Elise.
Gising na ako pero ayoko pang idilat ang mata ko. Kasama ko na siya. Si sean. Matapos ang madaming buwan ng paghihirap. Pag dadalamhati matapos akong iwan ni nanay at pang gigipit sakin ng daddy ni sean.
Muntikan pa kong makulong sa kasalanang wala naman akong kinalaman. Sinigurado niyang mag dudusa ako.
Kaya nagulat ako isang araw may sumundo sakin sa pansamantalang trabaho ko sa isang maliit na tindahan. Sinusundo daw ako at wag na lang magtanong. Si mrs. Alvarado pala ang gustong makipagkita sakin. Hinahangaan ko siya. Kahit na mahirap lang ang gusto ng anak niya basta masaya dito ay susuportahan niya.
Gumalaw ako at unti unting dumilat. Tinignan ko ang muka ni sean. Ang laki laki ng ipinayat niya mula nung huli kaming magkita. Nangingitim na din ang ilalim ng mata niya pero hindi maikakaila ang kakisigang taglay niya.
Naramdaman niya sigurong nakatingin ako kaya nilingon niya ako. Nasa biyahe pa din kami. At hawak niya pa din ang kamay ko. Natatakot siguro siyang umalis nanaman ako. I did it once kaya hindi na ko nagtatakang iniisip niya na gagawin ko ulit yon.
"Gutom ka na?" Tanong niya.
Tumango ako. At umayos ng upo. Hindi ako pwedeng magutom dahil kay baby. Kahit nahihirapan ako nuon sinisigurado kong nakakakain ako sa oras.
"Ang payat mo para sa buntis. Kumakain ka ba ng tama?" Tanong niya sakin.
"Oo. Hindi lang siguro ako nakakainom ng mga vitamins pang buntis."
"Bibili na din tayo mamaya niyan. For bow you'll eat. A lot. Okay?" Tanong niya.
Nangingiti ako.
"What?" Tanong niya umiling lang ako.
Nakikita ko na in the near future kung paano maging tatay si sean. Bossy.
"Whatever. Let's go eat. " bumaba siya at inalalayan din akong bumaba. Kinuha niya ang bag ko. Di na lang ako umangal.
Pag kaupo ko ay umupo siya agad sa tabi ko.
Tumingin ako sa buong restaurant halatang malayo na kami sa manila.
Tinignan ko ang menu na inilatag ng waiter.
Nag usap lang kami ng kung ano ano ni sean. Tulad ng dati. Bago pa nagkagulo ang lahat.
"Paano na ang trabaho mo sean?"
"I don't care. Baka hindi na din ako tanggapin don. Im versatile baby. I can work as a fishermen if i want to. For you"
Namula ang muka ko. Tumawa naman siya.
"What? You're blushing baby." Ngisi niya.
Lalo tuloy akong namula at lumakas ang tawa niya. Na tawa na lang din ako. Nagliliwanag ang muka niya pag tumayawa siya. Kaya hindi na ko magtataka kung bakit nakatingin sa kanya yung mga babae sa kabilang table kahit na mukang 1 week na siyng hindi natutulog.
"I want to take care if you for the first month and then pag meron I'll work on the next. Ayoko umasa kay mama ng pera para sa pamilya ko"
"Kaya mo ba sean?"
Alam kong sanay siya sa luhong nakukuha sa magulang niya at baka hindi niya kayanin pag bigla kaming naghirap. Sanay na sanay na ko sa hirap. Siya ang inaalala ko.
"Why? You don't think i can't? "
Umiling na lang ako . Bahala na. Hindi naman siguro kami pababayaan ng panginoon. Minamahal ko siya lalo sa pagiging indipendent niya na para sa magiging pamilya namin.
Ng makarating kami sa bahay na bigay ng mama niya ay hindi naman ganun kaliit iyon. Kumpleto na rin sa gamit. Naamoy ko din ang maalat na simoy ng hangin so medyo malapit siguro kami sa dagat.
"Mamimili lang ako ng gamit natin. Magpahinga ka na i know pagod ka na sa biyahe" kinuha niya ang susi at hinalikan ako sa noo.
"Mag ingat ka sean" bilin ko.
"For you, i will." Ngisi niya.