Chapter 4

61 2 0
                                    

Hindi alam ni Charm kung saan siya dadalhin ng mga paa. Paglabas niya ng bangko kanina ay hindi na siya bumalik sa cuisine. Sa halip ay naglakad-lakad na muna siya upang iwasan ang taong iyon na kausap ng kaibigan. Hindi niya talaga inaasahan na muling magku-krus ang landas nila ni Eugene.

Ang huling balita niya rito ay nag-asawa na ito. Ang buong akala pa naman niya ay siya ang dahilan ng pakikipaghiwalay nito sa kapatid niya. Umasa lang pala siya sa wala. Paanong hindi? He made her feel special. At kung iisa-isahin niya ang mga moments nila together, kulang pa ang isang araw para idetalye ang mga iyon. At ngayong nagkita silang muli, muling napukaw ang damdaming minsang ay ibinaon niya sa limot.

Kaya pala wala man lang siyang narinig na ano pa man mula sa kapatid. Buong akala niya'y sasaktan siya nito at pahihirapan ngunit nagkamali siya ng inaakala. Madalas din kasi siyang pagselosan nito sa tuwing magkasama sila ng binata kahit na alam naman nitong magkapartner lang sila sa isang presentation.

Kinapa ni Charm ang bulsa at napunang hindi pala niya naibulsa ang kanyang cellphone. Hindi man lamang niya matingnan kung anong oras na. Malapit nang dumilim at tiyak na hinahanap na siya ni Alessandra. Nagugutom na rin siya. Kung bakit ba naman kasi pinairal niya ang pagkataranta kanina.

Mabuti na lamang at walang alam ang sinuman sa mga kaibigan niya na may ugnayan sila ni Eugene. Dahil kung nagkataon, wala siyang kawala sa karakas ni Alessandra na mag-usisa.

Tila nanigas si Charm sa kinatatayuan nang maramdamang may nakatutok na patalim sa tagiliran niya. Kasabay ng pagpulupot ng isang braso sa leeg niya ay ang pagtakip ng sinuman sa bibig niya.

"Huwag na huwag kang magtatangkang sumigaw.", bulong ng isang boses sa tapat ng tainga niya. "Maglakad ka ng normal na walang makakahalata sa atin.", utos nito at iginiya siya kung saang daan ang tatahakin.

Muling nanumbalik sa kanya ang takot nang minsang pagtangkaan siya ni Gerald. Hindi lang isang beses siyang pinagtangkaan ng huli. Nasundan pa iyon nang ilang beses. At iyong huli nga ay kasama niya ang kapatid kung saan agad siyang sinaklolohan.

Tila nanigas ang kalamnan niya at hindi na maigalaw ang katawan. Hindi na rin siya makapag-isip ng tama. Ni hindi na rin niya alam kung saang parte na sila naroon.

Maya-maya pa'y narinig niya ang pag-igik nito at ang dahan-dahan nitong pagbagsak sa harapan niya. Nanginginig na siya sa takot at ilang sandali pa'y may humawak sa balikat niya na agad niyang ikinapiksi. Pinilit niyang manlaban upang makakawala sa  sinumang nagtatangka na naman sa kanya.

Ngunit hindi siya binitawan ng mga brasong iyon at sa halip ay mahigpit siyang niyakap. "Damnit! Charm! It's just me!"

Dagli siyang kumalma nang marinig ang pamilyar na boses na iyon. Tuluyan na siyang napahagulgol. "It's okay! I'm here!", bulong nito. Ramdam niyang hinahagod nito ang buhok niya at hindi pa rin siya binibitiwan. Nang mahimasmasan ay tila hindi naman siya mapakali nang kumalas sa mahigpit nitong yakap. Saka pa lamang niya napuna ang mga nakapalibot na pulis at isinasakay sa police mobile ang lalaking nagtangka sa kanya.

Binalingan niya si Eugene. "S-salamat! B-babalik na ako sa cuisine ni Alessandra.", mahinang saad niya bago ito talikuran.

Ngunit bago pa siya tuluyang makalayo ay pinigilan siya nito sa braso. "Ihahatid na kita.", alok nito.

At dahil tila wala na siyang lakas pa na kumontra rito, tumango na lamang siya bilang pagpayag. Masuyo siyang hinila patungo sa motor nito sa di kalayuan. Nang makaangkas ay hindi na niya pinigilang pansamantalang ipikit ang mga mata habang nakahilig sa likod nito.

Ilang sandali pa'y huminto na ang motor kaya agad niyang iminulat ang mga mata. Napuna niyang hindi siya sa cuisine dinala ng lalaki. At sa halip ay sa isang condo.

Marahas niya itong binalingan. "Akala ko ba sa cuisine mo ako dadalhin? Bakit dito mo ako dinala?", sunod-sunod niyang tanong.

Nagkibit balikat ito. "I thought it is okay with you! Hindi ka kasi umangal while on our way."

Ipinikit ni Charm ang mga mata at pilit na kinakalma ang sarili. Kung bakit ba kasi hindi niya tinitingnan ang dinaanan nila. Wala tuloy siyang maikatwiran. "Baka pwedeng doon mo na ako ihatid sa cuisine. Pagod na pagod na ako at nagugutom.", reklamo niya.

Kung tutuusin ay babalik lang naman sila sa dinaanan nila. Nilampasan kasi nito ang cuisine ng kaibigan. Medyo malayo-layo nga lamang.

"Pareho lang tayo. And don't you think, we need catching ups to do?"

Hindi alam ni Eugene kung uubra ang convincing powers niya sa dalaga. Ngunit wala siyang ibang choice para makausap ito. Hindi maalis-alis sa isip niya ang tila pagdilim ng anyo nito nang makita siya kanina sa cuisine. Kahit nang makaalis siya ng cuisine ay ito pa rin ang iniisip niya. Hindi lang niya lubos akalain na hindi pa ito nakakabalik sa cuisine mula nang iwanan sila kaninang tanghali. Hindi niya tuloy maiwasang mag-alala. Hindi niya matandaan kung ano ang nagawa niyang atraso dito para bigyan siya nito ng cold treatment. Inakala pa niyang itatanggi nito na magkakilala sila nito.

"Wala na tayong dapat na pag-usapan. Wala naman tayong pinagsamahan di ba? We don't need catching up like what you are saying."

Tila may kung anong mabigat ang dumagan sa dibdib ni Eugene. "Pwede naman siguro nating pag-usapan sa loob ang anumang misunderstandings natin di ba?", tila nakikiusap niyang turan. Mayroon talagang hindi tama. Pagbigyan lamang siya nito ay gagawin niya ang lahat para patawarin siya nito. Anuman ang naging kasalanan niya.

"I'm sorry Eugene. Pero wala akong sasabihin sa'yo."

Wala siyang magawa kundi ang sumuko. Pansamantala. Hindi rin biro ang nangyari rito kaya pagbibigyan niya muna ito ngayon. Kaya naman muli siyang sumakay sa motor at hinintay na umangkas itong muli. At nang tumalima ito'y muli niyang pinaarangkada ang motor patungo sa cuisine ni Alessandra.

At naroon ang kaibigan nito, nag-aabang na sa may pinto. Nanlaki pa ang mga mata nito pagkakita sa kanila. "Charm! What happened? Saan ka ba nagpupupunta? Pinag-alala mo ako!"

Hindi agad ito nagsalita at sa halip ay niyakap ang kaibigan. Nagtatakang tingin naman ang ibinato sa kanya ni Alex na tipid niyang ikinangiti. Maya-maya'y kumalas dito si Charm at hinarap siya. "Thank you!", mahinang saad nito.

Maagap niyang hinawakan ang braso nito. "Kailan ba kita pwedeng makausap? I have this feeling that we need to talk. Regarding of the cold treatment you gave to me awhile ago."

At kung hindi ito magtatapat sa kanya'y siya mismo ang gagawa ng paraan para malaman ang dapat niyang malaman.

Tila naman nabuhayan siya ng pag-asa nang pumayag ito. "Alright. Kumain ka na and take a rest.", bilin niya na tinanguan lang nito.

Tinalikuran na siya nito at pumasok na sa loob kasama ni Alessandra. Siya naman ay sa halip na sa condo ay dumiretso sa bahay ng mga magulang. Gusto niyang makita ang anak na si Eunice. Tiyak na natutulog na ito sa mga oras na ito. At sana lang ay hindi siya pagtaguan ni Charm.

---itutuloy---

Feel free to vote and share the link..

@mjfreesia

CHARM OF ECHO, ECHO OF CHARM( Bouquets And Garters Book Three) COMPLETEDWhere stories live. Discover now