(8): MONTELLIANNO FAMILY (PART 2)

64 6 0
                                    

Author's Note: Hindi nagkasya sa Chapter 7 kaya dito ko nalang isusulat yung karugtong. Kung mapapansin niyo kase masyadong mahaba yung Chapter 7 kesa sa ibang chapters, kahit ako pansin ko rin, e. Ilang araw ko ring sinulat yon. Masyado siyang mahaba para sa phone ko, baka hindi ma-publish kapag hinabaan ko pa kaya dito ko na lang itutuloy. Pagpasensyahan niyo na kung may mga mali kasi nagsa-sound trip ako nung sinusulat ko to, hindi ko alam, baka lyrics na pala ng Euphoria naisulat ko😆.

Thank you for reading and supporting this and me. Btw, 500 reads na siya, sana dumami pa ang magbasa at madagdagan pa kayo! Kamsahamnida!




Jade's POV

Pamilyar talaga sakin yung mga pangalan nila, e. Hindi ko alam kung kelan o saan pero narinig ko na 'yon.

Saan ko ba narinig 'yon?

'Sa radyo ba?'

Pero wala akong natatandaang nakinig ako sa radyo dahil wala kaming ganon.

'Sa tv kaya?'

Hindi rin naman ako nanonood sa tv. Hays, bahala na nga.

"Mommy! Nasaan na ba yung make up pou— ay! May visitor tayo?" sabi nung babaeng maganda, maputi, matangkad na kakababa lang sa hagdan.

'Maganda pero maarte mag salita.'

"Mmm. Classmate daw ng kapatid mo." si Madame— tita pala.

Sabi niya saakin kanina Tita nalang raw ang itawag ko sa kanya tapos soon daw Mommy na.

'Ito si Tita, bet yata akong maging daughter-in-law.'

'Don't worry Tita, gusto ko rin yon.'

"What's your name ba?"

"Jade, po."

"Ugh! Don't use 'po' kapag ako ang kausap mo. Ayokong magmukhang matanda." sabi niya pa habang kunwaring minamasahe yung mukha. "I'm Diane. Diana Ross Montellianno. 20 years of existence, Manila City!" sigaw niya akala mo'y kasali sa beauty pageant.

Nilingon ko yung family picture at tinignan yung Diane na itinuro ni Dylan kanina. Pabalik balik ang tingin ko sa picture at sa kanya. Magkamukha nga! Parehas makapal ang make up niya sa picture at sa personal. Nakangiti siya sa pero mukhang maldita. Hindi niya kamukha si Mommy—nila.

"Mom, where's my make up? I need it. I'm attending Criza's Welcome party." tanong niya pa ulit kay Tita.

"Maghanap ka sa kwarto mo! Napaka-burara mong bata ka!" sinigawan siya ni Tita kaya umakyat siya ulit sa taas ng padabog.

Malamang na nakapasok na siya sa kwarto niya dahil hindi ko na siya nakita pa sa hagdan. Ang tagal talaga ni Dark. Siguro naligaw siya sa laki ng bahay nila.  Dahil nakakapagod maghintay sa taong di mo naman alam kung babalik pa ba— umupo muna ako.

Ngunit, sa kaitimang palad— itim na palad naman para maiba puro kasi 'kasamaang palad', hindi pa man nag-iinit ang pwet ko sa upuan may lumapit na naman samin, I mean kay Tita. Wala na si Dylan, tumakbo sa taas, manonood daw siya ng cartoons.

"Hi, Ma!" bati nung lalaking lumapit kay Tita at humalik sa pisngi niya.  "Hayy... Nakakapagod." pabulong na sambit niya tapos umupo sa tabi ko. Tumingala siya sa kisame at pumikit. May binulong naman saakin si Tita.

"Saglit lang ha, yung bini-bake ko, titingnan ko lang." tango lang ang naisagot ko.

Mukha akong tanga na umuurong palayo doon sa lalaking tumabi saakin. Hindi kasi ako sanay na may katabi ako ng as in yung sobrang lapit, yung tipong magkadikit na balat niyo? Ayoko n'on. Kahit si Mia at Kevin hindi tumatabi sakin ng ganon kalapit kasi alam nila.

Mr. Sungit and Ms. Makulit (ON-GOING SLOW UPDATE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon