Chapter 11

51 2 0
                                    


Inilibot niya ang paningin saka pumihit. May nakita siyang daan patungo sa likod-bahay. Tinalunton niya iyon at nakarating siya sa tapat ng nakasarang pinto. Ngunit nahagip ng paningin niya ang isang hagdanan. Walang anumang inakyat niya iyon at  napatapat siya sa bintana ng ikalawang palapag. Akma siyang papasok sa loob nang makilala ang boses ng lalaking kausap ng tiyahin.

"Ano bang plano mo sa batang iyan?", singhal ni Geneva.

"Gusto ko lang maranasan ng pamangkin mo ang pakiramdam ng inaagawan!", asik ng walang iba kundi si Gerald. "At ngayong nasagot ko na ang tanong mo, pagbigyan mo na ako. Kahit isang round lang."

Narinig niya ang paghalinghing ng tiyahin. "Haist! Mamaya na pag tulog na ang mga kolokoy para walang audience."

Saglit na nagkaroon ng katahimikan ngunit naikuyom niya ang kamao nang marinig ang sinabi ni Gerald. "Ano kaya kung.... masubukan ang batang ito?"

Nahintakutan siya kaya buong lakas siyang tumalon papasok sa bintana na ikinalingon ng dalawa. Nakita niyang palapit pa lang si Gerald sa nahihimbing na anak kaya bago pa nito malapitan ang bata ay walang sabi-sabing sinipa ito. Dinamba niya ito at nagpakawala siya ng maraming suntok sa mukha at katawan nito. "Asshole!", sambit niya.

Ngunit tinawanan lang siya nito at gumanti ng suntok. Nagpambuno sila habang hindi mapakali ang tiyahin sa isang tabi. Binigyan niya ito ng malakas na sipa at tumalsik ito sa sahig. Mabuway itong tumayo at dinuro siya. "Sa totoo lang si Charm dapat ang kapalit nitong anak mo pero talaga nga namang matinik ka ano?"

Lalong nag-igting ang panga niya sa sobrang galit lalo na sa sunod nitong sinabi. "Mapapasaakin na sana siya noong iwan mo siya ngunit natakasan niya ako. Ipinagbili na siya sa akin ng kapatid niya pero wala pa rin akong napala. Nagtapon lang ako ng isang milyon sa wala!", sigaw nito.

"You deserve it, bastard!", sikmat niya at muli itong sinugod ng maraming suntok. Nang mawalan ito ng malay ay binalingan niya ang tiyahin na  tumatakbo pababa. Hindi na niya ito sinundan pa at sa halip ay tumayo siya at kinarga ang anak.  Itinakbo na rin niya ang anak pababa ng hagdan ngunit naramdaman niyang may kung anong bumaon sa likod niya.

Umiiyak si Charm habang tumatakbo sa pasilyo ng ospital patungo sa kwartong kinaroroonan ng nobyo. Nang magising siya ngayong hapon ay wala na ito. Kinabahan siya nang malaman mula sa ama nito ang pagsama nito sa rescue operation na isinagawa nina Max.

Nang makarating sa tapat ng pinto ay mabilis niya iyong binuksan. Bumungad sa kanya ang tatawa-tawang binata habang kausap sina Max at Blake. Lumingon ito sa kanya at ibinuka ang mga braso. Tinawid niya ang pagitan nila at umiiyak na pumaloob sa mga braso nito. Narinig na lamang niya ang pagsara ng pinto tanda ng paglabas ng mga kaibigan.

Nang mahimasmasan siya ay kumawala siya sa yakap nito at pinaghahampas ito sa braso. "Ouch! Ouch! Babe? What's wrong?", hiyaw nito.

"Nakakainis ka! Tinakot mo ako!", singhal niya rito.

Hinawakan nito ang kamay niya at marahan siyang hinila palapit dito at muling niyakap. "I'm sorry! I didn't mean to worry you. Saka mabuti na lang din na naroon ako. Muntik nang molestiyahin ni Gerald ang anak ko."

Nanlaki ang mata niya nang marinig ang pangalang iyon. "You mean Tita Geneva and Gerald...", hindi niya matukoy ang tamang salitang dapat sabihin. "At si Eunice? Oh my! My poor little Eunice! Where is she by the way?"

"Pinapacheck-up ni Mommy.", anito at mataman siyang tinitigan. "Why didn't you tell me?"

Napakunot-noo siya. "About what?"

"Inamin sa akin ni Gerald ang pagtatangka niya sa'yo noon. Kahit ang pakikipagsabwatan niya kay Champagne."

Umiwas siya ng tingin bago sumagot. "Sa totoo lang nagalit ako sa'yo dahil doon. You didn't ask me. Basta ka na lang naniwala sa kanya. Ayaw ko na sanang alalahanin pa iyon dahil okay na tayo di ba? But now that you remind me, bumabalik lang ang galit at sakit sa akin.", sumbat niya.

Napasinghap siya nang kabigin siya ni Eugene at sinalubong ang kanyang labi. She returned his kisses fervently. "I'm sorry. Please don't get mad. I'm not mad at you. Mas galit ako sa sarili ko dahil naniwala ako sa kanya. Hindi ko matanggap na dahil doon ay muntik ka pang mapahamak.", pag-amin nito.

Tipid niya itong nginitian. "Sapat na sa aking malamang na mahal mo ako. Napatawad ko na rin si Ate Paige."

Napahigpit ang yakap nito sa kanya. "I love you Charm. Always remember that."

"I love you too!", tugon niya nang may maalala. " Kailangan mong magpagaling. Ikakasal na sina Jacque at Aries next week. They just called me this afternoon kaya ako nagising."

"I'm fine babe! Daplis lang ito."

"By the way, what will happen to Tita Geneva?", usisa niya.

"Ipapasok siya ni Daddy sa rehabilitation center.", kibit-balikat nitong sagot.

"At si Gerald?", taas-kilay niyang tanong.

"Don't worry. He's already dead!", sagot nito na ikinanganga niya. "Tinuluyan na ni Max nang makitang balak pa yatang paulanan kami ng bala na mag-ama."

Ayaw man niyang mag-isip nang masama but she was relieved. Narinig nila ang pagbukas ng pinto at nalingunan nila ang anak na tumatakbo palapit sa kanila.

" Mama! Mama!", sambit nito kaya sinalubong niya ito ng yakap at tuluyang kinarga.

Narinig niya ang pagtawa ni Eugene. "Ikaw na ang unang nilapitan!", kunwa'y maktol nito.

Hinalikan niya sa pisngi ang bata. "Baby, nagseselos si Daddy. Kiss him too.", utos niya rito.

Mabilis namang tumalima ang bata na ikinahagikgik ng abuela. "Kumusta naman po siya Mom?", dinig niyang tanong ni Eugene sa ina.

"Oh! She's perfectly fine. Medyo humina lang ng kaunti ang immunity but healthy food and proper sleep lang, she'll get better."

"May natandaan po ba siya sa nangyari? It might cause her trauma.", naisipan niyang itanong.

"Iyan ang ipagpasalamat natin sa Diyos dahil wala naman siyang naalala sa nangyari."

And again she was relieved. Kawawa naman ang bata kung magkakatrauma ito. Muli niyang hinalikan ito sa sentido at niyakap.

Naagaw ang atensiyon nila nang tumunog ang cellphone niya. Inabot niya si Eunice sa abuela nito para sagutin ang tawag nang mabasa ang pangalan ng kapatid na si Charlotte.

"Hey sis!", bungad niya rito.

"Hi Charm! I just called to inform you that the launching of my new designs will be next week. I need you and Paige. Both of you will be the highlight of the show. Big companies, celebrities and even politicians will be there.", excited na salaysay nito.

"Okay we'll be there a day before the event.", tugon niya bago pinutol ang tawag.

Nasapo niya ang noo nang maalalang kasal ng mga kaibigan sa araw ding iyon.

"May problema ba?", pukaw ni Eugene sa kanya.

"I can't come on Aries and Jacque's wedding day!", maktol niya at inilahad dito ang dahilan.

Napaisip naman ito. "Huwag na lang din kaya ako pumunta!"

"No way! I'm sure magtatampo sila sa atin. Isa pa I need you to get there. Ikaw kaya ang representative ko. Ikaw na ang mag-explain kung bakit hindi ako nakarating."

Bumuntung-hininga ito. "Fine! Kami na lang ni Eunice ang magkadate! Di ba baby?", pagbaling nito sa anak.

Natawa naman siya nang tumango ang bata na tila naiintindihan ang sinasabi ng ama.

Nagpaalam muna siya sa mga ito upang tawagan ang panganay na kapatid. Nang sagutin nito ang tawag niya'y isinalaysay niya rito ang natanggap na balita. Masayang-masaya naman ito dahil nagkaroon na ito ng malaking break sa mundo ng modelling. Unlike her. Kung hindi lang siya pinilit ng dalawa nunca na pumayag siya. Mas madalas pa siya sa eroplano kaysa sa ramp stage.

---itutuloy---

Feel free to vote and share the link..

@mjfreesia

CHARM OF ECHO, ECHO OF CHARM( Bouquets And Garters Book Three) COMPLETEDWhere stories live. Discover now