Chapter 6

54 2 0
                                    


Tumaas ang kilay ni Charm sa tinuran ni Eugene. Hindi niya tuloy maiwasang magduda. "Anong klaseng deal naman yan aber?"

Hindi agad ito sumagot bagkus ay dahan-dahan itong naglakad palapit sa kanya. Hindi tuloy siya agad nakahuma. She can even smell his scent sa sobrang lapit na ng mukha nito sa kanya. "What about wifely duties?", bulong nito na tila hinihigop ang kamalayan niya.

Akma niyang itutulak ang binata ngunit hinigit siya nito at walang sabi-sabing inabot ang labi niya. He kissed her thoroughly. Umagang-umaga ay nalalasing na siya sa halik nito. Hindi na siya nakakapag-isip pa nang matino kaya hindi na niya napigilang tumugon din nang kasing sidhi nito.

Maya-maya'y umamot sila ng hangin kaya pansamantala itong huminto. At ganoon na lang ang panghihilakbot niya sa napagtanto. Ramdam na ramdam niya ang pag-iinit ng pisngi. Hipokrita siya kung itatanggi niyang hindi nagustuhan ang kapangahasan nito. Subalit hindi ito tama.

Binato niya ng matalim na tingin si Eugene. "Bakit mo ginawa iyon? Kaya mo ba ako dinala rito ay para gawin akong kabit?", singhal niya rito.

Kinagat nito ang labi. Halatang nagpipigil ng tawa. "You're asking me kung ano ang kapalit ng pagtulong ko sa'yo, right?"

Tila naman natauhan siya sa gusto nitong mangyari. Naikuyom niya ang kamao. Ngunit kailangan niyang maging matalino. Hindi siya nakatitiyak kung may komunikasyon pa ito kay Gerald. Huli na para magsisi sa pagsama dito.

Ngali-ngaling kutusan ni Eugene ang sarili nang mapagtanto ang inakto. Ngunit ang mga labing iyon na tila nag-aanyaya sa kanya ang siyang dahilan ng saglit na pagkawala sa sarili.

"Are you that horny to use me aside from your wife?" untag ng dalaga sa kanya.

Hindi siya agad sumagot. Tinitimbang pa niya ang bawat salitang bibitawan dito. Ngunit ayaw rin naman niyang isipin nito na mababa ang tingin niya rito.

Tumikhim siya. "Sa ikapapanatag mo, my wife died nine months ago.", matapat niyang saad. "Though she left with me an angel."

Napasinghap ito. "I-I'm s-sorry!", di makatinging anito.

"You don't have to...", aniya. "So? Is it a deal?", ulit niya sa pinag-uusapan nila.

Hindi tuloy alam ni Charm kung matatawa o maiinis sa kaharap. Hindi ba nito alam na isang malaking panganib para sa kanyang puso ang sumugal dito?

Lumunok siya. "What can I get in return?", lakas-loob niyang tanong. Hindi sapat na kaligtasan at pagtulong lang sa kanya ang mapakinabangan niya.

He just smirked. "You want to be a flight stewardess, right?", balik-tanong nito na ikinatango niya. "Well, you know, I know someone who can help you to achieve your dream."

Tila isang malaking tukso ang inilahad nito sa harapan niya. Isang tukso na hindi niya maaaring tanggihan.

"It's a deal then.", walang pagdadalawang isip na saad niya. Kailangan lang niyang gumawa ng paraan para makaiwas dito. At sisikapin niyang huwag magpadala sa tukso nito. Batid naman niyang sinasadya nito iyon.

Lihim na bumuntung-hininga si Eugene at maya-maya'y tumango.  Tila nakokonsensya ngunit wala siyang balak na umatras pa. He just want to show to her how much he loves her. At hinding-hindi niya papalampasin ang pagkakataong iyon. Sana ay mapaibig niya ito.

Nabaling na ang atensiyon niya sa hapag kainan."Let's eat!"

Pasimpleng pinagmamasdan ni Charm si Eugene. Naroon ito sa living room at may kinakalikot sa laptop. Hindi niya alam kung anong pinagkakaabalahan nito ngunit ayaw niyang makialam. Hindi rin niya alam kung tama bang pumayag siya sa kalokohan nito. Kung tutuusin nga ay maghapon lang naman silang tumambay sa condo nito. Naalala niyang nabanggit nitong may anak na ito. Tiyak na naroon ang bata sa mga magulang ni Eugene.

Hindi nga lubos akalain na
mabilis nitong aasikasuhin ang mga dokumentong kailangan sa pag-a-apply sa DOME airways. Bakit nga ba hindi niya agad naisip mag-apply sa DOME airways, isang paliparan na pag-aari ng kaklase nila noong high school na si Denver Monteverde. At dahil doon, kailangan na rin niya ring tumupad sa bargain. Hindi niya tuloy maiwasang mag-alala. Ngunit sa totoo lang ay wala siyang planong patagalin pa ang larong ito. Di pa man nag-uumpisa ay parang gusto na niyang umurong.

"Ang lalim naman noon!", pukaw nito sa kanya. Naroon kasi siya sa terrace nakatambay. Tila kasi nasu-suffocate siya sa presensya nito kaya naisipan niyang magpahangin. Iniisip rin niya kung mapagkakatiwalaan pa ba niya ito. Hindi rin naman maalis-alis sa isip niya kung may komunikasyon pa ito kay Gerald. Ayaw rin naman niyang magtanong dahil tiyak na mag-uusisa rin ito. Hindi tuloy siya mapakali. Marahas na lamang siyang bumuntung-hininga.

Umupo ito sa tapat niya at iniharap sa kanya ang dalang laptop. "Congratulations!", bati nito.

Napatakip siya ng bibig nang makitang approved na ang ipinasa niyang resume sa DOME at ini-inform siya na magtungo sa opisina para sa interview.
Hindi siya makapaniwala dahil ilang oras lang ang hinintay niya kumpara sa ibang domestic airline na in-apply-an niya.

Later on, Eugene minimize the window and open the Skype tab. A girl in blond appear on the screen. "Hey Eugene! You have good news?"

"Yup! She's with me now.", sagot nito na nasa likuran na niya.

Inayos ni Eugene ang camera at itinutok sa kanya. Nakita niyang naluluhang suminghap ang babae. "It's really you!", anito. Hindi rin niya napigilang umiyak habang tumatango. Tila kasi nananalamin siya habang kaharap ito. Magkamukhang- magkamukha sila maliban sa kulay ng buhok. "Hey Eugene! Bring her to me immediately."

"Don't worry! As soon as possible!", mabilis na tugon ni Eugene na nasa likuran na niya.

"One more thing, please take good care of her for me. They're already there.", tila nagpapanic na saad nito.

"I know, I know! Don't worry. She's safe with me.", pag-papakalma ni Eugene dito.

"I trust you.", anito. "Can I talk to her?"

"Sure! Sure!", ani Eugene at iniwan na siya.

Nakipagkwentuhan ito sa kanya na tila wala nang bukas. Napag-alaman niyang nagkakilala ang mga magulang niya noong mga panahong naglayas ang kanilang ama. Nag-away daw ito at ang kanyang abuelo dahil hindi matanggap ng matanda na pinakasalan ng kanilang ama ang ina ni Charlotte. Mahigit isang buwan bago natunton ng abuelo ang kanyang ama. Natitiyak niyang iyon ang panahon na sinasabi ng kanyang ina na bigla na lang itong naglaho na parang bula.

"So you're telling me that you're gonna stay in Eugene's condo for the mean time?", ulit nito sa sinabi niya nang tanungin nito kung saan siya nakatira.

"Yeah. Maybe it's better this way because as you said, those enemy of yours might see me.", di makatinging saad niya.

"Why do I have this feeling that there's more to that?", nahihimigan niya ang pagdududa dito. Hindi niya tuloy alam kung paano pabubulaanan ang iniisip nito. "Anyways.. I'll definitely know that when you're here. Always take care Charm!", paalam nito.

She sighed a relief. Akala niya'y hindi na siya makakaligtas sa mga tanong nito. Hindi pa naman siya handa sakaling mag-usisa ito. Sa ngayon ay itutuon muna niya ang focus sa gaganaping interview samakalawa.

Tumayo na siya at humakbang patungo sa kusina. Oras na para simulan niya na ring tumupad sa usapan nila ni Eugene. At naroon na ito sa kusina, naghahanda na para sa kanilang hapunan.

Tila naramdaman naman nito ang presensya niya. Nakangiti nang bumaling sa kanya. "I'm ready."

Napalunok siya sapagkat alam niya kung para saan ito handa.

---itutuloy---

Feel free to vote and share the link..

@mjfreesia

CHARM OF ECHO, ECHO OF CHARM( Bouquets And Garters Book Three) COMPLETEDWhere stories live. Discover now