Q

4.7K 129 4
                                    

After 8 months

Pinaiikot ikot ko ang tinidor sa plato ko na hindi pa nagagalaw ang pagkain habang nakikinig sa kanya. Walang kuwenta.

Tinignan ko siya.

"Babe. Maganda siguro kung malaki ang venue ng reception madami na kasing inimbita sila mommy at daddy pati papa mo." Salita niya tumango lang ako.

Madami pa siyang sinabi at panay lang ang tango ko. Bakit di nalang siya umupa. Ng wedding planner para di siya nagpapakahirap? Tss. Kung si elise hindi ko siya hahayaang mapagod ako ang magpaplano ng lahat.

Pero wala siya. Napabuntong hininga ako at sumama nanaman ang timpla. Tuwing naiisip ko na kung ano pa ang gusto ko hindi ko makuha.

"Kung anong gusto mo gawain mo wala akong pake" sabi ko kay Suzette at tumayo. Nakita kong naluluha siya pero wala akong pake. Im cold. Kahit kanino lalo na kay papa. Damn him.

Hanggang ngayon ay may malaki pa ding puwang sa puso ko. Sa sobrang laki ay kinakain na ko ng galit at panibugho. Im powerless. I thought kaya ko. Hindi pala. Hindi ko kayang masaktan siya.

Tuwang tuwa ako ng sa wakas after 2 months ay nakita ko din siyang muli. Wala akong pake kung anong dahilan niya kung bakit siya umalis. Pakikinggan ko siya. Alam ko namang mahal niya ko.

Nakita ko siyang palabas ng bahay. Nakasimpleng bista lang siya pero pansin ko ang pamamayat niya. Na galit ako.

Lumabas ako ng sasakyan pero bago ko pa siya malapitan ay biglang may naka motor na tumapat sa bahay niya at bigla siyang pinaputukan. Nakita kong may tama sa kanyang balikat. Agad sumibat ang naka motor. Tinakbo ko siya sa ospital at ng malamang stable siya ay umalis ako agad sa takot.

Alam kong si papa ang may gawa non. Damn him. Damn him to the deepest pit of hell. Sa tanang buhay ko ay ngayon ko lang siya kinamuhian ng ganito.

Lumabas ako ng restaurant at pumunta sa isang bar . Ipinikit ko ang mata ko at muka niya ang nakikita ko. Hindi ko alam kung kaylan ko siya malalapitan ulit. Kung kaylan ko siya makikita. Hanggang kaylan ko kayang magtiis.

Ininom ko ang bote ng rum. Pampatulog sa gabi.  Kaylangan ko nito.  Tumingin ako sa magulo at mausok na loob ng bar. Habang may nag sasayawa ay nakita ko siya sa gitna ng lahat na nakatingin sa akin. May dumaang lalaki ay nawala agad siya.

Dinadaya na ko ng isip ko. Nakikita ko ang gusto kong makita kahit wala naman talaga. Muka niya ang nakikita ko pag pumipikit ako at hindi ko magawang makatulog.

"SINABI KONG IPASA MO TO KAY MR. LIM! BAKIT NANDITO PA TO?!WHY CANT YOU FUCKING FOLLOW THAT SIMPLE INSTRUCTION! " sigaw ko sa secretary ko.

Pumipintig ang ulo ko at lalong naiinis dahil hindi niya nasunod ang utos ko. Ang dali dali hindi magawa.

"Get out!"

Nagmamadali siyang lumabas. Hinilot ko ang sentido ko at hinubad ang coat. Pinirmahan ko ang mga papeles na kaylangan para matapos na agad.

Hindi ko napansin ang oras kaya pag tingin ko sa likod ko ay madilim na pala. Kumuha ako ng bote ng alak sa bar sa loob ng opisina ko.

At tumanaw sa mga tao sa ibaba. Nasa manila ako at ang daming tao sa ibaba. Nung nasa bulacan ako ay tahimik ang lahat.

Nilagay ko ang alak sa kopita at niluwagan ang suot kong long sleeve.

Sumasakit nanaman. Hindi ko alam kung hanggang kaylan to.

Pumikit ako at sinimsim ang alak. Ng mag alas otso na ay bumaba na ko papunta sa parking para umuwi ng may makita akong babae sa kabilang kalsada.

Nakabistidang puti. Mahaba ang buhok at nakangiti sa akin. Payat na payat siya pero mababakas mo pa din ang kagandahan niya. Makikita mo lamang ang lungkot sa muk niya at bakas ng luha habang nakatingin sa akin.

Nakangiti siya habang nakatingin sakin ng umiiyak. Hawak hawak niya ang maumbok niyang tiyan.

Bumilis ang tibok ang puso ko. Alam kong totoong siya ang nakikita ko. Hindi ilusyon niyang madalas ko makita sa mga nakalipas na buwan.

Agad akong tumakbo sa kanya pero bago pa ko makarating ay isang humaharurot na sasakyan ang mabilis na tumatakbo.

Huminto ang lahat sa akin pati ang malakas na sigawan ng mga tao. Nakita ko lang ang katawan niya habang parang slow motion itong tinamaan ng sasakyan .

†††

20 votes +5 comments.

I know evil. Pero. I just need it hehe. sa comment wag naman 'update!'. Haha. Feedback ang gusto ko mabasa. Thank you talaga!

Thank you kay ILoveYouYumko tama ba? Hehe. Daming votes eh. *virtual hug*

See you next update! <3

One nightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon