Chapter 13

41 4 0
                                    

Ginambala ng isang tawag sa cellphone ang panonood ni Eugene sa mga nagkakagulong mga kaibigan. Dinukot ng kanang kamay ang aparato sa bulsa habang kalong ang anak sa kaliwa. He glance at his phone screen at nabasa ang pangalan ng isa sa mga kliyente nila sa ECo. At dahil maingay ang paligid, pansamantalang iniabot niya ang anak sa kanyang ina. Tumayo siya't lumabas ng bulwagan at dumiretso sa hotel garden kung saan ay tahimik bago iyon sinagot.

Matapos ang sampung minutong pakikipag-usap sa kliyente ay muli siyang bumalik sa loob. Habang naglalakad ay nakaramdam siya ng tawag ng kalikasan kaya naman sa halip na sa bulwagan ay pumihit siya para magtungo sa men's room. He take a pee for a minute and wash his hands under the faucet and afterwards sanitation. Nagpapatuyo na siya ng kamay nang biglang sumulpot ang anak ng bagong kasal na si Clark.

"Hey little buddy! Wanna pee?", tanong niya rito na ikinailing nito. Inangat nito ang may katabaang braso at iniladlad sa harapan niya ang isang garter. At hindi iyon ordinaryong garter. Mula iyon sa groom.

Napangiwi siya bagaman ay binuhat na ang bata. Tinanggap niya ang garter at ibinulsa. "Wala naman si Tita Charm, kiddo!", bulong niya rito habang naglalakad na sila pabalik sa bulwagan. Nasa bungad pa lamang sila ay naririnig na niya ang hagikgikan at tawanan ng bisita. Habang palapit sila'y napuna niyang napapasulyap sa kanya ang mga ito. Ilang saglit pa'y nagpababa na si Clark at nasundan na lamang niya ng tingin ang tumatakbong bulto nito.

Suddenly he was caught off guard when he saw his girlfriend Charm sitting on a chair gracefully and stunningly  as it is in the center aisle. Nakangiting kumakaway ito sa kaniya na tila isang beauty queen. Habang hawak-hawak naman nito sa kabilang kamay ang isang bouquet.

Napangiti siya at naglakad palapit dito. "You surprised me!", bulalas niya habang nakatunghay rito.

"I was surprised by this bouquet too!", natatawang saad nito.

Dinukot niya ang garter sa bulsa at pagkatapos ay lumuhod sa harapan nito. Itinataas pa lamang niya ang garter sa binti nito'y lumaylay ang hem ng suot nitong gown. Napalunok siya nang wala sa oras nang lumantad sa paningin niya ang makinis nitong hita.

"Higher! Higher!", their friends cheered them.

Ngunit huminto na siya isang dangkal mula sa suot nitong cycling. Tumayo na siya at biglang nagulat nang punasan ni Charm ang kanyang noo.

Tumutok dito ang paningin niya. "Bakit ba pawisang-pawisan ka? Ang lamig-lamig kaya dito sa loob!"

He can sense that she's teasing him. Nakikita lang naman niya ang kislap ng kapilyuhan sa mga mata nito. Nagsimula na ang sayawan at nawala na ang atensiyon ng lahat sa kanila.

Hinapit niya ito sa baywang. "You witch!", anas niya ngunit nginisihan lang siya nito. "Such a tease! And you're gonna pay for it!", pigil-hiningang saad niya.

"I'll be glad to...", anito ngunit hindi na nito natapos ang sasabihin nang lumapit sa kanila ang munting prinsesa. Nagpapabuhat.

"Ako na.", pigil niya rito. "Baka matumba pa kayo sa taas ng heels mo."

"Yeah! Right!", anito at pinupog ng halik ang anak.

Magdadalawang buwan nang sinusuyo ni Eugene si Carmela Madrigal. Noong una niyang punta sa tahanan nito ay magiliw naman siyang tinanggap nito ngunit nang hingiin niya ang kamay ni Charm upang pakasalan ay hindi ito pumayag. Lalo na nang malaman nitong naging girlfriend din niya ang panganay nitong si Champagne.

Ang totoo niyan ay alam na nina Champagne at Charlotte ang balak niya ngunit higit na mahalaga ang basbas ng ina ng dalaga. Kaya habang abala sa pagiging flight stewardess ang nobya ay pinagkakaabalahan naman niyang suyuin ang nanay nito.

Araw-araw siyang naroon upang patunayan ang sarili. Bago magliwanag ay naroon na siya upang ipagluto ito ng agahan. Pagkatapos ay naglilinis siya ng buong kabahayan at ganoon din sa salon. Naging supporters na rin niya ang mga baklang beauticians nito. Pagpatak naman ng alas nueve ay pumupunta siya ng palengke upang mamili ng lulutuin para sa tanghali at hapunan. Tuwing Sabado naman ay ipinaglalaba niya ito at ipinamamalantsa. Pagkatapos niyang maghugas kinagabihan ay saka naman siya umuuwi sa poder ng magulang upang makasama ang anak.

Kung tutuusin ay itinataboy na siya nito dahil baka raw pagalitan ito ni Charm ngunit hindi siya nagpapigil. At sa tuwing ka-Face time niya ang nobya ay hindi niya pinapahalata ang sobrang pagod. Suportado rin siya ng amang kasalukuyang namamahala sa ECo.

Bumalik sa kasalukuyan ang naglalakbay niyang diwa nang makarinig ng tilian mula sa salon. Mabilis niyang pinatay ang gripo at binitawan ang hose. Palabas na siya ng gate nang makitang lumabas mula sa salon ang isang matangkad na lalaki. Nakapulupot ang braso nito sa leeg ni Carmela at naglakad nang paatras. May hawak itong baril at nakatutok sa ulo ng umiiyak na ginang.

"Walang susunod kung hindi ay papatayin ko ang babaeng ito!", banta ng lalaking nakilala niyang si Gilbert.

Minsan na niyang nakilala ang lalaki dahil manliligaw ito ni Carmela. Naalala niyang tinapat na ito ng ginang na wala itong maaasahan sa kaniya. Hindi man nito sabihin ang dahilan ay batid niya kung ano iyon. Takot na itong sumugal sa pag-ibig.

"Mang Gilbert, bitawan niyo po ang baril niyo!", pakiusap niya.

Nakita niyang ibinaling nito ang tingin sa direksyon niya.
"Huwag kang makialam dito bata!"

Pinanatili niyang kalmado ang sarili. Wala siyang balak na magpadalos-dalos. Buhay ng ginang ang nakasalalay. "Akala ko ba mahal mo si Aling Carmela? Ganyan ka ba magmahal? Nananakit?", pangongonsensiya niya.

Sa kabila ng bagsik ng hitsura nito ay umiyak ito. "Hindi man lang ako binigyan ng pagkakataon ng babaeng ito na patunayan ang sarili ko, sa halip ay ipinagtabuyan niya ako."

Nakita niya sa di kalayuan ang papalapit na mga tanod kaya nilansi niya lalo ito. "Ayaw ka lang niyang lalong masaktan. Iyong umasa sa wala."

Eugene silently shrugged. Hindi na niya matandaan kung saang pelikula niya nadampot ang mga linyang binitawan. "Kung gusto mo, mamaya ay ilibre kita nang maiinom. Mag-usap tayo. Man to man.", patuloy niya.

Tila naman napaisip ito kaya medyo lumuwag ang pagkakahawak nito kay Carmela kaya nagawang tumakbo palapit sa kanya. Nagpupumilit namang kumawala ang salarin mula sa pagkakahawak ng mga tanod. At nang magtagumpay ay muli nitong inagaw ang baril at itinutok kay Carmela. He has left with no choice, he covered the woman with his own body and everything went black.

Nagmulat ng mata si Eugene. Inisip kung ano ang nangyari nang biglang bumukas ang pinto ng kwartong kinaroroonan.

Pumasok si Carmela at nilapitan siya. "Mabuti at gising ka na!", anito at tinapik-tapik siya sa balikat. "Salamat!"

Ngumiti siya rito. "Wala po iyon at saka kahit naman po sinong lumagay sa sitwasyon ko'y siguradong ganoon din ang gagawin."

"Salamat din at dumating ka sa buhay ng anak ko. Natitiyak ko nang magiging masaya siya sa piling mo."

Nanlaki ang mata niya. "Pumapayag na po kayo Aling Carmela?"

Tinaasan siya nito ng kilay. "Di ba dapat Mama na ang itawag mo sa akin?", sa halip ay balik-tanong nito.

Lalong lumawak ang ngiti niya nang may maalala. "Si Mang Gilbert po pala?"

"Hayun! Nasa kulungan na!", nakasimangot nitong tugon. "Lalo tuloy akong nawalan ng gana sa kanya."

"Eh bakit nga po ba?"

Napatuwid ito ng upo at pumormal. "Hindi porket pumayag na ako eh pwede mo nang gamitin sa akin yang pagkaimbestigador mo!", asik nito.

Napangiwi siya. "Nagbabakasali lang naman po!", aniya at iniba ang usapan. "Uwi muna ako sa prinsesa ko paglabas ko ng ospital.", paalam niya rito.

"Aba! Bakit naman kita pipigilan? Mabuti nga iyan at nang hindi naman ako magsawa sa pagmumukha mo!"

Humagalpak na siya ng tawa. " Hayaan mo Ma! Magpapamiss muna ako!"

"Ikaw talagang bata ka!", anito sabay hampas sa kanya ng abaniko. At napuno ng tawa nila ang silid na iyon.

---itutuloy---

Feel free to vote and share the link..

@mjfreesia

CHARM OF ECHO, ECHO OF CHARM( Bouquets And Garters Book Three) COMPLETEDWhere stories live. Discover now