at naglagay ng kaunting make up.
"Kay ganda naman ng anak ko!" Ngiti ni nanay sakin.
"Si nanay naman, syempre kanino pa ba ko magmamana?" Ngiti ko sabay yakap sa kanya "mahal na mahal ko kayo nay"
"Ang anak ko naglalambing, mahal din kita anak kaya alagaan mo sarili mo"
"Ikaw din po nay, ikaw na lang ang meron ako ayoko ng pati kayo ay mawala sakin"
Bago pa kami mag kaiyakan ni nanay ay nakarinig kami ng katok.
"Hala, hayan na ata si zack mag iingat ka doon anak ha? Alam ko namang hindi ka pababayaan ng panginoon"
"Sige po nay"
Umalis kami ni zack sakay ang sasakyan niya.
"Salamat elise" nakangiti niyang sabi sakin
"Para saan??"
"Kasi sumama ka"
"Sus. Malaki ang utang na loob ko sayo zack. Kung hindi dahil sayo hindi ko alam kung saan kami kukuha ng pang gastos namin ni nanay"
Nakarating kame sa party ng classmate niya. Nailang ako kasi magkakakilala sila ako lang ang outsider. Nginitian ko yung classmate ni zack.
"Pare si elise. Elise si Aeron classmate ko." Pagpapakilala niya samin.
"Girlfriend mo pre? Ayos ka din pipili. Hello. Enjoy ka sa party!" Ngiti nito sakin.
"Salamat"
Nagpunta kame sa mga hilera ng pagkain.
Kahit papano ay nag enjoy ako. Approachable naman yung mga classmate niya. Akala ko lang masusungit sila pero ng mga nakainom na at ng mapakilala ako ni zack as a 'friend' ay agad nila akong kinaibigan. Nag iinuman ang lahat yung ibang nasobrahan na ay nakahiga na sa sofa ila aeron. Yung iba nakayuko na. Tawa naman ako ng tawa kahit hindi ko alam kung bat ako natatawa. Lasing na ata ako.
It feels so good to get loose pag may time. pagod na pagod na kong laging umiyak gabi gabi. Pagod na din akong masaktan. Hindi ko alam na umiiyak na ko ng tanungin ako ni zack.
"Elise ayos ka lang? Bakit? May masakit ba?"
Naguluhan siya ng bigla akong tumawa kahit na umiiyak ako.
"Thank you zack. Pinaranas mo sakin na kahit na wala siya kaya ko pa ding mabuhay. That my world didn't stop that unfortunate one night"