Author's Note: Sorry for slow and short update.
Sorry for wrong grammars and typos.
Jade's POV
Matapos ang nangyaring pag aaway at pagsisigawan nila kevin at aica 2 days ago ay hindi namin nakita si aica sa campus. Nagpahinga siguro..alam kong nasaktan rin siya sa mga sinabi sa kanya ni kevin nung mga nakaraang araw at alam kong hindi rin siya okay kaya nagpahinga muna siguro..kahit ako nasaktan din sa mga sinabi niya, hindi man ako yung pinagsalitaan mismo nung mga salitang yun pero ramdam ko ang emosyon at nararamdaman ni aica.
Pero hindi ko rin naman masisisi ang kaibigan ko dahil mahal niya talaga si ara...kilos at pakikitungo pa lang niya malalaman mo na kung anong tunay niyang nararamdaman doon sa taong kaharap niya.
Hehe, naalala ko tuloy yung dating sinabi niya nung first year palang kami, nung una kaming magkakilala.
•FLASHBACK•
"a-ahh, ja-jade..." tawag saakin ni kevin, classmate ko.
"Mmm?" ungol lang ang naisagot ko sa kanya dahil kumakain ako..hindi sa matakaw ako..pero..parang ganon na nga, hehe. Masarap eh, bat ba?
"m-m-may sasabihin kase..ako" utal-utal na usal niya. Hindi na ako sumagot pa at kumain nalang habang hinihintay ang susunod niyang sasabihin.
"a-ano..kase..*sighs* M-may gu—" naudlot ang sasabihin niya, umepal kase si mia."woi—! Ay may pa eye contact eye contact pa kayong dalawa! Hellooooo! Im here..ano hindi ako napansin?" hindi na kaming nag abala na sagutin siya, sa halip ay tinignan ko lang si kevin na namumula. HAHA! anyare dito?
"ay wow! Hindi ako napansin! Aww--ouch pala. Nilalanggam na ako dito! Ang sweeeet kasi. HAHAHAHAHA" dagdag pa niya kaya tumawa na lang ako para hindi naman siya magmukhang tanga kakatawa.
"luh,luh,luh,luh,luh? Yieee nagba-blush si kevin oh..tingin nga HAHA" pambubuyo ni mia kay kevin habang hawak ang baba nito at pilit inihaharap saamin ang mukha.
"aishh! Mia naman? Hayaan mo na..ang daldal daldal mo hindi tuloy niya natapos yung sasabihin niya kanina!" utas ko at hinwai ang kamay ni mia.. Actually nitong enrollment lang namin nakilala si kevin pero nakasundo agad namin siya.
"at ano naman ang sasabihin mo, aber?" nakataas ang kilay na tanong ni mia sa kanya kaya natawa nalang ako dahil sa itsura niya!
"mia, bubulong ko nalang sayo pwede ba?" mahinang sambit ni kevin pero narinig ko.
So, ako ngayon yung naichapwera? Kanina sakin dapat sasabihin yon tapos ngayon hindi na ako kasali? Aba! Aba! Aba!
Wait...bakit pag si mia kausap mo tuloy tuloy tapos pag sakin putol putol?
"woaahh! Really? My goodness!" Bigla nalang sumigaw si mia pagkatapos siyang bulungan ni kevin..ano naman kaya yon???
"mmm" patango-tangong usal ni kevin habang kumakamot ng batok.
"Whaaa! Gosh, HAHA! Bagay talaga kayong dalawa, alam nyo yon?!" parang kinikilig na sabi niya at pinaglapit kaming dalawa ni kevin muntik na kaming magkabanggaan.
"psh! Ano ba yun? Ano bang sinabi mo at parang kiti kiti tong si mia kakagalaw! Ang likot!" baling ko kay kevin pero tumungo lang siya.
BINABASA MO ANG
Mr. Sungit and Ms. Makulit (ON-GOING SLOW UPDATE)
Teen FictionJade, ang babaeng nainlove sa lalaking ubod ng sungit na akala mo'y pinagkaitan ng saya. Dark, ang lalaking gustong gusto ni jade. pero paano nga ba sila magkakasundo kung itong si girl ay ubod ng kulit na kgabaliktaran naman ni boy. Sila ba talaga...