(9): MICHAEL RAMIREZ

113 7 5
                                    

Author's Note: Hi readers! Malapit na magpasko, nagtatago na ang mga ninang at ninong niyo! By the way, highway, norway, meron akong ginawang one shot story entitled Simbang Gabi. Oh diba related sa pasko. Hindi ko alam kung magagandahan kayo pero ginawa ko yung best ko para sa kalokohang iyon. Mamamasko ako ng vote sa inyo, ha? Thankieee!



Jade's POV

Pagkatapos naming magdaldalan ni Tita Abbie, dumeretso na ako sa kwarto ko. Gusto ko nang matulooooogggg!

About naman doon sa project, siguro sa susunod nalang namin gagawin yun, malayo pa naman deadline, pero pwede rin namang si Dark nalang gumawa, matalino naman siya, e.

May trivia ako sa inyo.

Alam niyo ba kung bakit tinawag na deadline ang huling araw ng pasahan?

Kase kapag sa araw pa lang na iyon mo ginawa ang project, mamamatay ka sa kaka-aligaga. Panis!

Back to reality, ayoko na sa fantasy. Pinihit ko na yung doorknob ng room ko. Ang nakakapagtaka lang, bakit ang dilim? Kahit wala ako dito, nakabukas ang ilaw palagi. Kaya bakit nakapatay ngayon? Tsh. Hayaan na nga. Binuksan ko na yung il—

"AAAAAHHHHHHH! WAHHHH!!! MOMMMYYYYY! DADDDDDYYYY!!"

may lalaking natutulog sa pinakamamahal kong kama! And worst, hinigaan niya yung Shooky Pillow ko! Mahal bili ko diyan, e!!!

"Ano ba?! Bakit ka sumisigaw??!" si Mommy. Hindi ako sumagot, tili lang ang nagawa.

Biglang sumulpot si Tita Abbie sa gilid at lumapit doon sa kama ko. Tili ako ng tili pero hindi talaga nagigising yung lalaki.

May binubulong si Tita doon sa lalaki pero hindi namin marinig, kasi nga bulong. Niyuyugyog niya din yon. Bumangon naman yung lalaki, umalis sa kama, tumungo sa banyo. Aba! Wala ring hiya to sa katawan, sa banyo ko pa talaga pumasok! May banyo naman sa baba.

Agad naman akong lumapit sa kama at kinuha si Shooky na nahulog sa sahig.

'Shooky ko, nasaktan ka ba? Huhu...'

(AN: SI SHOOKY YUN YUNG SA BT21 NG BTS. TIGNAN NIYO NALANG YUNG PICTURE NIYA SA BABA.)

Yung Suga Blanket ko, nalukot! Hindi to pwedeng masira, personalize to! Hindi ko nga to nilalabhan dahil baka mabura yung mukha ni Suga.

Tumingin ako kay Tita Abbie. Kilala niya yon?

Lumabas na ang walangyang lalaking humaras sa Shooky and Suga items ko. Pero, OMG! Ang gwapo! As in, mas gwapo pa ke Dark, pero syempre Dark pa rin to! The one and only in my heart, Dark.

Wait! Di ko pa naku-kwento sa inyo. Naalala niyo pa ba si Alvin? Shocks! Magka-mag-anak pala kami! Kasi yung Lolo niya at saka yung Lola ko, magpinsan. Relatives kami.

'Crush ko noon, pinsan ko pala yon.'

Balik tayo sa gwapong akyat bahay. Ang gwapo niya talaga! Perfect! Pero kilala ko to, e. Sure ako, mga 99.99 percent. Nakasama ko na to dati, feel ko lang.

"Hey Lyn!" pamilyar yung boses niya na parang lumaki ng onti. Onti lang naman.

Kilala ko talaga to!

Siya lang tumatawag sakin ng ganun!

"Michael!!!!!"

Nakataas sa hangin yung kamay niya, nag-aabang ng yakap. Mabilis naman akong lumapit sa kanya para yakapin siya.

"Waaa! Na-miss kita!" agad na sabi ko habang nakayakap pa rin sa kanya.

"I miss you too." malambing na tugon niya saka ako hinalikan sa buhok. Wag kang ano diyan. Ganyan lang talaga kami. Super close.  "You look prettier than before." nakangiting sambit niya pagkabitaw sa yakap.

"Maganda naman talaga ako— pero wag mo akong ini-english English diyan, ha? Alam kong marunong kang mag-tagalog!" kunwaring inis na tanong ko pa kaya naman nagtawanan kaming dalawa.

Nagyakap ulit kami.  "Ba't ang bango mo?" kumalas ako sa yakap niya. "Nagpapa-bango ka na?" inosenteng tanong ko pa sa kanya pero nag-iwas lang siya ng tingin saakin, napapakamot pa sa batok niya. Kaya naman tinignan ko siya ng may panunukso. "Yieee! Ikaw, ha? May pino-pormahan ka ba, ha? Meron na? Kyaahhh!" kinikilig pang panunukso ko sa kanya.

"W-Wala ah!" matinding pagtanggi niya.

"Sinungaleng!" galit kunwaring tanong ko, bahagya pa siyang nagulat pero sila Mommy, daddy, tito at tita ay nakangiti lang habang pinapanood kami. "May pino-pormahan ka na pala, tapos hindi mo sinasabi sakin. Akala ko, best friends tayo?" umaakting pa akong naiiyak.

Si Michael naman nagpa-panic at hindi alam ang gagawin habang ang iba ay tumatawa. Sa ganitong sitwasyon, ang pag iyak ko ang kahinaan niya. Ayaw na ayaw niyang umiiyak ako. At sa ganitong paraan mapapa-amin ko siya. BWAHAHAHAHA!

'Wrong move!'

Dahil naiiyak (kunwari) ako, paiyak na rin siya. Kaya naman mas umugong ang tawanan sa loob ng kwarto ko. Nagpipigil rin ako ng tawa kahit sa loob-loob ko gustong gusto ko ng humalakhak ng Napakalakas. Ewan ko ba kung bakit ganyan siya. May sinabi pa nga siya sakin nung nasa America.

"Wag kang iiyak, kasi nasasaktan ako kapag malungkot ka. Sige ka, iiyak din ako."— Michael.

Nakaka-miss yung dating Michael na walang problema noon. Amg tanging iniisip lang ay kung paano siya makakatakas sa mga nakabantay sa kanya. Nakaka-miss yung MikMik na lagi kong kaagaw sa free taste cupcake ni Kuya Ace. Ngayon kase kahit tapos na siya mag aral, stressed parin siya. Kaya siguro pumunta sila ng Pinas.

"J-Joke lang naman.. Tumahan ka na. Ang pangit mo pa naman umiyak." saka ako tumawa. "Hindi lang ako nasanay na amoy mabango ka. Noon kasi amoy araw ka, HAHA!" at nagtawanan kaming lahat. Tumigil na rin siya sa pag iyak iyak niya.

"Doon nalang muna kayo sa Guest room matulog. Kaso maliit lang yun." si Mommy, kausap yung parents ni Michael.

"Okay lang." si Tita.

"Ah.. sa sala nalang po muna ako matutulog, sa couch." prisinta ni Michael kaya lahat kami ay napatingin sa kanya. "Don't worry. Okay lang po sakin."

Hinila ko ang laylayan ng polo niya. "Dito ka nalang kaya matulog?" bulong ko pa kaya naman gulat siyang ibinaling ang tingin saakin pero agad din yung napalitan ng ngiti.

"Hindi na pwede. Hindi magandang tignan." nakangiting bulong din niya at hinarap sila Mommy. "Tita, tito, excuse me po."

Bago siyamakalabas ng kwarto ay hinawakan na siya ni Daddy sa braso. "Dito ka nalang muna. Mahihirapan kang humiga doon." gulat pa rin siya. "May tiwala naman ako sa iyo." nakangiting tugon ni Daddy at saka siya tinapik sa balikat bago sila lumabas sa kwarto.

Kaming dalawa nalang ang naiwan dito. Nakakatawa lang na namumula siya sa hiya, samantalang noon palagi kaming magkakatabi pag natutulog. Alam ko namang pangit talagang tingnan yung magkasama ang babae't lalaki sa isang kwarto lalo na pag hindi kasal. Pero, wala namang malisya saamin yun, para ngang magkakapatid ang turingan naming apat (Ako, Michael, Brent, Mia) sa isa't isa.

"S-Sa sahig nalang ako."

"Dito nalang." tinignan niya lang ako. "Sus, kunwari ka pa....hindi ka naman natutulog sa sahig, e." hindi pa rin siya gumagalaw. "Ikaw din, kung gusto mong magpa-kagat sa ipis, edi diyan ka." pananakot ko pa sa kanya. Well, kung hindi niyo alam, siya ang number one hater ng ipis.

"May ipis dito sa kwarto mo?" natatakot na tanong naman niya saka naupo sa dulo ng kama ko.

'Natatakot na siya...'

"Oo! At alam mo ba, meron pang surot diyan, tas may gagamba!" kahit wala naman.

"Tsk! Sige na nga!"

"Ay, wow! Parang pilit na pilit, ah?" biro ko pa sa kanya at naglagay ng harang sa pagitan naming dalawa. Hinarang ko yung hotdog pillow ko— kung yun nga ba talagaang tawag doon.

Ayun pagkahiga, tulog agad! Hindi ko na siya pinakialaman at natulog na lang din.














































To be continued. . .

Mr. Sungit and Ms. Makulit (ON-GOING SLOW UPDATE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon