Chapter 14

38 2 0
                                    


Nakapangalumbaba si Charm habang walang ganang hinahalo-halo ang coffee frappe sa ibabaw ng mesa. Naroon siya sa Apl's Cuisine upang bisitahin ang mga kaibigan. Subalit ni isa sa mga ito ay wala siyang inabutan. Kahit ang mismong may-ari ng cuisine ay hindi rin mahagilap. Kauuwi lang niya kahapon at nilakad naman kanina ang mga dokumentong kailangan sa pagpapatayo ng sister company ng Mystique dito sa Pilipinas, ang Siren.

Lalo namang naging abala ang nobyo dahil doon. Gusto daw nitong personal na asikasuhin iyon para maiwasan ang anumang trahedya.

Inip na inip na siya. Nagresign na siya sa trabaho upang matutukan ang sariling negosyo. At dahil hindi pa fully finished, nababagot na siya. Hindi niya maabala ang ina dahil isinama ng mag-asawang Genesis at Eula sa paglalamyerda sa ibang bansa.  Noong nakaraang buwan lang ikinasal ang ina sa long lost best friend turn lover nito.

Nahagip ng paningin niya ang paparating na si Renee. Ngunit nabura ang inihanda niyang ngiti nang makita ang pamumugto ng mga mata nito. Mabilis niya itong sinalubong ng yakap. Hinayaan niya muna itong humagulgol ng iyak sa balikat niya. Hinahaplos-haplos niya ang likod nito hanggang sa mahimasmasan.

Maya-maya pa'y iginiya niya itong maupo. Hindi pa man bumubuka ang bibig niya para mag-usisa ay naglabas na ito ng sama ng loob. "Ang sama niya, Charm! Ang sama-sama niya!", saad nito sa pagitan ng impit na pag-iyak. "Bakit pa kasi siya? Hindi ko naman ginustong mahalin siya!"

Hindi niya malaman kung sino ang tinutukoy nito. Wala naman kasing nababanggit ang nobyo. She felt guilty all of a sudden. Wala man lang siyang kaalam-alam sa pinagdadaanan ng mga kaibigan.

Wala siyang maapuhap na sabihin kundi..."Lumayo ka muna. Paghilumin mo muna ang sugat na nariyan sa puso mo!", payo niya. "Tama lang na umiyak ka pero kailangan mo ring bumangon!"

Sumisinghot-singhot ito nang maunawaan ang sinasabi niya. "Tama ka. Hindi ko naman kayang baguhin ang nilalaman ng puso niya pero magagawa ko ang para sa sarili ko."

"You'll get over with it."

Malungkot itong ngumiti sa kanya. "Maswerte ka kay Eugene dahil head over heels in love siya sa'yo! Unlike me. Hindi ko napigilang mahalin ang taong may mahal namang iba!"

Dinukot niya ang panyo sa bag at pinunasan ang mukha nito. "Sino ba iyang nagpaiyak sa'yo at pabubugbog natin kay Max!", palatak niya.

Bahagya itong natawa. "Sana nga mapawi niyon ang sakit na nararamdaman ko. Sana ay ganoon lang din kadaling makalimot."

Charm felt frustrated dahil hindi niya talaga mahagilap sa isip niya ang huling nangyari sa kaibigan. Niyakap na lamang niya ito at nahagip ng paningin niya ang isang bulto na umiiyak at nakatingin sa direksyon nila. Hindi siya maaaring magkamali. Si Shy ang nakita niya at sa tingin niya'y nasagot na ang tanong niya.

Inabala sila ng tumutunog niyang cellphone kaya nag-excuse siya sa kaibigan bago iyon sagutin. "Ma'am punta po kayo dito sa Siren!", natatarantang bungad sa kanya ng isang unregistered caller.

Agad namang dinagsa ng kaba ang dibdib niya. "A-anong nangyari?"

"Si Sir Eugene po! Naipit sa elevator!"

Nanginginig ang kamay na pinutol niya ang tawag at mabilis na tumayo. "Samahan mo ako Renee! I need you with me.", aniya at hinila na ang kaibigan.

Sa halip na magmaneho ay pumara siya ng taxi. Wala siyang tiwala sa sarili lalo pa't nanginginig ang kamay niya. Nasa loob na sila ng taxi at hawak-hawak ni Renee ang magkabila niyang kamay. Hindi siya mapakali habang papunta sila sa Siren.

Nang huminto ang taxi sa tapat ng building ay napuna niyang sarado iyon at tila walang katao-tao. Nagtataka ma'y bumaba na sila at lumapit sa pinto. Pinihit niya iyon at sumalubong sa kanila ang kadiliman.

Matapos ang sampung segundo mula nang makapasok ay lumiwanag ang spotlight sa entablado. Nakita niyang lumabas mula roon ang stepfather niyang si Samuel at rumampa tulad ng isang modelo.  Huminga siya nang malalim at ilang sandali pa'y kumalma rin siya nang makitang nagsilabasan na rin ang ina at mga kapatid. Sumunod naman ang mga magulang ni Eugene kasama ang tiyahin at anak nitong si Eunice. Bawat isa sa mga ito ay may hawak na painting ng iba't ibang mapa. Nang nakahilera na ang mga ito ay binaliktad ng mga ito ang hawak at tumambad sa kanya ang mga salitang matagal na niyang hinihintay. Be my wife.

Naramdaman naman niya sa kanyang tabi ang pagluhod ni Eugene habang hawak-hawak ang isang eleganteng engagement ring. She was speechless kaya naman umiiyak siyang tumango. Napailing na lang ang fiance habang isinusuot sa kanya ang singsing. Hinalikan muna nito iyon bago ang kanyang mga labi.

Ilang saglit pa'y lumiwanag na ang buong paligid kasabay ng palakpakan. Inilibot niya ang paningin at nakita niya ang mga kaibigang abot hanggang tainga ang ngiti. Naroroon ang mag-asawang Timothy at Amor gayundin sina Jacque at Aries. Nasa isang sulok naman sina Max at Blake. Nahagip din ng paningin niya sina Russel, Denver, Kiefer at Alexander na itinaas ang kanya-kanyang beer. Higit sa lahat ang mga hinahunting niya kanina na sina Alessandra at Emerald.

Nang may maalala ay nilingon niya ang nobyo at lihim itong kinurot. "Sino ba ang inutusan mong tawagan ako?", mahina niyang sita. "Tinakot ako nang sobra sa pag-aalala."

"What!?", bulalas nito at marahas na bumaling kung saan. Sinundan niya iyon ng tingin at nakita ang tiyahin nito. "Tita Geneva! What have you told her?", asik nito.

Ngunit nag-peace sign lang ang babae. "Sinabi ko lang naman na naipit ka sa elevator. Malay ko bang maniniwala siya agad!"

"Why do I have such a brat aunt like you?", tila nauubos ang pasensya nito sa tiyahin. Muli itong bumaling sa kanya. "I'm sorry about that babe! Ang sabi ko papuntahin ka lang dito para makita mo ang kabuuan nitong Siren."

Dahil sa narinig ay niyakap na lamang niya ito. Napagtanto niyang naging OA nga naman ang reaksiyon niya. "Akala ko paghihintayin mo pa ako nang matagal!", pag-iiba niya upang takpan ang pagkapahiya.

"I just let you reach your dreams babe.", makahulugang saad nito.

Oh! How she love this selfless man even more! Niyakap niya itong muli ngunit naramdaman niyang may humihila sa laylayan ng bestida niya. Bumaling siya ng tingin at nakita ang mahigit isang taong gulang na si Eunice.

"Can I join?", inosenteng tanong nito. Kinarga niya ito at pinanggigilan ang pisngi. "Wish Me wish!"

Kumunot ang noo niya habang tatawa-tawa naman sa tabi niya ang ama nito. "What is it baby?"

"Me wish baby brother!"

Napamulagat siya at binalingan ang fiance. Agad naman itong umiling. "Wala akong kinalaman diyan!"

At base sa paghagalapak ng tawa sa likuran nila, kilala na niya ang salarin. " Tita Geneva, huwag mong turuan ng spg ang bata!", sambit niya.

Sumipol lang ito. "Wala naman akong ibang sinabi."

Napailing na lamang silang magnobyo at binalingan ang anak. "Just pray to God na bigyan tayo ng baby brother. Alright sweetie?", aniya na ikinatango na lamang ng bata.

---itutuloy---

Feel free to vote and share the link..

@mjfreesia

CHARM OF ECHO, ECHO OF CHARM( Bouquets And Garters Book Three) COMPLETEDWhere stories live. Discover now