F

7.1K 130 3
                                    

Kinabahan ako. Nagising kasi akong nag susuka. Napasandal ako sa pader. Paano kung buntis ako? Ayoko pa mabuntis. Madami pa kong pangarap. Gusto ko pang makatapos ng pag aaral.

At si sean. Anong sasabihin niya? Anong magiging reaction niya? Huminga ako ng malalim. Wag muna ngayon.

Ng umalis si sean para pumasok sa trabaho niya ay agad akong nagbihis at bumili sa pinakamalapit na pharmacy ng pregnancy test. Bumalik ako sa bahay at agad kong ginamit yon. Nagdadasal ako na sana ay negative. Wag muna ngayon lord. Please.

Nakahinga ako ng maluwag ng makita kong negative yung result. Hindi pa ko buntis. Salamat naman. Baka kasi hindi matanggap ni sean ang balita pag nagkataon. Ayoko siyang bigla na lang mawala. Umalis. Ayoko man aminin ay mahal ko na siya. Kahit na madalas ay hindi ko siya ma gets pabago bago kasi ang mood niya.

Lumabas ako para mag pahangin. Namumutla na kasi ako dahil lagi akong nakakulong sa pad ni sean. Baka yun ang dahilan kung bakit ako nahihilo at nagsusuka dahil hindi ako madalas maarawan. Naisip kong dalawin si nanay. Ang tagal ko na siyang hindi nakikita. Miss na miss ko na siya.

"Nay! Naay!" Katok ko sa pinto.

Ng bumukas to ay nakita ko si nanay. Agad ko siyang niyakap. "Na miss kita nay"

"Ikaw naman kasing bata ka. Nagtrabaho ka lang sa malayo ay madalang mo na kong dalawin. Kamusta ka naman ba? Hala pasok. Kumain ka muna" sunod sunod na sabi niya.

"Si nanay talaga. Kamusta na kayo? Hindi na ba kayo nahihilo?" Baka kasi bumalik yung sakit niya. Siya na lang ang natitira sa buhay ko. Hindi ko nakagisnan ang tatay ko. Maliit pa lang ako umalis na siya at hindi na bumalik. Kaya kaming dalawa lang ni nanay ang magkasama sa buhay.

"Abay hindi na. Paano pa kong mahihilo ayaw mo na kong mag trabaho. Kumain ka na ba?"

"Opo."

Nagkuwentuhan kami ni nanay. Hindi ko namalayan na madilim na pala sa labas dahil pinaglaba at pinag luto ko si nanay. Nagulat na lang ako ng may marinig akong katok sa labas namin.

"Tao po! Tao po!" Sunod sunod na katok ng kung sino man. Natutulog na si nanay. Kaya nagmamadali akong sinagot yung pinto at baka magising ang nanay.

"Sino ba.."

Hindi ko na natapos yung sasabihin ko ng biglang ay humigit ng kamay ko.

"BAKIT UMALIS KA ELISE! IIWAN MO NA BA AKO? HINDI KANA BA BABALIK? ANONG NAGAWA KO? BAKIT?"

Nagulat na lang ako ng bigla siyang humagulgol na parang bata sa balikat ko.

"Sabi mo hindi mo ko iiwan?"

Tinapik tapik ko yung likod niya. Hindi ko napansin na ginabi na pala ako dito.

"Sorry sean. Hindi ko napansin na gabi na pala. Hindi naman kita iiwan"

"Bakit umalis ka ng walang paalam?" Galit na sabi niya.

"Hindi ko alam kung paano ka maccontact. Wala naman akong cellphone"

Nangunot ang noo niya.

"Tara ibibili kita. Para hindi mo ko tinatakot" hahatakin niya ko palabas ng huminto ako.

"Anak sino ba yan?" Rinig kong boses ni nanay. Lumabas siya at nakita niya kami sean. Agad akong humiwalay sa kanya.

"Ah nay. Si sean nga po pala amo ko, sean nanay ko"pagpapakilala ko sa kanila.

Ngumiti si nanay.

