lumabas ako mula sa pinag tatrabahuhan ni helena na ngayon ay kung saan na din ako magtatrabaho dahil kinuha ko yung bayad para sa nagawa ko. masakit pa din ang pagitan ng hita ko pero pinilit kong maglakad ng maayos palabas. pumunta ako sa ospital at binayaran ang pinang opera kay nanay para mailabas ko na siya. maayos ang naging operasyon niya. gusto na daw niyang lumabas dahil lalake lan ang bills. wala naman akong magawa dahil yun ang kagustuhan niya.
"nay alis na po ako" wala na kong dinalang damit dahil halos wala naman akong sinusuot doon. kaylangan ko ang perang nakukuha ko duon dahil pinahinto ko na si nanay sa pag lalabada, wala kaming kakainin pag hindi ako kumilos.
"bat hindi ka muna kumain? saan ka ba nagtatrabaho at gabi ka naman ata umaalis?" naghihinalang tanong niya.
"eh nay night shift po ang nakuha ko dahil puno na yung pang umaga sa isang drugs store po na 24hours ang bukas" pagdadahilan ko hindi ako makatingin sa mata niya dahil malalaman niyang nagsisinungaling lang ako.
"osya magiingat ka, patnubayan ka sana ng diyos" nagmano ako at umalis na.
-----
ginilingan ko ang pole na nasa may stage. tuwang tuwa naman ang mga kalalakihang umiinom sa baba. halos wala na kasi akong maitago sa suot ko.
bawal kaming hawakan, yan ang policy sa mga nagsasayaw sa stage. yung mga tinitable lang ang puwedeng hawakan ng customer ng bar. Pero pwede kaming ipitan ng pera sa damit kung damit pa bang matatawag ang suot namin.
hinawakan ko ito at nagpaikot ikot hanggang sa isang customer ang umakyat at nagipit ng pera sa bra na suot ko, tinignan niya pa ko ng malagkit bago bumaba.
natapos ako ng pawis na pawis. at umupo sa tapat ng vanity mirror na nasa likod ng stage. binilang ko ang perang makalap ko. naka limang libo din ako.
"ang galing mo talaga elise, parang sanay na sanay ka ng magpole dancing" ngisi ng kasama ko kanina sa stage na si dette. matagal na siya dito.
"sanay naman talaga ako, matagal ko ng ginagawa yon" totoo naman nung nag kolehiyo ako ay yun ang naisip kong libangan ang ma pole dancing nahinto lang ako nung huminto na din ako sa pag aaral at nag yoga na lang sa bahay para mapanatili kong fit ang katawan ko.
umaga na ng makauwi ako tulog na ang nanay ng dumating ako, nagumpisa akong magluto ng agahan pagkabihis.
"oh sana nagpahinga ka na lang, ako na diyan" sabi ng nanay pagkakita niya sakin.
"ako na nay magpahinga ka na lang, mamaya na po ako matutulog pagkakain" nakangiti kong sabi at pinaghain siya.
"nay eto po sweldo ko" binigay ko sa kanya yung kinita ko ng kanina.
"itabi mo na ang kalahati ng makabalik ka sa pagaaral at makatapos, alam mo namang yan lang ang pangarap ko sayo" naluluhang saad niya "kung mayaman lang tayo hindi mo na kaylangang magtrabaho sa gabi"
"nay naman.. ayos lang po ako"sabi ko na lang dahil alam kong iiyak nanaman siya.
kinagabihan ay balik nanaman ako sa trabaho ko, pero hindi ko alam na ng gabing yon ay mababago nun ang takbo ng buhay ko.
sumasayaw ako sa stage ng makita ko siya sa isang sulok, yung lalaking nakasama ko ng gabing yon. kinabahan ako pero pinagbuti ko ang pagsayaw para hindi mahalatang kinakabahan ko. nakatingin siya sakin. pero alam ko namang hindi niya ko nakikilala, mataman lang siyang nakamasid sa bawat galaw ko.
maya maya ay tumayo siya at umakyat sa stage lumapit siya at bigla niya kong niyakap sa pagkagulat ko. nanlalaki ang mata ko at sinubukang itulak siya. bawal kaming hawakan, policy yan. nilapit naman niya ang kanyang bibig sa tenga ko.
"dont move baby, you'll thank me later" bulong niya. naguluhan naman ako.
maya maya nga ay nakarinig ako ng madaming yabag ng paa at may sumigaw.
"WALANG GAGALAW!"
