Paglapag ng eroplano sa DOME ay agad na bumaba si Charm. Mabibilis ang hakbang niya patungo sa locker room. Kagagaling lang ng Las Vegas ang eroplano at sa hindi inaasahan ay nakita niya kasama ng ibang pasahero si Gerald.Hindi niya tuloy maiwasang mag-alala. Nangangamba siyang magkaroon ito ng pagkakataon upang saktan siyang muli. Kung bakit ba naman kasi kailangan pang magkrus ang landas nila.
Pagkarating niya sa tapat ng locker room ay agad niyang kinuha ang susi sa bag at binuksan ang pinto. Pagpasok niya sa loob ay napasandal siya sa likod niyon. Tila kakapusin siya ng hininga sa sobrang hingal. Ramdam na ramdam niya ang bilis ng tibok ng kanyang puso.
Nang kumalma ay tumuwid siya ng tayo at naglakad papasok sa silid. Ibinagsak niya ang sarili sa kama at tumitig sa kisame. Sa sobrang abala nila ni Eugene pareho ay madalang na sila nitong magkita. Nang maalala ang nobyo ay kinapa niya ang bag at dinukot ang aparato. Pinindot niya ang speed dial number one at naririnig na niya ang pagriring ng kabilang linya.
"I miss you babe!", bungad agad ni Eugene na ikinangiti niya. "Kailan ba tayo pwede magkita?", nai-imagine niya salubong ang kilay nito habang nagmamaktol.
"Libre na ako this coming weekend.", kagat-labing sagot niya.
"Alright. A perfect timing dahil kasal nina Timothy at Demi. Date ko kayo ni Eunice!", pangako nito.
"Well, that would be nice. Namimiss ko na rin ang batang iyon."
Tumawa ito. "You don't know too. She's always calling you. I think she misses you too."
Pasimple niyang sinipat ang oras sa suot niyang relo. "Babe, I'll just take a bath. May flight kami after an hour. Sa Italy naman ang route namin.", paalam niya rito.
"Alright! Take care and I love you!"
"You as well. And I love you too..", pinindot niya na ang end button at bumangon na sa kama. After thirty minutes ay nakahanda na siya. Muli siyang humarap sa whole body mirror at sinipat ang sarili. Nang makontento sa nakita ay humakbang na siya palabas ng locker room. Ngunit napatda siya nang makitang nag-aabang sa labas niyon si Gerald.
Tumuwid ito ng tayo at humakbang palapit sa kanya. "It's good to see you Charm!", nakabungisngis nitong bati.
Muli ay nakaramdam siya ng takot at kaba. "A-anong ginagawa mo dito? Paano mo nalamang narito ako?"
Ngunit sa halip na makakuha ng matinong sagot ay hinagilap nito ang kanyang braso. "Huwag ka nang magpakipot pa Charm. Alam ko naman na gusto mo ako noon pa!"
Nangilabot siya sa kayabangan nito. Pilit niyang binabawi ang braso mula sa mahigpit nitong hawak. "Damn you! Bitiwan mo ako."
"What's going on here?", tiim-bagang na sita ng isang boses.
Pareho silang napabaling sa pinanggalingan ng boses. Agad naman siyang binitawan ni Gerald samantalang kumalma siya nang makitang palapit sa kanila si Denver. Kasama nito ang ilang body guards nito.
Huminto ito nang makalapit sa kanila at nakaka-intimidate na tingin ang ipinukol nito kay Gerald. "If I were you I'm gonna back off so you won't sleep in a prison cell.", banta nito.
Ngunit ngumisi lang si Gerald. "Oh believe me, you can't do that. She's my girlfriend as you can see!", pagsisinungaling nito.
Denver just smirked. "Do you think I'm a fool to believe you?"
Napailing-iling lang si Gerald. "Mind your own business. She's mine after all. Huwag mo na kaming pag-aksayahan pa ng oras.", pagtataboy nito.
Denver tsked. "I'm sorry to disappoint you. She's my business, Mr. San Miguel. She's not just my employee here. She's one of my treasured friends and my buddy's girlfriend. Does the name Cordova ring a bell?"
Nanlaki naman ang mata ni Gerald at napaatras. Nakita niyang sinenyasan ni Denver ang mga body guards. Kinaladkad ng mga ito si Gerald palabas ng airways.
Nasundan na lamang nila ni Denver ito ng tingin. Nang mawala na ang mga ito ay hinarap niya si Denver. "Salamat sir!"
