Chapter 5

52 1 0
                                    

Isinara ni Charm ang zipper ng trolley bag niya matapos isilid ang mga importanteng gamit at ilang damit. Hindi na siya makapaghihintay pa nang matagal na makaalis sa bahay na iyon. Matapos siyang ihatid ni Alessandra sa bahay nila ay sinalubong agad siya ng panenermon ng ina. Hindi man lang siya nito binigyan ng kahihiyan sa harap ng kaibigan. Tumigil lang ito matapos awatin ng kapatid.

Mabuti na lamang at nakakain na siya sa cuisine bago umuwi. Kaya pagpasok niya sa silid ay agad siyang nakatulog. Ngunit nang maalimpungatan siya'y nagising siya ng mga madaling araw. Lumabas siya ng silid at akmang tutungo sa kusina nang marinig ang kapatid na tila may kausap. At hindi siya maaaring magkamali ng dinig.

Gagawa ako ng paraan para mapasaiyo si Charm, Gerald. Kaya dapat ay tumupad ka sa usapan natin. Tiyak na hindi niya ako pagdududahan matapos ko siyang iligtas mula sa'yo noon di ba? Kaya ihanda mo na ang halagang hinihingi ko.

Hindi niya masikmurang kayang gawin iyon sa kanya ni Champagne. Ang ibenta kay Gerald San Miguel. Mula noon ay hindi siya agad napapatulog at sa halip ay kinakalkula niya sa isip ang desisyong gagawin. Sa laki ng ipon niya'y maaari na siyang umarkila ng isang maliit na apartment o di kaya ay magpakalayo-layo.

Kaya heto siya't mabilis na nag-empake. Naitext na rin niya si Shy kung may bakante pa sa tinitirhan nito at laking tuwa niya na may bakante pang silid sa inuupahan nito. Hindi pa nakikilala ng mga ito si Shy kaya imposibleng paghinalaan nila ito.

Binalingan niya ang orasan. Alas tres na ng madaling araw. Dahan-dahan siyang naglakad palabas ng silid hanggang sa labas ng bahay. Walang ingay rin niyang binuksan ang gate. Naglakad siya palayo sa bahay habang naghihintay ng masasakyan.

Maya-maya pa'y naroon na siya sa tapat ng cuisine. Mula roon ay lalakarin na lang niya patungo sa apartment ni Shy. Ngunit bago pa niya maihakbang ang mga paa ay may humintong motor sa harapan niya. Hindi man ito mag-alis ng helmet ay kilala na niya kung sino ito.

Ilang araw din naman kasi siyang hindi nagpapakita rito. Ni hindi niya magawang tumambay sa cuisine para maiwasang magkapanagpo sila ni Eugene. Para saan at ano pa ang kailangan nilang pag-usapan? Buong akala yata nito'y basta na lang niya kakalimutan ang atraso nito sa kanya. Kahit pa hindi nito alam kung anumang iyon. At wala siyang balak na aminin iyon sa lalaki.

"What do you think you're doing?", sita niya nang makitang inaayos nito ang pagkakatali ng trolley bag niya sa motor nito.

"Ano pa? Eh di sinusundo ka!", saad nito nang hindi tumitingin sa kanya.

"What? Paano mo-", di niya tuloy maisaboses ang tanong. Nang maalalang si Shy ang kausap niya.

Tila naman nabasa nito ang nasa isip niya. "Walang kinalaman dito si Shy, okay? It just happened na kasama niya ako nang magtext ka sa kanya at hiniram ko ang cellphone niya."

Umiling siya. "Hindi! Hindi ako sasama sa'yo!". histerikal niyang saad.

Bumuntung-hininga ito. "Sumakay ka na bago pa tayo abutin ng liwanag dito.", pamimilit nito.

Napaisip siya. Tiyak na mas ligtas siya sa poder nito kaya naman agad siyang umangkas sa likod nito. Di nagtagal ay naroon na sila sa tapat ng isang condominium. Walang imik na ipinarada nito ang motor sa parking lot. Pagkababa niya ay kinalagan nito ang trolley bag, kinuha ang susi sa ignition at ibinulsa iyon.

Napaigtad pa siya nang hawakan nito gamit ang libreng kamay at sa kabila naman ang kanyang trolley bag.

Sakay na sila ng elevator ay namamagitan pa rin sa kanila ang katahimikan hanggang bumukas iyon. Wala sa loob na inilibot niya ang paningin. Hindi na ito ang dating condo ng lalaki. Agad naman siyang nakampante. Hindi na siguro kasama sa unit si Gerald.

Nang tumapat sila sa isang pinto ay saglit na binitawan nito ang kamay niya upang buksan iyon. Hinila na siya ni Eugene papasok at agad isinara ang pinto at saglit siyang iniwan sa sala. Nahahapo siyang umupo dahil medyo nangangatog ang kanyang tuhod.

Hindi lubos akalain ni Eugene na ang taong hinahanap niya ay walang iba kundi si Charmaine Madrigal. Kung hindi pa sila nagkita at nagkausap ni Shy noong isang gabi ay tiyak na maghahanap na siya sa mga karatig probinsya.

Ngunit ang higit na nakakuha ng atensiyon niya ay ang paghahanap ni Charm ng matitirhan. Nakitawag kasi siya kay Shy dahil nagkataong drained na ang battery niya. At nabasa nga niya ng hindi sinasadya ang mensahe nito sa kaibigan.

Napahilamos siya ng mukha. Wala rin siyang masyadong napala sa lihim na pag-iimbestiga dito maliban sa naging part time model ito at nag-a-apply bilang flight attendant sa mga domestic airport.

Iniwan na niya ang trolley bag ng dalaga sa guest room at nagtungo sa kusina. Mabuti na lamang at may laman kahit papaano ang kabinet niya. Natatandaan niyang hindi mahilig magkape ang dalaga. Kaya ipinagtimpla niya ito ng gatas at nagtoast ng slice bread. Nang matapos ay pinuntahan niya ito sa sala.

Naabutan niya itong nakahilig sa backrest ng sofa at nakatitig sa kisame.

"Mag-almusal ka na muna bago matulog.", alok niya pagkaupo sa katapat na sofa.

Umayos naman ito ng upo at dinampot ang tasa ng gatas. "Salamat."

"May nangyari ba at naisipan mong maglayas?", naisipan niyang mag-usisa.

Nagkibit-balikat naman ito habang ngumunguya. "Napapagod na ako. Nakakasawa.", anito nang maubos ang tinapay at gatas. Tumayo na ito. "Saan ba ako matutulog?"

Itinuro niya ang kaliwang pinto. "Nariyan na ang gamit mo. Mag-uusap tayo paggising mo.", aniya at hindi na hinintay ang tugon nito. Nagtungo na rin siya sa sariling silid. Naghubad ng damit at ibinagsak ang katawan sa kama.

Nang magising ay agad siyang naligo at nagbihis ng sando at short. Pagbukas niya ng pinto ay narinig niya kaluskos mula sa kusina. Naabutan niyang naghahain na si Charm ng pagkain.

"Pinakialaman ko na ang kusina mo, if you don't mind.", anito pagkalagay ng mangkok ng chopsuey sa hapag.

Tumango lang siya at sabay na silang kumain. "May nabanggit ba sa'yo ang nanay mo tungkol sa tatay mo?", pukaw niya rito sa kalagitnaan ng pagkain.

"Wala. Galit nga siya roon eh. Ang alam ko lang american citizen siya.", walang anumang saad nito.

"Richard Adams.", aniya ng ikinakunot ng noo nito. "Iyon ang pangalan niya at hinahanap ka ng kapatid mo."

Tila hindi ito nakahuma sa sinasabi niya at ina-absorb pa yata ng isip. "A-ano bang sinasabi mo Eugene? Ipaliwanag mo please."

Tipid siyang ngumiti. "Hinahanap ni Charlotte Adams ang nanay mong si Carmela Madrigal. I met her bago ako bumalik dito sa Pilipinas. Mabuti na lang at nagkita kami ni Shy the other day kung hindi tiyak na  maghahanap ako sa mga provinces nito.", paliwanag niya.

"You mean dadalhin mo ako sa kanya?", paglilinaw nito na ikinatango niya. "Kung ganoon tayo na! Dalhin mo na ako sa kanya.", tila nae-excite na saad nito.

"Not yet. You're both in danger.", pigil niya dito. "Sa ngayon, stay here. Mas ligtas ka dito. Nasa Pilipinas na ang naghahanap sa'yo!"

Tinitigan niya ang mukha nito. Hindi niya man lang mabasa ang iniisip nito. At maya-maya'y nagkibit balikat. "Okay! As you say so. Iyan lang ba ang sasabihin mo?"

Tinitigan niya ito nang mataman. Matagal man ang panahong hindi sila nagkita ay hindi niya maitatanggi na lalo itong gumanda sa kanyang paningin.
At napuna niyang malihim pa rin ito magpahanggang ngayon.

Napuna niya ang pagtaas nito ng kilay. "Malamang ay may kapalit iyan. Kaya sabihin mo na. Mahirap na magkaroon ng utang na loob sa'yo!"

Nakagat niya ang labi. Hindi niya akalaing ganoon pa rin ang tingin nito sa kanya. Well, hindi naman niya ito masisisi.

"Let's have a deal!"

A/N: Anong deal ba iyan Eugene? 😏😲

---itutuloy---

Feel free to vote and share the link..

@mjfreesia







CHARM OF ECHO, ECHO OF CHARM( Bouquets And Garters Book Three) COMPLETEDWhere stories live. Discover now