Nag ayos ako. Palda and longsleeve na white. Yung pang waiter na suot namin. Ngayon na kasi kaylangan ng madaming waiter dahil malaking party ito. Big time daw yung costumer. Halata naman. Halata kasing malaki ang ginastos venue pa lang. Tapos yung mga bisita, mayayaman talaga.
"Walang papalpak guys and girls. Do your best! You know what to do!" Sabi ni ma'am eleanor ang mommy ni zack.
Pumuwesto na kame sa mga assigned table namin. Hindi ako napunta sa gilid ng buffet. Engagement party pala to. Naalala si sean. Kamusta na kaya siya? Iniisip kaya niya ako?
Nagulat ako ng bigla silang nagpalakpakan, inannounce na pala kung sino ang ikakasal at nanlaki ang mata ko ng makita ko si sean kasama si Suzette.
Hindi ako makahinga sa sakit. Napakaganda nilang tignan. Perfect couple yun ang magandang itawag sa kanila. Parehas mayaman. Maganda at guwapo. Hindi ko matanggal ang tingin ko sa kanila. Kahit masakit. Pinipigil kong umiyak. Hanggang mapatingin sa gawi ko si sean. Naramdaman niya sigurong may nakatingin sa kanya. Nakita kong nanlaki ang mga mata niya ng makita ako. Pero agad niyang iniwas ang tingin niya sakin.
Nagumpisa ng mag serve ng mga pagkain. Pinilit kong huwag pansinin ang pagtingin niya sakin. Nararamdaman ko kasi ang mga titig niya. Nandito ako para sa trabaho. Isipin ko na lang si nanay. Para sa kanya to.
"Miss anong pangalan mo?" Tanong nung lalakeng siniservan ko ng tubig.
"Elise po."ngumiti ako kahit na gusto kong umiyak.
"Puwede bang makuha yung number mo?" Ngiti niya sakin. Guwapo siya. Kasing edad ko siguro at genuine kung ngumit "Wag ka ng malungkot kawalan niya dahil pinakawalan pa niya ang tulad mo"
Hindi ako nakapag salita.
"Nakikita ko sa mga mata mo. Kanina ka pa ngiti ng ngiti pero iba ang sinasabi ng mga mata mo. Sorry psychology graduate kasi ako kaya mapag obserba akong tao" paliwanag niya.
"Sorry pero bawal po kaming mamigay ng number sir"
May sasabihin sana siya pero may nagsalita.
"Sam tinatawag ka ng mommy mo. You don't want her to get mad at you right?" Sabi ng boses na nakapag patigas ng likod ko. Kilala ko yon. Kahit saan ako mapunta kabisado ko ang tono ng boses niya.
"Don't worry. Im just talking to elise. Such a beautiful lady" ngiti niya sakin.
"Alis na po ako sir" naglakad na ko paalis sa pagitan nilang dalawa. Hindi ko pa kayang makausap siya kahit na gustong gusto ko siyang yakapin. Dumiretso ako sa isang pinto papalabas ng pavilion.
May umupo sa tabi ko pero hindi ko pinansin. Alam kong siya yon. Amoy pa lang. Nakatune in na ata lahat ng senses ko aa kanya. Alam ko pag malapit siya, alam ko pag nandiyan lang siya.
"I miss you"
Hindi ako kumibo. Mas lumapit pa siya sakin. Tumingin ako sa langit para hindi bumagsak yung mga luha ko. Ayaw kong makita niya kong apektado pa din sa kanya.
"Why are you this cold elise? Kanina kay sam you're all smiles. Pero pag sakin.."umiling siya. "Bumalik ka na sakin"
Umiling ako.
"Bakit?"
Finally tinignan ko siya. I want to get mad. Gusto kong mag wala. Ikakasal na pala siya bakit kinuha niya pa ko? Pero nakita kong hindi lang ako ang nasasaktan. Mukang ilang araw na siyang puyat. Pero hindi pa rin nababawasan ang kaguwapuhan niya.
"Ikakasal ka na sean. Tama na please"
Hinawakan niya yung kamay ko.
"Just say it elise. Iiwan ko siya. Iiwan ko silang lahat para sayo" mataginting na sabi niya. "I just want you elise. Just you. Anything else be damned"
Tuluyan ng tumulo ang luha ko.
"I love you" hindi ko na napigilan ng ilapit niya ang muka niya sakin at halikan ang labi ko. Para akong statuwa hindi ko masagot ang mga halik niya sakin. Pero ng kagatin niya ang lower lip ko ay natauhan akot sinagot ang mga halik niya.
Hinapit niya ag bewang ko oara magkalapit kami lalo ng hindi hinihiwalay ang mga labi namin.
"God how i missed your lips. You have the sweetest lips I've tasted elise, im drowned to your kisses. I dont think i will want anyone else than you."
Nagulat kaming dalawa ng bumukas ang pinto at may tumawag sa kanya. Agad ko siya itinulak ng makita namin si Suzette.
" What are you two doing?? At bakit ka nandito?" Galit na sabi niya ng makita ako.
"Stop it zette"inis na sabi ni sean at tumayo sa harap ko.
"Stop it? Buti na nga lang ako ang nakakita sa inyo. Paano kung si dad? O yung daddy mo kahit na ibang tao. Hindi maganda sa image ng daddy mo na engage ka na sakin sean nakikipaghalikan ka pa sa iba" nakita niya ang gulat sa muka ko"oh im not that stupid to know na naghahalikan kayo. One word from me sean and your dad will make her life a living hell sean. Don't mess with me sean. You. Are mine" agad siyang tumalikod matapos akong bigyan ng masamang tingin.
"Shhhh." Alo niya sakin. Hindi ko namalayan na umiiyak nanaman ako. Nanaman. When will i stop hurting?.
"Sean... hindi ba puwedeng tayo na lang?"
Niyakap niya ko.
"Im gonna do something. Just just wait for me. And promise me wag kang maniniwala sa iba hanggat hindi ako ang nagsasabi sayo okay?" Tumango ako"I love you baby"
"I love you"
"Yun lang naman ang mahalaga diba? We love each other" hinalikan niya ang noo ko at pinatong ang ulo niya sa noo ko. "Thank you baby"
