(10): DIET

77 3 2
                                    

Jade's POV

Gumising ako na wala na si Michael sa tabi ko. Maaga natulog kaya malamang maaga rin'g nagising, buti nakapag-adjust agad yunjig body clock niya. Bumaba na ako para kumain— food first. Nagulat ako ng makita kong bihis na bihis si Michael at naghahanda na ng pagkain.

'Naks, lakas maka-asawa neto eh!'

"Good morning!" bati niya nang makita akong nasa likod niya.

"Morning!!" syempre mas siniglahan ko yung bati ko! Niluto niya favorite ko eh. Sure akong siya nagluto ng mga yan. Lakas maka pang sosyal na restaurant eh. Ang ayos ayos. Hindi naman ganyan mag-prepare ng food sila ate Bettina.  "Luto mo, noh?" nagsi-siguradong tanong ko matapos umupo sa tabi niya.

"Mmm. Bakit ang laki ng ngiti mo??" tanong niya habang sumusubo ng steak.

"Paanong hindi ako matutuwa, e, niluto mo mga favorite ko." nakangiting sagot ko habang naglalaway sa mga ulam. Charot.

'Pork steak, Pork Adobo... Gusto ko yan!!!'

Nagsimula na kaming kumain dalawa. Wala daw sila Mommy at Tita kasi nag-shopping. Tapos si Daddy naman sinamahan si Tito na maghanap ng condo'ng tutuluyan daw muna nila.

"Hatid na kita," alok ni Michael. Pumayag na ako, libre ride na choosy pa?

Okay na rin to, parang bonding na rin. Tagal tagal naming hindi nagkasama, eh. Umalis kami sa States at bumalik rito nung 13 ako, dito na ako nag-aral sa Pilipinas ng first year high school hanggang ngayon. Actually, magka-edad lang talaga kami ni Michael, months lang tanda niya saken. Pero, nauna siyang maka-graduate. Yes, graduate na siya ng college in just 18 years old. Nag-birth day siya noong nakaraang buwan, May 1, hindi lang siya nakapunta dito dahil nga busy siya noon.

By the way, highway, eto na nga. Kaya mas nauna siya saakin grumaduate dahil sabi daw ng professor niya, mataas ang iq level niya kaya pinag-take siya nila Tito ng acceleration test and tada! Dahil sa sobrang talino ng lolo mo, ayun, nakapasa! Edi college na siya tas grumaduate siya last month.

"Nandito na tayo!" nakangiting binuksan ni Michael ang pintuan ng sasakyan. Tinignan ko siya ng may pagtataka. Paano niya nalaman yung papunta dito? Hindi ko naman sinabi. Parang na-gets nga niya yung iniisip ko at nginitian lang ako.

Okay, nakalimutan kong MATALINO nga pala siya.

Hinatid niya ako hanggang sa makarating kami sa tapat ng University. Hindi siya pwedeng pumasok dahil hindi naman siya nag-aaral dito.

"I gotta go." aniya at tumalikod na.

Nakapasok na ako sa gate nang may maalala ako kaya naman agad akong bumalik pero nakita ko siyang naglalakad na. Agad akong tumakbo pero dahil mahahaba ang binti niya ay mabilis siyang nakapaglakad. Malapit na ako sa kanya—

Oopsiee....

Hindi ko namalayang nahawakan ko pala yung pantalon niya sa likod sa may bandang...pwet, para lang pigilan siya.

Napatingin ako sa kamay kong nakahawak sa pantalon niya at tumingin sa kanya. Kita sa mukha niya ang pagkagulat. Nilingon ko ulit yung kamay ko at tumingin na naman sa kanya.

'Nakakahiya!!!'

"A-Ahh, He-he-he" tumawa nalang ako kunwari at umubo pagkatapos tanggalin ang kamy ko. "M-May sasabihin kase sana a-ako.. kaya, hinabol kita." gosh! Ang awkward dahil gulat parin siyang nakatingin saakin habang ako naman hindi makatingin ng diretso sa kanya. W-Wala naman akong nahawakan na maselan, ah. "Mamayang lunch, punta ka dito. Hingi kang visitor's pass sa guard. B-Bye!" pilit akong ngumiti sa kanya at tumakbo na papasok. Pwede namang bumisita sa school namin pero twing lunch break lang, pwera nalang kung importante at urgent yung ipinunta mo.

Mr. Sungit and Ms. Makulit (ON-GOING SLOW UPDATE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon