Jade's POVAyun yung babae oh!
Oo nga!
Diba sya yung humalik sa bagong lipat dito?
Malandi talaga yan!
Pati baguhan pinapatulan
Ang lakas ng loob na pumasok!
Hindi niya maagaw sakin si dark, akin lang sya!
Duh! Mas maganda pa naman ako diyan noh! Di yan papatulan ni papa dark.
Ilan lang yan sa mga bulung-bulungan dito sa campus. Lintek na pangyayari kasi yon eh, kung mababalik ko lang ang oras at hindi na pumayag na magpalibre kay Mia eh! Yung oras sana sa orasan mababalik ko pa pero yung pagikot ng mundo hindi eh. Pero sayang din naman yung libre diba?
'hoy! Tigilan nyo nga ang kaibigan ko kung ayaw nyong umuwi kayo ng basag yang mukha nyo!'
Eto talgang si mia, napakabrutal! Pagsalitaan ba naman ng ganon mga school mate namin.
'hayaan mo na lang sila.'
Kalmadong usal ko. Pero hindi sya nakinig.
'Tigil tigilan nyo na nga yang pagbulong nyo naririnig din naman eh! Palibhasa ang lalaki ng bunganga nyo! Hindi na ako magtataka kung maririnig yan hanggang sa kabilang building! Kamukha nyo kasi si diego, mga malalaking nguso, chis-'
Hindi ko na sya pinatapos sa pagsasalita bagkus ay tinakpan ko ang bibig niya at hinila palayo. Trouble na naman to pag nagkataon.
'ano ba jade! Hahayaan mo nalang na ipahiya ka nila?'
'eh sayo naman nagmula lahat ng yun eh' bulong ko.
'bes, may sinasabi ka?' taas kilay niyang tanong kaya nasamid ako. Ang lakas talaga ng pandinig neto.
'ha? W-wala! Wala nga akong sinasabi eh? Ano bang sinabi ko? Wla nam-'
'alam ko naman yun.'
Ha?
'alam ang alin?'
'alam ko namang ako ang may kasalanan sa nangyari kahapon pero wala na nangyari na eh, kaya nga nag sosorry.'
Buti dama!
'hayaan mo na yun, di naman kita sinisisi eh. Pasok na nga tayo malate pa tayo!'
Aalis na sana kami ni mia kaso..
'ay! Bhe nakalimutan ko pala bumili ng art materials. Una kana lang sunod na ako.' sabi ko.
'sure ka? Sasamahan na kita, saan ka ba bibili?'
'hindi na, diyan lang naman ako kay maam jung eh, pumasok ka na.'
Pinauna ko na si mia, kasi kailangan ko talagang bumili ng artmats eh.
Btw, merong tindahan ng school supplies sa school kaya hindi ko na kelangan pang lumabas.---
Patay! Si maam Bernardino nandito na. Late na ako! Bakit siya nandito? Ang alam ko si Mr. Paras ang first teacher namin ngayon.
'oww, sa wakas nandito na din kayo'
Kayo? Isa lang naman ako ah
Nakita kong tinignan ako ni maam at tumingin din sya sa likod ko.
Halaaa! Di kaya may third eye si maam tapos nakakakita sya ng multo sa likod ko?
Natataranta kong nilingon yung likod ko at...
'ay multo!'
Halos mapatalon ako sa gulat. Ang gwapo namang multo nito!!
Teka..
Bakit kamukha niya si dark? Sus maryusep! Baka patay na si dark tapos ito yung kaluluwa niya? Huhu!
'kung sino ka mang kaluluwa ni dark, please! Wag mo akong isama ayoko pang mamatay. Ayoko pang iwan sila m-'
With matching paluhod pa at parang nagmamakaawa pero naputol yung sasabihin ko.'Ms. Ocampo! What are you doing!'
'maam hindi nyo po ba nakikita? Diba may third eye kayo?'
Tapos tumayo rin ako.'what do you mean Ocanpo?'
'diba maam, sabi niyo kanina oww, sa wakas nandito na din kayo. Eh maam mag isa lang naman akong naglalakad dito kanina tapos-ah basta maam! Kaluluwa yan ni dark, nagmumulto. Aacckkk!!'
Bahagya namang nagtawanan ang mga kaklase ko pati mia nakitawa rin.
'ano bang nakakatawa?'
Mga baliw na ba sila?
'are you out of your mind?!' kaluluwa ni dark.
'oh maam sabi niya pa tatanggalin niya daw utak ko whaaa! Zombie na sya maam!'
Nawawalan na namn ng bait si jade oh
Haha. Naiwanan ata nya utak niya sa bahay nila.
Zombie daw eh, ang pogi ni dark para maging zombie. Itong si miggy pwede pa haha!
Ako zombie? Tignan mo naman yang mukha mo.
Nye nye!parehas lang naman kayong mukhang zombie eh.
Wag nga kayong maingay.
Oo nga maistress si maam!
Problemado na nga kay jaydee yan ih.
Nagsisimula na namn silang mag ingay.
'JAYDEELYN OCAMPO, can you pls stop that non sense thing?'
Hanudaw? Mygadd, dumudugo ilong ko.
'Mr. Montellianno is not a ghost either a zombie.'
'eh?'
Tinapik tapik ko ang mukha niya para masigurado kung tao ba talaga siya, pero di pa ako nakukumbinse kaya balak ko sana syang sampalin ng malakas kaso hinawakan niya ang kamay ko ng mahigpit.
'see? Such an idiot!' sabi nya at pumasok agad sa room ako naman ay naiwanan dito sa labas habang nag iisip. Ilang beses na akong napapahiya.
Oh ayan kasi di nag iisip
Idiot pala eh
Maganda sana kaso boblocks
Pasikat
Multo pa more, pahiya ka tuloy.
Sabi sayo hindi multo si dark eh HAHAHAHA!
'sabi ko nga!'
Huling salitang binitawan ko at matamlay na tumabi kay mia.
HI MGA WATTPADER/IANS
DONT FORGET TO FOLLOW ME
AND VOTE AND COMMENT.SORRY FOR TYPOS THAT YOU'D ENCOUNTER WHILE READING THIS CHAP. SORRY KUNG MASYADONG MAIKSI, MAHIRAP MAG IMAGINE EH😅THANK YOU FOR UNDERSTANDING.
HOPE YOU WILL READ THIS UNTIL THE END.
BINABASA MO ANG
Mr. Sungit and Ms. Makulit (ON-GOING SLOW UPDATE)
Novela JuvenilJade, ang babaeng nainlove sa lalaking ubod ng sungit na akala mo'y pinagkaitan ng saya. Dark, ang lalaking gustong gusto ni jade. pero paano nga ba sila magkakasundo kung itong si girl ay ubod ng kulit na kgabaliktaran naman ni boy. Sila ba talaga...