Prologue

211 7 0
                                    

Mabilis na inililigpit ni Charm ang nagkalat na gamit. Katatapos  lang ng power point presentation nila ng mga oras na iyon. Kailangan na niyang magmadali dahil may trabaho pa siyang haharapin.

"Charm, aalis ka na agad? Magce-celebrate pa tayo di ba?", ani Eugene habang palapit sa kanya.

Ito ang kapartner niya sa naganap na presentation. Hanggang doon lang naman ang ugnayan nila dahil boyfriend ito ng kapatid niya. Gayunpaman ay hindi naman niya mapigilan ang sariling mahulog ang loob dito. Ngunit hangga't maaari ay iniiwasan niyang makita sila ng kapatid na magkasama.

"Pasensya ka na Eugene! May raket ako ngayon! Next time na lang!", tinapik niya ito sa balikat at mabilis na tinalikuran.

Halos takbuhin na niya ang daan palabas ng university sa pagmamadali. Tiyak na umuusok na naman sa galit ang nanay niya. Palagi namang ganoon. Okay lang na mahuli ang ate niya pero siya ay hindi. Okay lang na mag-inarte ang kapatid pero siya ay hindi. Pwedeng mamili ang kapatid niya pero hindi siya. Hindi siya ang best dahil second option lang siya.

Akma na siyang papara ng dyip nang may humintong kotse sa harapan niya. Agad niyang nakilala na kotse iyon ni Eugene.

Bumukas ang pinto sa passenger seat. "Hatid na kita!", alok nito. Dahil nagmamadali ay hindi na siya nagdalawang-isip pa. Bahala na kaysa naman hindi umabot sa oras ng pictorial. Isa siyang part time model. Tinatawagan lang siya kapag wala ang kapatid niya. Pero sa totoo lang, madalas itong wala kapag mayroong hindi nagustuhan sa set. Swerte na rin para sa kanya iyon.

"Bukas ba ay libre ka na?", untag ng binata.

"Hindi ko alam. Importante ba talaga ang celebration na iyan?", usisa niya habang nakatuon ang paningin sa kalsada.

"Of course! We have the highest grade in that power point presentation. That's why it's a very big deal.", katwiran nito.

"Okay fine! Sayang nga naman na hindi i-celebrate.", pagpayag niya. "But make sure Ate Paige won't get mad at me. Alam mo namang selosa ang kapatid kong iyon!", palatak niya.

Natahimik ito kaya binalingan niya ito ng tingin. "M-may problema ba?"

"We broke up!", anito sabay sulyap sa kanya. "I broke up with her."

Napalunok siya. Tiyak na hindi niya magugustuhan ang idadahilan nito. Kaya naman hindi na siya nag-usisa pa. Mas mabuti pang hindi niya alam ang dahilan ng paghihiwalay ng mga ito. Natatanaw na niya ang agency kaya naman nagpababa na siya.

"S-salamat!", paalam niya at walang lingon-likod na tumakbo papasok sa agency.

Agad siyang nakita ng ina kaya sinalubong siya nito. "Bakit ba ang tagal mo? Bilisan mo nang magpalit. Wala na naman sa mood ang kapatid mo. Sayang naman ang kikitain natin dito!", walang prenong sermon ng inang si Carmela.

Isa kasi itong frustrated beauty queen. Lahat na lang yata ng beauty contest ay hindi pinalalampas nito noong kabataan nito. Ngunit lagi namang bigo. Kaya sila ng kapatid niya ang sumalo. Ngunit wala dito ang puso niya, di katulad ng kapatid niya. Ngunit tiyak niyang ang sinabi ni Eugene ang dahilan ng pagmumokmok ng kapatid sa mga oras na ito.

Pagkatapos siyang ayusan ay sumalang na siya sa harap ng camera. Laking gulat niya nang makita si Gerald na nakatayo katabi ng cameraman. Isa ito sa mga colleague ni Eugene at kilalang tagapagmana ng isang car company. At dahil isang malaking oportunidad ang nasa harapan niya ay buong kumpiyansa siyang nagpose sa harap ng camera. Sa huli, ang kapatid pa rin niya ang kukuning endorser ng naturang kompanya.
Pakialam niya naman, mahalaga ang kikitain, hindi ang kasikatan.

Malaking tulong pa rin naman ang kinikita niya kahit hindi niya mahawakan ang buong sweldo niya. Ang kanyang ina ang siyang nangangasiwa niyon. Pero hindi na niya iniisip iyon. Mahalaga pa rin naman na hindi siya nito pinahihinto sa pag-aaral.

Nang matapos ay mabilis siyang nagtungo sa dressing room upang magbihis. Hindi na talaga siya nasanay sa make up. Kailangan niyang maghilamos agad dahil nangangati na siya. Mabuti na lamang at walang iniiwang rashes sa mukha niya. Pagbukas niya ng pinto ay nakasalubong niya ang ina. Nasa likuran nito si Gerald.

"Uuwi ka na agad?", bungad ng ina.

Sinapo niya ang puson. "Opo nay!   Dinalaw na naman ako ni dysme!", nakangiwi niyang saad. Totoo naman na may dysmenorrhea siya. Pero hindi pa ngayon.

"Ganoon ba?", hinarap nito si Gerald. "Sa susunod mo na lang siya imbitahan Sir!"

Sinasabi na nga ba!

"Of course! I understand!", kunway saad nito. "I'll see you when I see you, Charm!", anito at agad silang tinalikuran.

Pagkaalis nito'y hinarap siya ng ina. "Sa susunod, huwag na huwag mo akong ipapahiya Charmaine! Mabuti na lamang at naniwala siya. Pero ako, hindi ako naniniwala sa dahilan mo! Kung nandito lang ang kapatid mo'y hindi ako ipapahiya noon!"

Lihim siyang nagngingitngit. Kung kaya lang niyang tiisin ang mga ito, matagal na niyang tinanggap ang tulong ng mga kaibigan. Ngunit nahihiya rin siya sa mga ito. May kanya-kanya rin naman kasi silang pinagdadaanan.

Wala siyang nagawa nang kaladkarin na siya ng ina pauwi. Base sa inabutan nilang ayos ng sala ay masasabi niyang nagwala na naman ang kapatid.

"Naku naman!", bulalas ng ina. "Hala Charmaine! Iligpit mo ang lahat ng kalat na ito.", utos nito.

Kaya kahit pagod at gusto nang mahiga ay napilitan siyang tumalima. Wala rin namang ibang gagawa nito kundi siya. Mag-aalas onse na ng gabi na siya natapos kaya naman tinanghali tuloy siya ng gising.

At nang maalala ang usapan nila ni Eugene ay dali-dali siyang naligo at nag-ayos ng sarili. Isinukbit na niya ang bag nang tumunog ang kanyang cellphone. Mula kay Eugene ang mensahe.

Hihintayin kita sa condo.

Kibit balikat siyang lumabas ng bahay. Tinamad na naman siguro ang lalaki. Minsan lang siya magawi sa condo nito. Palibhasa ay kasama nito si Gerald sa condo. Ngunit bihira namang magawi roon ang lalaki. Sana lang ay solo nila ni Eugene ang condo. Kahit kasi anong gawin niya'y ayaw siyang lubayan nito.

Palabas na siya ng elevator nang makasalubong niya ang binata.
"Narito ka na pala. May bibilhin lang ako. Tumuloy ka na sa loob at mabilis lang ako.", anito at
nagsara na muli ang elevator.

Humakbang na siya patungo sa unit nito at pumasok sa loob. Dumiretso siya sa kusina, nagbabakasakaling may inihandang lulutuin. Ngunit laking gulat niya nang makitang naroon si Gerald.

"A-anong ginagawa mo rito?", kinakabahang tanong niya.

Lalo siyang kinilabutan sa pagngisi nito. "Relax, sweetheart! I won't bite you!"

Maya-maya pa'y narinig na niya ang pagdating ni Eugene. Kaya agad niya itong nilapitan. "Sa labas ba tayo magce-celebrate?", salubong niya rito.

Napakunot-noo ito. "Sorry Charm, pero may emergency sa bahay eh! Kayo na muna ni Gerald ang mag-celebrate.", paalam nito at mabilis pa sa alas kwatro na nawala.

"So?", nanghilakbot si Charm nang marinig ang boses ni Gerald sa may tainga niya.

Akma siyang tatalilis ng takbo nang mahigpit siya nitong hinawakan sa braso. "Gerald, let me go! Ano bang pinagsasasabi mo kay Eugene? Bakit siya agad-agad na naniwala sa'yo?", sunod-sunod niyang tanong sa kabila ng takot na nararamdaman.

"Oh nothing! Just few evidences of our intimate moment!"

Nanlaki ang mga mata niya sa isinagot nito. Natitiyak niyang hindi iyon kaaya-ayang tanawin kaya sa sobrang galit niya'y inihambalos niya rito ang maong niyang jacket. Napaigik ito at mabilis siyang kumawala. Mabilis siyang tumakbo palabas ng unit na iyon. At sa halip na sa elevator ay sa hagdanan siya nagtungo. Alam niyang hindi siya maaaring sundan nito dahil tiyak na makakakuha ito ng atensiyon samantalang siya? She's just a nobody. Kaya bago pa siya mapahamak sa mga kamay nito, gagawin na niya ang tama para sa kanyang kaligtasan.

Malas lang niya dahil ang inaakala niyang magliligtas sa kanya ay hindi niya maaasahan.

---itutuloy---

Feel free to vote and share the link..

@mjfreesia

CHARM OF ECHO, ECHO OF CHARM( Bouquets And Garters Book Three) COMPLETEDWhere stories live. Discover now