"Bakit hindi mo papasukin? Sir kumain na ba kayo? Pasok po muna kayo"

"Sean na lang po. Hindi na po. Sinundo ko lang po si elise kaylangan na po kasi siya sa trabaho niya. Nice meeting you po" nakangiting sabi ni sean kay nanay.

"Ganun po ba? Anak dumalaw ka ulit ha. Mag iingat kayo"

Umalis na kami sa bahay pagkatapos kong yakapin si nanay at bilinan na kumain sa oras. Akala ko uuwi na kami pero nagtaka ako dahil nagpunta pa kaming mall.

"Anong gagawin natin dito?"

"Bibilan kita ng cellphone. Ayoko ng maulit to elise. Ayoko ng maramdaman ulit yung naramdaman ko kanina ng pag uwi ko ay wala ka. Hindi ko alam kung nasaan ka. Hindi ko din alam kung paano ka matatawagan"

"Sorry"

Pumunta kami sa tindaha ng cellphone. Agad kaming inasikaso nung babae sa counter. Napansin ko din na panay ang tingin niya kay sean. Ni hindi niya nga ako napansin.

"Sir. What can i do for you?" Maarteng sabi niya. Parang nakita ko pa nga siyang ibinaba yung blouse niya at tinaas yung palda niya. Kung may itataas pa ba yon dahil ma igsi na.

"Gusto ko makita yung latest model na meron kayo. Yung best model kung meron"

Tinignan ko si sean. Napangisi ako ng makitang ni hindi niya tinitignan yung babae. Nakatingin siya sa mga naka display na cellphone.

"O-okay sir" agad siyang umalis para gawin yung sinabi ni sean.

"Babe what do you want?" Tanong niya sakin ng mailatag nung babae yung apat na klase ng cellphone. Apple, Sony, Samsung, BlackBerry, at Nokia. Nanlaki yung mata ko sa presyo.

"Sean. Puwede nanaman sakin to" at itinuro ko sa kanya yung isang unit ng cellphone. Hindi yun touch screen. Mura pa.

"Pag hindi ka namili sa mga to bibilin ko to lahat" naiiritang sabi niya.

Pinili ko na lang yung pinaka mura. Kahit hindi siya mura dahil 40,000 pesos siya. Ayoko pa man ding ginagastusan niya ko dahil lumalabas na bayarang babae ako. Ayoko. Pero pag nagagalit siya pag hindi ako sumang ayon sa gusto niya ay wala na kong magawa.

"Good" agad siyang nagbayad. Ng ibigay sakin yung cellphone nung babae na inirapan pa ko ay parang ang bigat bigat nito.

May sim na din kasama yung cellphone. Agad niyang nilagay yung number niya duon. At sinave naman yung number ko sa kanya.

"Now. Sasabihin mo sakin lahat ng ginagawa mo, elise. I mean it. Pag wala akong nareceive na text pag hindi tayo sa loob ng isang oras ay hindi mo magugustuhan ang gagawin ko"

Tumango na lang ako. May sayad na ata ako. Imbis kasi na matakot ako sa sinabi niya ay kinilig lang ako. Ibig sabihin kasi nuon ay concern siya. Natatakot siyang mawala ako.

Napangiti ako. Baka may gusto na siya sakin?

Tinaasan ako ng kilay ng isang panig ng utak ko. Dream on.

"Now im famished. Lets grab something to eat bago umuwi"

Nagpunta kame sa pinakamalapit na restaurant. Gusto ko sanang sa bahay na lang kumain pero ayaw niya na daw akong mapagod.

Ganun din ang reaction ng mga babae sa restaurant. Nagpapungay ng mata, nag igsian ang mga palda at nag bukas ng isang butones para makita ang cleavage nila. Napailing na lang ako. Ganun na lang ba sila ka desperado para lang mapansin? Halos maghubad na sila sa harapan ni sean. Pero siya ay nakatingin lang sa kamay naming magkahawak. Umorder siya ng hindi tinitignan ang waitress.

One nightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon