(11): DOOR

60 3 0
                                    

Jade's POV

Dahil sa nangyari at nalaman ko kanina, hindi talaga ako kumain ng dinner pag uwi ko. Tinatanong nga ako ni Mommy kung bakit pero hindi ko nalang siya sinagot. Kanina ko lang din na-realize na kaya pala nagda diet si Mia ay dahil din doon.

OA man pakinggan, pero mahalaga talaga para sakin ang cheer dance. Simula ng umuwi ako dito sa Pinas yun na kinagisnan ko. Minahal ko na talaga ang pagsasayaw.

'Actually, kasal na ako with cheer dance'

*TOK!* *TOK!* *TOK!*

"Sandaleeee!!" sigaw ko sa walang awang humahampas sa pintuan ng kwarto ko. Nandito kasi ako sa kwarto ko, nagkukulong.

Agad naman akong tumayo sa kama at pumanik sa pinto. Bumungad saakin si Michael. May dalang pagkain.

'Parang bigla akong nagutom..'

White rice, salmon steak, milk, water, saka prutas.

'Parang gusto kong maglaway'

Ipinilig ko ang ulo at umiling dahil sa mga naiisip. Diet mo ngayon, diba Jade?! Magtiis ka!

Tangkang isasarado ko na ang pinto pero iniharang ni Michael yung paa nya.

"Di ka daw kumain kanina sabi ni Tita. Why?" aniya at pumasok sa kwarto ko.

"Diet ako," mahinang sabi ko.

Sumimangot ako nang tawanan niya ako.

"HAHAHA! Di nga?" ang lakas ng tawa niya! Nakahawak pa sa tiyan, akala mo naman may nakakatawa sa sinabi ko. "Ang payat mo na nga— magda-diet ka pa." saka siya lumapit sakin.

"Mukha lang mapayat"

"Tsk, wag kang mag diet. Oh." inabot niya sa akin yung tray.

'Bahala na nga.'

Ang kinuha ko lang ay yung mga prutas. Bahala ka diyan, Mik! Magda diet pa rin ako.

Apple, orange, saka lakatan na saging. Tapos yung gatas.

"Yan lang?" tanong ng nasa tabi ko. Pagtingin ko nakakunot ang noo niya.

Nginitian ko lang siya tapos binalik ang tray sa kanya. Tinulak ko siya palabas ng kwarto at saka isinarado ang pinto.

"Wag mo ako isusumbong." bilin ko patukoy sa pagda diet ko.

"Wews," anas ni Kevin. Nandito kami ngayon sa clinic, nagpapa monitor ng timbang, once a week yan.

Sa mga nagdaang araw, palagi akong nauunang umalis sa bahay. Tinapay lang ang kinakain ko tapos hotdog, minsan nasubo rin ako ng kanin pero mga limang kutsara lang, ganon. Baka kasi pag hindi ko inagahan, sermonan ako ng Mommy ko tapos tatadtarin pa ako ng mga tanong.

"Ikaw ha, mapagkunwari ka." hirit pa ni Kevin kaya napatingin ako sa kanya. "Mapayat ka kung tignan tapos. . .HAHA!" *pout* inaasar na naman niya ako. "ARAY!!" binatukan siya ni Mia.

"1/2," sabi nung nag-a-assist saakin. Hayy.

Kalahating kilo lang nabawas sa timbang ko pero ayos na 'to kaysa wala di'ba?

Umalis na kami doon at dumiretso sa cafeteria.

'Okay, eto na naman po tayo. Makikipaglaban na naman ako sa sikmura ko.. Hayy.'

"Eto po sa'ken, tapos ayan, saka ito tapos— ARAY NAMAN!"

"Napakasiba," ani Mia.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 14, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mr. Sungit and Ms. Makulit (ON-GOING SLOW UPDATE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon