Chapter 7

53 2 0
                                    


Matamang tinititigan ni Eugene ang nahihimbing na dalaga sa tabi niya. He was overwhelmed sa natuklasan. Siya ang unang lalaki sa buhay nito at hindi si Gerald. Which only means one thing. He deceived him. At ipinagtataka niya kung bakit nito iyon ginawa sa kanya. Hindi niya alam kung ano ang naging atraso niya rito para magsinungaling ito sa kanya at palabasing nobya na ang dalaga.

Eugene realized that he never loved Paige the way he loves Charm up until now. Binuyo-buyo lang naman siya ni Gerald kay Paige nang mga panahong iyon. Attracted naman talaga siya kay Paige. But he was more hooked with Charm. Both women are beautiful, has a body to die for and same height. Ngunit higit na mas maputi si Paige kumpara sa huli na katamtaman lang ang complexion. Paige is sociable while Charm has her own world, the mysterious type. Laging tahimik at tila maraming sekreto.

Kahit ngayon na magkasama sila. Nararamdaman niyang mayroon itong hindi sinasabi sa kanya at kung pagbabasehan ang inasal nito sa kanya, masasabi niyang malaki ang hinanakit nito sa kanya. At gagawin niya ang lahat upang malaman ang dahilan.

Hinaplos niya ang mukha nito na nagpagising dito. At tila kakapusin siya ng hininga nang ngumiti ito sa kanya. "Bakit hindi ka pa natutulog?", namamaos nitong usisa at lalong idinikit ang sarili sa kanya.

Hinalikan niya ito sa noo. "Nothing. Go back to sleep. May pupuntahan tayo paggising natin."

"Okay!", usal nito bago idinantay ang hita sa kanya.

Hindi niya tuloy alam kung paano muling makakatulog kung may gising na gising na bahagi ng kanyang katawan.

Medyo naiilang si Charm nang makilala at makaharap nang personal ang mga magulang ni Eugene. Napasimangot siya nang hindi man lang siya inabisuhan kaagad nito kung saan pupunta. Ganoon pa man ay masaya siya nang magiliw siyang tanggapin ng mga ito sa kanilang tahanan.

"Charm, darling. How are you related to Paige Madrigal and Charlotte Adams?", usisa ng ginang. Naroon sila sa garden habang nasa kalagitnaan ng meeting sa library ang mag-amang Genesis at Eugene.

"They are both my sisters ma'am!", nahihiya niyang saad. Iniisip kung paano tatanggapin ang mga inaasahang salita mula rito.

Ngunit wala man lang bakas ng panghuhusga sa mga mata nito. "I see! Madrigal kasi ang family name mo ngunit kahawig na kahawig mo si Charlotte!", puna nito at napangisi. "I'm Charlotte's fan. Gustong-gusto ko ang mga designs niya."

She felt so proud of her sister. Isa ang kapatid sa mga fashion designer na namamayagpag sa America maging sa Europa maging ang Mystique na pagmamay-ari nito.

"Don't worry Tita. I'll ask her to come with me the next time I visit here.", pangako niya rito.

"Oh thank you dear! Mabuti na lang talaga at ipinakilala ka sa amin ni Eugene.", natutuwang saad nito. "Gaano na nga ba kayo katagal?"

Nag-init ang pisngi niya sa tanong na iyon ng ginang. Hindi niya tuloy alam kung paano ipapaliwanag dito ang totoo nilang relasyon.

Akma niyang ibubuka ang bibig nang marinig ang boses ng anak ni Eugene. "Mama!", sambit nito habang kalong-kalong ng abuela. Maya-maya pa'y iniumang nito ang braso sa harapan niya na tila nagpapakarga. "Mama!", minsang pa'y ulit nito.

Tumawa ang ginang at inabot sa kanya ang bata na agad niyang kinarga. "Mukhang gusto ka niyang maging mommy.", sabay hagikgik ng ginang. "Bata pa ay marunong nang pumili."

Hindi na alam ni Charm kung paano pa tatakpan ang mukha na namumula na gayong hawak niya si Eunice.

"She's so cute. Siguro ay maganda rin ang biological mother niya.", pag-iiba niya habang nilalaro ang bata.

"Yeah. Daphne is indeed beautiful. But her life has been miserable because of her illness.", malungkot na saad ng ginang. "Sa totoo lang, kailangan ni Eunice ng isang ina. Hindi habang panahon ay maaalagaan namin siya."

Tipid na lang siyang ngumiti dahil nahihiya siyang kontrahin ito. Malay ba niya kung gugustuhin ni Eugene na siya ang maging bagong ina ng anak nito. Ngunit napaisip siya. Being a mother of this little angel is not bad. After all, she's the daughter of the man she loves all along. At sa tingin niya'y mahal na rin niya ang munting anghel na karga-karga.

Hindi mapuknat ang ngiti ni Eugene nang ikwento ng ina ang nangyari kanina sa garden habang nasa meeting siya kasama ang ama. Kaya halos umusok ang ilong ni Charm sa sobrang inis sa kanya. Nagbabanta na tuloy itong batuhin siya ng hawak nitong sandok.

Nakauwi na sila sa condo ng mga oras na iyon at abala ang dalaga sa pagluluto habang pinapanood niya ito.

"Hindi ko na pala kailangang maghanap ng iba. Nakapili na ang anak ko ng bago niyang mommy. Manang-mana talaga sa ama. Ang ganda ng taste." palatak pa niya.

Iningusan lang siya nito. "Huwag mo nga akong bolahin. Hindi ako bola."

Humagalpak siya ng tawa. "What's wrong with that? We know each other very well. Hindi mo pwedeng sabihin na incompatible tayo dahil alam mong hindi iyon totoo."

Nang maluto ang sinigang na bangus, pinatay na nito ang stove at naghain. Maya-maya'y magkaharap na silang kumakain.
"You never told me about Daphne.", tila nanunumbat nitong saad.

Napailing lang siya. "I never tried kasi hindi naman namin natutuhang mahalin ang isa't isa.", kibit-balikat niyang turan. "I presume hindi na siya ganoon kaimportante. Besides, pinagluksa na siya ni Aries twice."

Napanganga ito. "You mean, she is Aries' first love?", paniniyak nito na ikinatango niya. "What about you?"

Nagsalubong ang kilay niya. "Anong what about me?"

Ipinaikot nito ang mga mata. "Nasaan na ang first love mo?"

Lumawak ang ngiti niya. "Nasa harapan ko.", buong kumpiyansa niyang saad.

Napaubo ito kaya mabilis niya itong dinaluhan. " Huwag ka ngang magbiro!", asik nito matapos uminom ng tubig.

He leaned his back on the chair. "Hindi ako nagbibiro, Charm!", giit niya at mataman itong tinitigan sa mukha. "In the first place, sa simula pa lang ng laro, talo na ako. Pagod na akong magkunwari na hindi ikaw ang gusto ko. Dahil simula nang bumalik ka sa buhay ko, I fell in love with you all over and over again."

Hindi makapaniwala si Charm sa ipinagtapat ni Eugene. Tila gustong tumalon palabas ng puso niya sa sobrang saya. Mahal siya nito. Ngunit hindi niya pa rin mapakawalan ang hinanakit rito.

"Then why?", mahinang usisa niya. "Why did you left me? You didn't even say goodbye.", hindi niya napigilan ang pag-alpas ng luha niya.

"I felt betrayed Charm.", pag-amin nito. "Hindi ko matanggap na kayo na ni Gerald."

Naikuyom niya ang mga kamay na nasa ibabaw ng mesa. "Hindi naging kami. Hindi ko siya minahal.", sambit niya. "When you left, he tried to..."

Tumayo na si Eugene at lumuhod sa harap ng dalaga. "Hush!", pag-aalo niya rito. Ngali-ngali niyang suntukin ang sarili dahil sa kapabayaan. Hinding-hindi niya mapapatawad ang sarili sakaling nagtagumpay si Gerald.

Dahan-dahan niyang pinahid ang luha sa magkabilang pisngi ng dalaga. "I'm sorry kung muntik ka nang mapahamak dahil iniwan kita kasama si Gerald.", paumanhin niya.

"I really hate you kasi naniwala ka agad sa kanya. Hindi mo man lang ako tinanong tungkol sa picture.", batid niya ang sama ng loob nito.

"I'm really really sorry. And of course, I love you. That's the only truth."

Lalong napasinghot sa Charm at agad na yumakap sa kanya. "I love you too, Eugene!"

A/N: yehey! Bati na sila! 😘😘

---itutuloy---

Feel free to vote and share the link..

@mjfreesia

CHARM OF ECHO, ECHO OF CHARM( Bouquets And Garters Book Three) COMPLETEDWhere stories live. Discover now