Chapter 9

54 2 0
                                    

Ilang araw pa silang nanatili sa bahay ni Charlotte habang nagpapagaling ng pasa si Eugene. Naipaalam na rin niya sa kanyang ina kung bakit sila  natagalan sa pagbisita sa mansiyon. Namimiss na niya ang anak ngunit ayaw din naman niyang pabayaang mag-isa si Charm sa pag-uwi sa Pilipinas.

Pinagmasdan niya ang magkapatid. Sa unang tingin ay aakalain ng kahit sino na kambal ang mga ito. Ngunit ang totoo ay limang buwan ang pagitan ng mga ito. Agad niya ring napansin na bagamat morena si Charm kumpara kay Charlotte ay mas matangkad naman ang nobya.

Naagaw ang atensiyon niya nang mag-iba ang paksa ng pinag-uusapan ng mga ito. "By the way, Charm, what are your plans as of now?"

"I'll become flight stewardess if ever I got lucky to pass an interview."

Napatango naman si Charlotte. "Well that's great! But if ever, I'd like you to be part of Mystique.", pagtukoy nito sa fashion design company na pag-aari nito.

Nakita niya ang pag-àalinlangan sa mga mata ng nobya. "Do you think I'll be able to handle it?"

"Of course! I know you will!", pagpapalakas ng loob ni Charlotte. "Anyways, I can't stop you from going home, can I?", pag-iiba nito at palipat-lipat ang tingin sa kanila.

Naalala niya kung gaano ito natuwang malaman na matagal na silang magkakilala ni Charm. Kaya naman hindi rin nila naitago ang tunay na estado ng kanilang relasyon.

Nilingon siya nito kaya inamin niya ang totoong saloobin. "I already miss my daughter."

Napangiti naman ito. "I'm already looking forward to meet your daughter!", bulalas nito.

Charm giggled. "She's so cute and adorable! The very first time I  visited her, she called me Mama!"

Bumungisngis si Charlotte. "She's too smart to choose you as her mother.", panunudyo nito. Lalo namang namula ang pisngi ni Charm na ikinatawa niya.

Kinabukasan ay lulan na sila ng eroplano pabalik ng Pilipinas. Napuna ni Eugene ang pananahimik ni Charm.

Inakbayan niya ito kaya lumingon ito sa kanya. "Kanina pa malalim ang iniisip mo.", puna niya rito.

Umayos ito ng upo at inihilig ang ulo sa balikat niya. "Parang hindi ko pa kayang harapin sina nanay at Ate Paige."

Masuyo niyang hinaplos ang braso nito. "Naiintindihan ko naman. But you need to prepare yourself. Hindi pwedeng habang buhay mo na lang silang tatalikuran."

"I know naman eh! Hindi ko lang matanggap eh! Hindi ko matanggap na nagawa niya sa akin ang bagay na iyon!", naluluha nitong saad.

Tuluyan na niya itong niyakap at inalo. "Alright! Palipasin na muna natin ang ilang araw pa.. Siguro ay isipin mo muna ang interview mo sa DOME.", sa halip ay payo niya.

Maya-maya pa'y narinig na nila ang boses ng isang flight attendant na nagsasabing lalanding na ang eroplano sa DOME.

"Nasasabik na akong makita si Eunice. Siguro siya na muna ang pagkakaabalahan ko habang wala pang interview.", masiglang saad nito.

Good heavens! A way to a woman's heart is a cute little child.

Magkaakbay silang lumabas ng airport at agad na pumara ng taxi. Nang makarating sila sa mansiyon ng magulang ay sinalubong sila ng anak.

Hindi pa rin makapaniwala si Charm na kaharap niya si Denver. Ngayon ang araw ng interview niya ngunit hindi naman ito ang mag-i-interview sa kanya kaya kumalma agad siya. Baka kasi isipin ng mga kasama niya na may favoritism na nangyayari. Kahit na hindi naman alam ng ilan na magkakilala sila.

At laking tuwa niya dahil natanggap siya sa DOME. Kaya naman pagkagaling sa airways ay binisita niya ang mga kaibigan sa cuisine. Sinundo siya ng nobyo kaya magkasama sila. Ngayon pa lang ay naiimagine na niya ang magiging reaksiyon ng mga ito.

Sabay na napasinghap sina Alessandra at Emerald nang makita silang pumasok ni Eugene sa cuisine nang magkahawak kamay.

"Girl, gumaganda ka yata lalo!", bungad sa kanya ni Emerald at binalingan si Eugene. "May nagpapaganda naman kasi talaga!", panunudyo pa nito.

"Sinasabi na nga ba!", tamang-hinala naman ni Alessandra.

Sabay na lamang silang natawa ni Eugene sa reaksiyon na mga ito. Ilang sandali pa'y iminuwestra ni Alessandra ang isang bakanteng mesa para sa kanila.

"Kayo ha! Kaya pala medyo kakaiba ang mga ikinilos niyo nang una kayong magkita dito sa cuisine.", komento ni Alessandra.

Nagkatinginan sila ni Eugene at nagkibit balikat. "It's a long story to tell.", saad niya. Ayaw na niyang alalahanin pa ang nakaraan. Ang mahalaga ay game over na sila sa paglalaro.

"Nga pala next week na ang kasal nina Timothy at Amor!", pagbabalita ni Emerald.

"God is so good talaga! I'm sure doon na naman tayo makakapag-reunion. Ang abala kasi natin!", saad ni Alessandra.

"Sinabi mo pa!", pagsang-ayon niya. "Si Renee masayang nagtatrabaho sa studio ni Jacque.  Si Shy naman, bihira na rin nating makasama."

"Naku! Alam mo namang lahat na lang yata ng mapagkakakitaan ay pinatos na noon.", palatak naman ni Emerald.

Napuna niyang tahimik lang si Eugene sa tabi niya. "Tahimik ka. Pasensya ka na! Ganito talaga kami pag nagsama-sama."

"Hindi ko lang kilala ang mga binabanggit niyo!", tila nahihiyang saad nito.

Nagkatinginan silang tatlo at bumunghalit ng tawa. Ngunit umayos rin siya nang sumimangot na ito. "Sorry! Don't worry. You'll meet them sa wedding nina Amor at Timothy."

Nagtagal pa sila sa cuisine bago nila naisipang umuwi sa condo. Dahil mag-uumpisa na siyang magtrabaho kinabukasan. Matuling lumipas ang ilang araw at naging gamay na ni Charm ang pasikot-sikot sa trabaho. Kapag may pagkakataon ay binibisita niya si Charlotte sa bahay nito.

"C'mon Charm! You need to talk to your mother.", madalas na payo nito sa kanya sa tuwing napupunta ang usapan nila sa ginawa ni Champagne sa kanya.

Ilang buwan na rin kasi siyang hindi nagpapakita sa mga ito. Di pa rin niya maiwasang masaktan sa tuwing nakikita si Paige dahil naaalala pa rin niya ang takot.
Kung sana nga ay ganoon lang kadali ang lahat.

Ilang araw din niyang pinag-isipan ang payo ni Charlotte. Kaya pagdating ng kanyang day off ay binisita niya ang ina at kapatid. Gusto rin niyang makita kung ano ang pinagkakaabalahan ng mga ito. Dahil kahit hindi niya kinakausap ang mga ito, hindi naman siya nagpabaya sa kanyang responsibilidad. Kada sweldo niya ay pinapadalhan niya ang mga ito ng pera sa pamamagitan ni Eugene.

Pagbaba niya ng sasakyan ay bumungad sa kanya ang isang bagong tayong salon na ikinakunot ng noo niya. Inilibot niya ang paningin, nagbabakasaling makita ang ina. Ngunit natigilan siya nang mabasa ang pangalan ng salon.
Charm's. Hindi niya tuloy napigilan ang pag-alpas ng mga luha niya. She was overwhelmed that her mother use the money wisely.

"Charm?", narinig niyang tawag ng ina. Nilingon niya ito at nakitang pababa ng hagdan. "Bakit ka narito sa labas? Pumasok ka na at mainit dito sa labas.", aligagang saad nito.

Pagpasok niya sa loob ay naabutan niyang naghahain ng pagkain ang kapatid. "Charm!", bulalas nito pagkakita sa kanya. "Tamang-tama. Kakaluto lang nitong adobo. Halika na't pagsaluhan natin.", yaya nito.

Napangiti siya't sinugod ng yakap ang kapatid. "I'm sorry Charm!", anito sa pagitan ng paghagulgol.

"Tapos na iyon!", maiksing tugon niya. "Kalimutan na natin!", napapiyok pang saad niya.

Maya-maya pa'y naramdaman nilang sumali ang kanilang ina sa yakapan. Ilang saglit pa ay masaya nilang pinagsaluhan ang niluto ng kapatid. Masaya siyang malamang na marunong naman pala talaga ito sa kusina.

---itutuloy---

Feel free to vote and share the link..

@mjfreesia

CHARM OF ECHO, ECHO OF CHARM( Bouquets And Garters Book Three) COMPLETEDWhere stories live. Discover now