Chapter 12

42 2 0
                                    


At dahil hindi makakarating si Charm, si Renee ang naging kapartner niya sa wedding entourage nina Jacque at Aries. Ang maid of honor ay ang pinsan ni Demi na si Althea at ang best man naman ay ang kapatid ng bride na si Dr. Jude Nicolas Cuerdo.

Habang ginaganap ang seremonya ng kasal ay iniisip na ni Eugene kung paano magpo-propose kay Charm. Ngunit naagaw ng pansin niya ang pananahimik ng katabing si Red. Nakakapanibago lang dahil madalas itong maingay pag magkakasama sila. Iniisip niya tuloy kung may kinalaman ba iyon sa magkasamang Shy at Blake.

Isa ito sa mga ka-brod niya na akala mo ay may bipolar personality. Dahil pagdating sa negosyo ay binansagan itong halimaw. Kahit siya ay hindi rin alam kung alin ang totoo.

"Bakit wala si Charm?", tanong nito na ikinagulat niya.

"Conflicts.", sagot niya nang makabawi. "Launch kasi ngayon ng designs ng kapatid niya."

Tumango lang ito at hindi na umimik. Nang matapos ang seremonya ay nagtayuan na silang lahat. Papunta na siya sa kinaroroonan ni Renee nang makitang papalapit ito sa kanya, karga-karga ang anak na si Eunice.

Kinuha niya ang anak mula rito. "Kanino ka sasabay papuntang reception?", sabay tanong niya rito.

Nagsalubong ang kilay nito. "Pwedeng sa'yo na lang? Ayaw ko kasi makakita ng pangil?", sambit nito. Tila may pinariringgan sa lakas ng boses.

Gusto niyang bumunghalit ng tawa ngunit pinigilan niya ang sarili. Nakita niyang lumingon si Red sa gawi nila. Salubong ang kilay. Ngunit maya-maya'y mabibilis ang hakbang na umalis ito patungong parking lot.

Napailing na lamang siya sa naisip at biniro ang kaharap. "Bakit? Oras-oras ba lumalabas?", natatawang bulong niya.

"Naku! Sinabi mo pa!", palatak nito na lalo niyang ikinatawa.

Iiling-iling na humakbang na siya at sumunod naman ito sa kanya. Sa pagkakaalam niya'y nagtatrabaho ang babae bilang personal assistant ni Red. Ewan ba naman kasi sa kaibigan niyang iyon. Tila laging galit sa mundo. Kung sabagay, kung siya ang nasa katayuan nito'y baka mabaliw na siya nang tuluyan. Ayon sa nangungunang tsismoso sa grupo nila, mahigit isang dekada na nitong sinusuyo si Shy na kabarkada naman nina Charm. Ibig sabihin, since high school pa. Kasabay naman nitong nanligaw kay Shy si Blake.

Napailing-iling siya. A decade of rivalry. Ngunit hindi naman niya nabalitaang nagbugbugan ang dalawa. He wonders how Shy handles them smoothly. At sa nakikita niya'y magkasundo pa ang dalawa.

"Sayang! Hindi nakarating si Charm!", dinig niyang sambit ni Renee nang makasakay sila ng kotse niya. Kalong na muli nito ang kanyang anak.

Iminaniobra na niya ang sasakyan upang bagtasin ang highway papunta sa dela Paz hotel kung saan gaganapin ang wedding reception.

"Right! Pero wala tayong magagawa. Isa pa nakakahiya naman sa kapatid niya.", kibit-balikat niyang sagot na ikinatango na lamang nito.

Habang daan sa di kalayuan ay natanaw nila sina Alessandra at Emerald. Inihimpil niya ang sasakyan nang makarating sa tapat ng mga ito.

"Problem?", kunot-noong usisa niya pagkababa ng bintana.

Nagliwanag ang mukha ng dalawa. "Eugene!", sabay na bulalas ng dalawa.

"Tumirik ang kotse ko!", maktol ni Emerald.

"Hop in!", kaagad niyang alok sa mga ito na mabilis namang tumalima.

"Hoy babae! Bakit ka narito?", palatak ni Alessandra pagkakita kay Renee. "Kaya pala nakasambakol ang mukha ni Russel, iniwan mo pala!"

Natawa siya nang makitang iniikot lang ni Renee ang mata sa kabila ng pagpalatak ng kaibigan.

Lulan na ng taxi si Charm patungong dela Paz hotel. Maagang natapos ang launching ng Mystique kaya naman nagpaalam na siya kay Charlotte na hahabol sa wedding reception ng mga kaibigan dahil wala na siyang balak pang makisaya sa after party. Agad naman siyang pinayagan nito.

Napabuntung-hininga siya nang makababa sa tapat ng hotel. Naglakad na siya papasok sa loob at lumapit sa reception desk. Nagtaka pa siya nang makitang nanlaki ang mga mata ng mga receptionist pagkakita sa kanya.

"Miss Charm!", tili ng receptionist na Nova ang pangalan batay sa name tag nito. "Napanood pa lang po namin kayo sa TV, narito na agad kayo?", manghang tanong nito.

Nakalimutan niyang live sa buong mundo ang coverage ng launching ng kapatid. "Oo nga po, Miss Charm!", sabat naman ng pangalawang receptionist na si Trisha. "Pa-autograph naman po!", pakiusap nito sabay about sa kanya ng isang fashion magazine na pag-aari ng kapatid.  "Mas maganda po pala kayo sa personal!", hagikgik pa nito habang pinipirmahan niya ang tig-isang magazine ng mga ito.

"Anong floor ba ang reception nina Dr. dela Paz?", tanong niya matapos isauli ang magazine ng mga ito.

"Sa second floor po Miss!", sagot ni Nova.

"Thank you!", paalam niya sa mga ito.

"Thank you din po!", balik naman ng mga ito sa kanya.

Nginitian niya ang mga ito at humakbang na. Hawak na niya ang pinto nang marinig ang pangalan niyang tinatawag ng kung sino. Nilingon niya ang nagmamay-ari ng boses at napailing na lamang habang hinihintay itong makalapit sa kanya.

"Kahit kailan ka talaga Mr. Monteverde! Laging late!", salubong niya rito nang nasa harapan na niya.

"Late ka rin naman!", banat nito.

She rolled her eyes. "As if naman palagi! Ngayon lang naman! Eh ikaw? High school pa lang tayo, late comer ka na!", pambabara niya.

"Oo na! Oo na!", nakasimangot na pag-amin nito. Binuksan na nito ang pinto at umakyat sila sa second floor. "Bakit ka nga ba late ngayon?", kunwa'y usisa nito.

"Launching ng Mystique!", sagot niya na ikinatango lang nito.

Nang makarating sa second floor ay inilibot niya ang paningin. Mabilis niyang nakita ang bagong kasal ngunit nagtaka siyang makita ang mga kadalagahan na nakaupo sa mga silyang nakahilera nang paikot. Napailing na lamang siya sa trip ni Shy. Ito kasi ang tumatayong emcee nila sa bawat event. Tila trip to jerusalem ang naiisip nitong gawin at ang bida ay ang kawawang bouquet ni Jacque.

"Saludo na talaga ako kay Shy!", dinig niyang komento ni Denver na nasa tabi pa pala niya. "Oh paano? I spotted the guys, how bout you?"

Itinuro niya ang pwesto ng bagong kasal. "I'll go greet them first.", sagot niya at sa magkabilang direksyon sila nagtungo.

Habang naglalakad ay nililinga niya ang paligid. Nagbabakasakaling makita ang mag-ama hanggang makita niya si Eunice na kalong-kalong ng abuela nito. Malapit ang mesa ng mga ito sa nagaganap na bouquets' trip to jerusalem. Lumingon din ang bata sa direksyon niya at napatalon ito sa tuwa nang makita siya. Gustuhin man niyang makalapit agad ay hindi niya magawa. Mukhang for the first time ay maiinis siyang suot-suot ang kanyang four inches stilleto.

Tila naman nasaktan ang abuela nito sa pagtalon kaya inabot nito ang apo sa katabing abuelo ng bata. Talon pa rin ito ng talon ngunit hindi makawala sa higpit ng hawak ni Sr. Insp. Genesis Cordova. Pumapalakpak pa ito habang palapit siya. She giggled. Feeling niya tuloy, totoong anak niya si Eunice. Nasa harap na siya ng bata and when she was about to reach her hand to get the baby, napasakamay niya ang bouquet. Sakto namang huminto ang maingay na tugtog. Bigla tuloy siyang na-conscious nang maramdamang sa kanya nakatuon ang mata ng lahat.

---itutuloy---

Feel free to vote and share the link..

@mjfreesia

CHARM OF ECHO, ECHO OF CHARM( Bouquets And Garters Book Three) COMPLETEDWhere stories live. Discover now