Chapter 2

64 2 0
                                    

Nasa bungad pa lamang ng pinto si Charm ay naririnig na niya ang paglilitanya ng ina. Natitiyak niyang nakita nito ang pagbaba niya ng dyip sa tapat ng bahay nila.

"Umuwi ka pang babae ka!", sigaw nito. "Hindi mo ba alam na kailangan ka ng ate mo sa studio? Kanina, hinimatay siya sa sobrang pagod. Mabuti na lamang at pumayag ang photographer na i-postpone muna ang pictorial niya! Saan ka ba kasi nagpupupunta? Pera na naging bato pa!"

Mula naman sa silid ng kapatid ay narinig niya ang boses nito. "Mommy, I need to rest! Will you please lower your voice?", awat nito.

Agad namang natahimik ang ina. "Okay, anak! Pasensya na!", anito at pinukol muna siya ng masamang tingin bago siya iniwan.

Hindi naman masyadong halata na mas paborito ng nanay niya ang ate niya noh? Teka lang. Tandang-tanda niya ang nakalakihan niyang dahilan nito.

I-enumerate lang niya. First and foremost. Sundalong kano ang tatay ni Champagne. Iniligtas daw nito ang kanyang ina sa mga kalaban nito na muntik nang magsamantala rito. Sayang nga lang dahil hindi rin naman nagtagal ay namatay ito sa labanan bago pa man mailuwal sa mundo ang ate niya. Hindi man lang nakapagpakasal ang mga ito. At siya? Well, kano rin ang tatay niya. Pobreng kano ayon sa nanay niya. Inanakan lang daw ang nanay niya at hindi na nagpakita pa.

Pangalawa. Si Champagne ay maganda, matalino, sexy, sopistikada at higit sa lahat, pambato sa beauty pageant. At siya ang kabaliktaran nito.

At ang panghuli. Ang pangarap ng nanay niya noon ay pangarap ng ate niya ngayon. Ang maging sikat na modelo. At siya? Iba ang landas na gusto niyang tahakin. At natitiyak niyang malapit nang matupad iyon.

Hindi na lang niya pinansin ang pagtatalak ng ina. Sa halip ay pumasok na siya sa sariling silid at nagpalit ng pantulog. Busog na siya mula sa cuisine ng kaibigan. Kailangan na lamang niyang matulog. Akma na niyang ipipikit ang mga mata nang mambulahaw na naman ang ina sa labas ng silid niya.

Kinalampag nito ang pinto. "Charmaine, ibili mo nga muna ng sanitary pads ang ate mo!", utos nito.

Mabigat man ang katawan ay pinilit niyang bumangon. Napagod siya sa cuisine ni Alessandra. Sa halip kasi na magtungo sa studio ay mas naisipan niyang magwaitress na lang roon.

Inabot niya ang itim na jacket na nakasabit sa likod ng pinto upang ipatong sa manipis niyang pajama. Itinali ang buhok bago lumabas ng silid. Inilahad niya ang palad sa ina. "Pambili po nay!"

Tinalikuran siya nito. "Wala na akong pera! Ibinayad ko na sa utang ang sweldo ng ate mo!"

Humakbang siya pabalik sa silid at kinuha ang pitaka. Palabas na siya ng pinto nang sitahin na naman siya ng ina. "Di ba sabi ko huwag mong itatali ang buhok mo? Bagong rebond pa naman iyan! Bukas, commercial naman ng shampoo ang pictorial ng ate mo. Paano kung maulit na naman iyong nangyari kanina? Kaya siguraduhin mong sasamahan mo siya bukas!"

Para sa iba, they can be themselves when they get home. At hindi iyon naangkop sa kanya. Kaya sana. Sana ay tuluyan na siyang makalaya.

Bago pa siya mapaiyak, mahigpit niyang hinawakan ang pagkakabuhol ng suot na jacket at tumawid sa kabilang kalsada kung saan naroon ang isang convenient store na bukas twenty-four-seven.

******************************

Kalalabas lang ni Eugene sa banyo nang marinig ang nagriring niyang cellphone. Mamayang hapon ang byahe nilang mag-ama pabalik ng Pilipinas. At kasalukuyang nasa biyenan ang anak na si Eunice.

Dinampot niya ang aparato at napakunot-noo nang rumehistro ang isang di nakikilalang numero. Pinindot niya ang answer button at itinapat sa tainga. "Hello?"

Isang boses ng babae ang kanyang narinig. "Is this Mr. Eugene Cordova?"

"Speaking."

"Hi! I'm Charlotte Adams. Someone refer you to me. If I'm not mistaken, you are a Private eye from the Philippines."

Tumikhim siya at sumeryoso. "Yes I am, madam! What can I do for you?"

Isa sa rason kung bakit siyang madalas na abala ay dahil sa hindi niya binibitiwang trabaho, ang pagiging private investigator. Dahil din sa trabahong ito, nagsimula ang kakaibang love story ng mga magulang niya.

"Can we meet in a restaurant? If you don't mind.", pakiusap ng nasa kabilang linya.

"Sure!", mabilis niyang pagpayag. Kaagad siyang nagbihis at saglit na nagpaalam kay Helaena.

Ilang sandali pa'y naroon na siya sa restaurant na binanggit ni Ms. Adams. At hindi alam ni Eugene kung paano magsisimula kung kahit litrato ng taong hinahanap ay walang maipakita ang kaharap. Simpleng pangalan lang ang ibinigay nito sa kanya.

"Look! I know this is very hard for you! But I trust your capabilities!", pakiusap ni Charlotte Adams. Hindi man lang tumaas ang ego niya sa sinabi nito. Para siyang naghahanap ng karayom sa damuhan. Tama ba ang salawikain na iyon? Uh! Never mind.

Nagpatuloy ang kausap. "Before he died, dad says I have a sister. And the woman I'm looking for is her mother."

Ang isa pang problema ay hindi rin nito alam kung saang parte ng Pilipinas matatagpuan ang nagngangalang Carmela Madrigal. For Pete's sake! Para namang maliit lang ang Pilipinas at nag-iisa lang ang Carmela Madrigal sa buong mundo!

"May I know why I should accept this?", napipilitang saad niya. Siguraduhin lang nitong may patutunguhan ang paghahanap na ito.

"She's in danger! My fake sister is after her."

Napataas ang kilay niya sa narinig. Mukhang napapadalas siya sa live action nowadays. Parang kailan lang ay na-involve din siya sa pagliligtas sa isang kaibigan. Si Demi o Amor na love interest ng kabrother na si Timothy.

"I'll see what I can do.", saad niya.

Paano ba niya uumpisahan ang isang napakaimposibleng trabaho?

"Thank you! All I can remember is that she has two daughters. And I'm looking for the younger one."

Tumayo na siya. "Alright! I'll keep in touch with you!", paalam niya. "I have a flight to attend to. It's your lucky day, I'm going home later this afternoon."

Tumango lang ang babae kaya humakbang na siya para umuwi sa bahay ng biyenan. Naabutan niyang bihis na ang anak kaya kinarga niya ito. Mahigpit itong niyakap at hinalikan ng abuela bago sila pinayagang umalis.

Lulan na sila ng eroplano at katatapos lang niyang isuot sa anak ang seat belt nito nang marinig ang pag-uusap ng kapwa pasahero sa bandang likuran niya.

"Sa tingin mo mahahanap ni Ms. Charlotte si Carmela Madrigal?"

"Hindi ko alam. Pareho kaming walang litrato ng babaeng iyon eh! Buntis iyon nang umuwi ng Pilipinas."

Gumuhit ang ngiti sa labi niya. May solusyon na sa problema niya. What a lucky day indeed!

---itutuloy---

Feel free to vote and share the link..

@mjfreesia

CHARM OF ECHO, ECHO OF CHARM( Bouquets And Garters Book Three) COMPLETEDWhere stories live. Discover now