Jade's POV
Kagigising ko lang at hindi ko namalayang umalis na pala si Mia. Hayss, baka pagod din yon? Hindi na ako nag-abalang imulat ang mata ko habang kinakapa ang clock sa bed side table ko.
'8:00 pm?'
Nagpakawala akong ng isang mabahong hininga—este buntong hininga. Dalawang oras na pala ang nakalipas ng dismissal.
'KROOOOOK! KROOOOOK!'
'tiyan ko lang po iyan, hehe.'
Dali-dali akong bumaba at pumunta sa kusina dahil ramdam ko na talaga ang nagwawalang dragon sa aking tiyan.
O_O
'Multo?'
Pagkarating ko sa kusina may nakita akong nakatalikod na babae..hindi kaya..teka, kung multo yun paano siya nakapasok sa kusina eh nakasara yung pinto? Diba yung mga multo hindi naman nakakahawak ng mga bagay? Edi hindi niya mahahawakan yung doorknob? Baka naman magnanakaw lang yon?
Tama! Magnanakaw lang iyon, walang multo.
Buti nalang talaga at magnanakaw lang kase kung multo yun? Hindi ko talaga alam kung anong gagawin ko kung sisi—'
"Anak?" yung magnanakaw.
Sino namang kausap niya?
Hindi kaya nakita niya ako? Eh ano naman? Hindi naman ako yung anak niya.
Baka naman may kausap sa cellphone?
Nanatili lang akong nakasilip sa gilid ng pinto. Syempre ayokong makita niya ako, baka bigla nalang siyang umalis edi sayang yung pagkain kung hindi niya mauubos.
Nasaan na ba yung maids?
Nakapatay pa rin ang ilaw kaya hindi ko talaga makita kung sino siya. Kase kung bubuksan ko yung ilaw baka ma-distorbo ko ang pagkain niya.
"Baby, what are doing there? Come here." sabi pa niya.
Sanaol Englishero..
Pero syempre kahit na nagsasabi siya ng kung ano ano hindi ako umalis sa pwesto ko. Gusto kong makita kung sino ba yung kausap niya.
Baka may kasama pa siya? Tapos nahihiya lang kaya nagtatago.
O_O
Bigla nalang may humawak sa balikat ko. Whhaaa!
Halos mapaigtad ako sa biglaang paghawak saakin ng kung sino, kaya sa sobrang takot ay napindot ko ang switch ng ilaw.
"M-Mommy? Mommy naman e! Bat ka nanggugulat?!"
"Kanina pa kita tinatawag at pinapalapit hindi ka naman sumusunod"
"I-ikaw yung kumakain diyan kanina??"
Tumango lang si mommy at hinila ako paupo sa upuan.
Syempre! Upuan nga diba?! Alangan namang humiga ka diyan!
"Tinawagan ako ni Mia kanina ah.."si mommy. Kaya bahagya akong napatingin sa kanya. Hindi na ako sumagot dqhil mukhang alam ko na kung bakit. "Anong nangyare? Nahilo ka na naman daw. Hinduj mo ba iniinom maintenance mo?" Sunod sunod na tanong niya.
"A-ah, n-nakalimutan ko lang po." palusot ko. Ayoko kasing iniinom yun talaga. Ang panget panget ng lasa niya---lasang ampalaya na parang may sili na hinaluan ng alukbati. Basta! Hindi ko maintindihan yung lasa! Hindi ko gusto!
BINABASA MO ANG
Mr. Sungit and Ms. Makulit (ON-GOING SLOW UPDATE)
Fiksi RemajaJade, ang babaeng nainlove sa lalaking ubod ng sungit na akala mo'y pinagkaitan ng saya. Dark, ang lalaking gustong gusto ni jade. pero paano nga ba sila magkakasundo kung itong si girl ay ubod ng kulit na kgabaliktaran naman ni boy. Sila ba talaga...