Bagot na bagot na si Charm sa kakapanood sa kapatid niya. Mas gugustuhin pa niyang tumambay sa Apl's Cuisine. At least doon may peace of mind siya.
"Pose! Turn right! Alright! Good take, Paige!", walang ibang boses na maririnig sa studio kundi ang boses ng photographer na si Andy.
Bumaba na ng lift si Paige at sinalubong agad ng personal assistant nitong si Agnes. Agad naman nitong inabutan ng tubig ang kapatid.
"After fifteen minutes, pictorial uli tayo!", sigaw naman ng direktor na si Henry.
"Ah, Direk?", dinig niyang tawag ng kapatid. "I'm so exhausted na eh, pwede bang bukas na lang?"
She rolled her eyes. Kabisadong-kabisado na niya ang taktika na iyon ng kapatid. Ewan ba niya kung bakit ganoon na lang ito kung umasta. Kung tutuusin ay hindi pa naman ito ganoon kasikat. Swerte na lang at may kumukuha pa rito bilang commercial model.
Napuna niyang natigilan ang direktor. Kung hindi pa niya alam, may lihim itong pagkagusto sa kapatid niya. Kaya siguro masyadong lumalaki ang ulo ng ate niya dahil lagi na lang nitong pinagbibigyan.
Inilibot ng direktor ang paningin hanggang makita siya. "Charm, I need you here!"
Being the good girl, she is obedient enough to move her ass off the camera. A side view of her is just the emphasis, not her whole front. Buhok ang importante. Ngunit kung buong mukha ang kailangan, hindi niya naman kailangan na magdouble sa kapatid.
"Alright, pack up na!", muli ay sigaw ni Henry.
Nagmadali na rin siyang magpalit ng damit. Ngunit nang paalis na siya ay tinawag siya ng kapatid.
"Saan ka na naman pupunta?", sita nito bago pa siya makalapit dito.
"Late na ako sa cuisine.", sagot niya. Pinalabas kasi niyang nagtatrabaho siya bilang waitress ni Alessandra.
May inabot itong sobre sa kanya. "TF mo! Pasalamat ka wala si Mommy, kung nagkataon, hindi mo man lamang mahawakan ang pinaghirapan mo.", saad nito na ipinagpapasalamat niya. Hindi naman kasi sa lahat ng oras ay kasama nila ang ina.
"Salamat!", saad niya. Kung wala ang ina, kahit paano ay inaabot naman talaga ng kapatid ang kita niya. Kaya siguro kahit nasasaktan siya sa pinagsasasabi nito sa kanya, hindi rin naman niya kayang tiisin ito.
Tuluyan na siyang nagpaalam at lumabas ng studio. Sakto namang may humintong dyip sa di kalayuan. Agad siyang tumakbo upang makasakay. Maya-maya pa'y bumaba na siya sa tapat ng cuisine.
Nakita niyang kapapasok lang ni Alessandra sa opisina nito. Kaya tumuloy na rin siya sa locker room upang magbihis. Di niya maiwasang isipin ang application niya. Naiinip na siya sa kahihintay. At the same time ay nae-excite.
Kinuha niya sa bag ang sobreng inabot ng kapatid. Tseke ang lamang niyon. At hindi biro ang halaga. Mabuti na lamang at naisipan niyang magbukas ng bank account dahil kung nagkataon, malalaman agad ng kanyang ina na may pera siya.
Kinailangan niya talagang mag-ipon para sa nalalapit na pag-alis sa poder ng ina. Ayaw niyang umasa sa mga kaibigan niya. Sapat na para sa kanya na na dinadamayan siya ng mga ito sa tuwing kailangan niya.
Humarap siya sa salamin upang bistahan ang sarili. She tied up her hair as what she wants it to be. Tutal naman ay tapos nang maging bida ang buhok niya. Nang makontento sa nakikita ay humakbang na siya palabas ng locker room.
At dahil balak niyang ideposito ang pera niya ay pansamantala muna siyang magpapaalam sa kaibigan. Hinanap niya ito nang matigilan. Naroon si Alessandra. Kausap ang lalaking hindi niya kailanman nakalimutan.
******************************
Inabot na nang tanghalian si Eugene sa kahahanap kay Carmela Madrigal. Laking tulong sa kanya nang makilala ang nagngangalang Rosie sa eroplano. Kaya paglapag nila sa airport ay inanyayahan niya ito sa kakilala niyang pulis na magaling magsketch.
Inilarawan ni Rosie si Carmela habang mabilis na iginuguhit ito ng kaibigan. May larawan din siya sa wakas ng ginang. Kaya heto siya, nag-umpisa nang maghanap-hanap at magtanong-tanong sa malapit.
Naramdaman niya ang pagkulo ng tiyan kaya naman pumasok na siya sa restaurant kung saan siya huminto. Inilibot niya ang paningin para maghanap ng mauupuan. Naroon ang bakanteng mesa sa sulok ng glass wall. Walang anumang naglakad siya patungo roon.
Pagkaupo niya'y agad namang lumapit ang isang waiter upang kunin ang order niya. Habang naghihintay ay inabala niya ang sarili sa paglibot ng paningin. Nagustuhan niya kasi ang ambience. Very cozy. Maya-maya pa'y napuna niya ang isang maputi at petite na babae na naglalakad palapit sa kanya.
Malawak ang ngiti nito. "Eugene? Is that really you?", usisa nito bago umupo sa tapat niya.
"Yeah and you are?", Kunot-noong balik-tanong niya. Hindi talaga niya maalala ang babae.
Napasimangot ito. "Palayasin kaya kita dito sa restaurant ko!", maktol nito.
Tinitigan niya nang maigi ang mukha nito at maya-maya'y napangiti. "Mrs. Alex!"
Nanlaki ang mata nito sa itinawag niya. "Don't call me that, will you?", asik nito.
Secretly married kasi ito sa isa pa niyang kabrother. "Fine! So, this is yours?", tukoy niya sa restaurant.
"Yes and for the record. Just call me Alessandra."
Saglit itong huminto nang dumating na ang inorder niyang pagkain.
Akma siyang susubo nang maalala ang kaharap. "Shall we eat?"
Ngunit wala sa kanya ang atensiyon nito at natigilan sa pangalang tinatawag nito. "Charm! Come here!"
Dahan-dahan niyang ibinaling ang tingin sa direksyon kung saan naroon ang tinatawag nito. There he saw the girl he fell in love with. Nakipagbreak siya sa kapatid nito dahil nababaling na ang damdamin niya rito. Nagbabalak na siyang magtapat dito ngunit naunahan na siya ni Gerald. Magnobyo na pala ang dalawa. Kaya nang tawagin siya ng ina nang araw na iyon, hindi na niya itinuloy ang balak na pagtatapat dito. He left her. Kung saan hindi siya makakagulo.
At ngayong abot-kamay lang niya ito, tila hindi na niya gugustuhin ang lumayo pa dito. Iyon ay kung malaya pa ito. Sa muli nilang pagkikita, masasabi niyang hindi pa rin nagbabago ang damdamin niya para rito.
Nakakatawa lang isipin na sa kabila ng pagiging private investigator niya, hindi man lang niya pinagkaabalahang alamin ang patungkol dito. Pinigilan niya ang sarili dahil ayaw niyang umasa at masaktan.
Napuna niyang tila naestatwa ito sa kinatatayuan. Tumayo na si Alessandra, nilapitan ang babae at hinila palapit sa kanya.
"I wonder if you still remember her.", saad ni Alessandra at iginiyang maupo si Charm. Wala nga palang nakakaalam na magkakilala sila. "Ka-frat siya nina Timothy, remember?", pagkausap naman nito sa hindi natitinag na babae.
Isang sulyap lang ang binigay nito sa kanya, "Yeah!". Agad ding itinuon ang atensiyon sa katabi. "May pupuntahan lang ako. I'm not sure kung makakabalik agad ako."
Kibit balikat namang tumango si Alessandra kaya mabilis na humakbang si Charm palayo sa kanila. Hindi man lang siya nito muling sinulyapan kaya ibinalik na lamang niya ang atensiyon sa pagkain.
"Weird!", narinig niyang bulong ng kaharap.
"Come again?", usisa niya.
"Wala naman kasing ibang pinupuntahan iyon eh! Mas gusto pang magwaitress ng babaeng iyon dito."
Natigilan siya. Nagtataka. Parang nagsisisi tuloy siya na maging clueless sa nangyari sa buhay nito.
---itutuloy---
Feel free to vote and share the link..
@mjfreesia
YOU ARE READING
CHARM OF ECHO, ECHO OF CHARM( Bouquets And Garters Book Three) COMPLETED
Romance"Sa simula pa lang ng laro, talo na ako! Pagod na akong magkunwari na hindi ikaw ang gusto ko! Dahil simula nang bumalik ka sa buhay ko, I fell in love with you all over and over again." Dahil sa isang kasinungalingan, naghiwalay sila ng landas. Ngu...