"Oh c'mon Charm! Drop the formality. We're friends okay?", saway nito sa kanya.
Natawa tuloy siya. "Baka nakakalimutan mo, nasa trabaho tayo. Saka baka mamaya machismis pa tayo."
Tumawa na lang rin ito sa katwiran niya. "Alright. Huwag mo nga palang kalimutan ang kasal nina Timothy at Demi."
"Ah! Oo! Kasasabi lang din ni Eugene. Oh paano? Excuse na ako. Back to work na eh.", paalam niya na ikinatango pang nito.
Matapos ang kasal ng mga kaibigan ay pauwi na sila sa mansiyon ng mga magulang. Pinauna kasi nilang pauwiin ang mga ito dahil masama ang pakiramdam ng ina. Isinama na rin ang anak niya pauwi ngunit nagimbal siya sa sumalubong sa kanila. Nawawala ang tiyahin at tangay-tangay nito ang kanyang anak.
Si Geneva ay kapatid ng kanyang ama. Sampung taon ang agwat ng edad nito sa kanya. Anak ito ng kanyang lolo sa pangalawang asawa. At ayon sa kanyang ina ay saglit nitong pinahawakan ang anak sa tiyahin upang magbanyo. Ngunit pagbalik nito'y wala na ang kanyang tiyahin at maging ang anak.
Naagaw ang atensiyon niya nang haplusin ni Charm ang likod niya. "Everything's gonna be fine!", saad nito. Ngunit gustuhin man niyang kalmahin ang sarili ay hindi niya magawa.
"I'm sorry son! Hindi ko mapapatawad ang sarili ko oras na may mangyaring masama sa apo ko. Hindi ko nadisiplina ang Tita Geneva mo!", nakokonsensyang saad nito.
Umiling siya. "It's not your fault Dad!"
Halos mabaliw na siya sa kaiisip sa kalagayan ng anak. At lalong nakapagpagulo sa isip niya ay kung bakit ang walang kamuwang-muwang niyang anak ang tinangay nito.
Nilingon niya si Charm na nakatulog na sa sofa. Dalawang araw na silang naghihintay ng tawag mula sa tiyahin ngunit hindi pa rin ito tumatawag. Bumigay na ang katawan ni Charm dahil sa kawalan ng tulog. Sinamahan siya nito at hindi umalis sa tabi niya. Ito na lang din ang nagbigay sa kanya ng lakas sa mga panahong ito. Nababakas sa mukha nito ang matinding puyat at pag-aalala.
"Napuntahan na ng mga tauhan ko ang pwedeng pagtaguan ng tiyahin mo pero negative.", saad ng kararating lang na si Max.
Akma siyang sasagot nang unahan siya ng ama. Bakit nga ba hindi niya naisip ang inabandonang bahay ng ina nito?
"Sasama ako?", saad niya kay Max bago pa ito tuluyang makalabas ng bahay nila.
"Pareho kayo ni Paredes, matigas ang ulo!", sikmat nito.
Nilingon niya ang natutulog na dalaga. Inangat niya ang magkabilang paa nito at inayos ng higa sa sofa. Bago umalis ay hinalikan niya ito sa noo. "I'll be back babe!", bulong niya.
Agad na siyang umangkas sa motorbike niya at sumunod kina Max. Kulang na lang ay paliparin niya iyon makarating lang agad sa kinaroroonan ng anak.
Huminto ang mga ito sa di kalayuan. Naroon na sila sa lugar na sinabi ng ama. Napuna niyang may nagkukumpulang mga lalaki sa tapat ng bintana. At base sa ikinikilos ng mga ito'y halatang tumitira ang mga ito ng illegal na droga.
Narinig niyang binibigyan na ni Max ng instructions ang mga tauhan kung paano papasukin ang lugar. Ngunit hindi na siya makapaghihintay pa.
---itutuloy---
Feel free to vote and share the link..
@mjfreesia
YOU ARE READING
CHARM OF ECHO, ECHO OF CHARM( Bouquets And Garters Book Three) COMPLETED
Romance"Sa simula pa lang ng laro, talo na ako! Pagod na akong magkunwari na hindi ikaw ang gusto ko! Dahil simula nang bumalik ka sa buhay ko, I fell in love with you all over and over again." Dahil sa isang kasinungalingan, naghiwalay sila ng landas. Ngu...