(3): SIT MATE

137 12 0
                                    

AUTHOR'S NOTE: Sorry po sa matagal na nag update. Busy lang po talaga ako sa aking modules, HAHA! At alam kong maging kayo ay ganoon din ang sitwasyon ngayon. Payong kaibigan lang, kahit hindi tayo friends😆 Kung nahihirapan man po kayo sa sitwasyon ng pag aaral ngayon, ay wag po kayong mawawalan ng pag asa. Maaaring ito'y isa lamang pagsubok.Lagi niyong tatandaan na nandiyan lang ang mga magulang niyo para gumabay sa inyo at sumuporta sa mga panahong ito. KEEP SAFE EVERYONE!



Jade's POV

Hoy jade! Gising na...papasok na tayo! Anong oras na oh!

Bungad saakin ni....Mia?? Habang niyuyugyog ako. Anong ginagawa niyan dito? Nakakainis naman e, ang aga aga pa nga,ginugulo agad ako. Agang mangapit bahay ah.

Mmm..maaga pa, mamaya na. Inaantok pa ako!

Sambit ko na hindi parin binubuksan ang mga mata. Antok pa talaga ako!

Anong maaga? Alas sais y media na! Thirty minutes nalang pasukan na, tapos ikaw maliligo palang ng bente minutos, mag-aalmusal ka pa tapos babyahe pa tayo! Ano? Ayokong malate.

Napabalikwas ako ng bangon dahil sa sinabi niya, weh? Kinuha ko yung cellphone ko at tinignan kung bakit hindi man lang ito nag alarm. Bakit nga ba? Alam ko naka set na ito e.

Kung iniisip mo na hindi nag alarm yan, e, nagkakamali ka! Kanina pa yan tunog ng tunog diyan pero di ka pa rin nagigising....napapasayaw na nga ako sa ringtone mo e.

Meron pa siyang binulong pero hindi ko narinig. Kinusot kusot ko ang mata ko hanggang sa maging malinaw ang paningin ko. Bakit ba tanghali na ako nagising?

Flashback

'waaa! Why naman ganon?!' sigaw ko habang umiiyak.

'bakit kailangan mong sabihin yan! Lee jong suk,ha?!' dagdag ko habang nagpupunas ng luha.

'ano bang ginawa ko sayo? Bakit mo ako pinahihirapan ng ganito? Bakit mo ako pinapaiyak? Bakit?!' sabi ko, pero hindi naman siya sumasagot.

'bakit *hik* kai..langan mong sabihin yan!? Hindi mo ba alam na nasasaktan ako?'

'bakit? Lee jong suk, bakit?! Bakit kailangan mong sabihin kay maddie oh na ire-write yung webtoon? Nasasaktan siya, alam mo ba yon?! Masakit para sa kaniya na malayo sa iyo..at masakit din para saakin! Alam kong nasasaktan ka rin..pero..mali to!' usal ko habang nanonood ng W: TWO WORLDS sa laptop ko, alas onse na pero hindi pa rin ako tulog dahil nga nanonood ako.

'sobrang sakit! Ang sakit sakit!'

End of flashback

Oo nga pala..nanood pala ako, hehe! At sa panonood kong iyon hindi ko namalayan ang oras kaya napuyat ako.

Hep! Hep! Hep! Male late na tayo magc-cellphone ka pa din? Ibaba mo na yan!

E, kasama ito sa morning routine ko!

Mamaya na yan, kailangan mo ng maligo at maghilamos--

Mamaya? Edi hindi na morning yon!

---maghilamos ka na tignan mo o!' patuloy niya at itinuro ang mukha ko, kaya dali dali akong humarap sa salamin para tignan kung anong meron.

O, diba? Sabi ko sayo maghilamos kana e. Kaderder! Maarteng saad niya at agad na lumabas ng kwarto. Gagang to balak pa yatang sirain pinto ko e!

Tsk..ano namang nakakadiri sa napakaganda kong pagmumukha? Hindi naman namula yung mata ko kaiiyak, wala rin naman akong muta, boray lang namn na nakakalat sa mukha--whaa! Nakakadiri nga!

Hindi nakaraan, hindi hinaharap kundi kasalukuyan.

Kasalukuyan akong nakasakay dito sa kotse naming hindi ko alam ang tatak. Tatlo lang kaming nasa loob nito. Si mang kanor na matagal ng nagsisilbing driver ng pamilya namin, si mia na mukhang sabog at siyempre ang pinakamagandang dilag na nandito sa loob ngayon ay nagngangalang jade, at ako yun!

Maya-maya lang ay nakarating na din kami dito sa school. Buti nalang at hindi masiyadong traffic kasi kung hindi na late na talaga kami.

Bye mang kanor - mia

Byebye kuya! Ingat sa biyahe. I will miss you! Thank you sa ride, mwuahh! Sigaw ko habang kumajaway pa sa kanya. Hehe, ganito lang talaga ako wag niyong pansinin.

Goodmoooorniiingg!!

Bati ko sa mga nakakasalubong ko. Good mood ako ngayon. Yung iba nginingitian lang ako, may ibang bumabati pabalik-good mood din ata sila, meron namang nang-iirap gaya nitong si Sofia.

Ganda ng pangalan, hindi naman maganda yung mukha

Excited talaga akong pumasok ngayon, dati naman tinatamad ako pero ngayon mas gusto ko na dito sa school hehe dahil kay ano...kay....basta!

Hoy, anong nakain mo't ngiting ngiti ka diyan? Biglang tanong ni mia kaya napalingon ako sa kanya.

Wala lang, good mood. Nakangiting tugon ko kaso bigla nalabg siyang ngumiti yung nakakalokong ngiti

Good mood o excited?

Excited? Bakit naman ako maeexcite? May party ba? Sinong may birthday? Inosenteng tanong ko sa kanya.

Nakita kong napasapo siya sa kaniyang noo.

Tsk. Wala! Tanga talaga, hindi na gets.

Goodmorning Miss Cabaruan! Masiglang bati namin kay maam.

Hindi nalalayo ang edad ni maam sa edad namin, kung 16-17 kami siya naman ay 23 lang tapos maganda at sexy rin kaya karamihan sa estudyante niya ay crush siya. Expected naming babati pabalik si maam at ngingiti pero hinndi sinenyasan lang niya kami na maupo at agad naman naming sinunod iyon.

Meron ata sya ngayon?

Before we start, lets have an group and sitting arrangement. Sabi ni maam kaya agad na nagbulungan ang mga kaklase ko.

Jamila, tabi tayo!

Ayoko!

Maam, iatbi mo ako kay melvin HAHA!

Yuck! Ayoko ng panget na sit mate!

Pakyu!

Hoy, bess tabi tayo ha? Wala akong makokopyahan eh.

Sari saring bulungan ang naririnig ko merong mag jowa na gustong magtabi, tapos yung isa naman naghahanap ng makokopyahan. Maingay talaga sila.

Mia, tabi tayo ha?

Oo na.

Class, quite! Ako ang mag-a-arrange sa inyo. Kung ayaw niyo sa katabi nyo, edi sa labas kayo maupo. Pabirong sabi ni maam pero alam kong seryoso siya. Once she said, she will do.

Abanico and almendiro

Abad and Agustos

Okay..mukhang iba ang katabi ni mia, si josh.

Balmes and Cruz

Bermudez and Casa

Hontiveros and Falcon

Klaro and Hidalgo

Ang tagal namn sino vang katabi ko---?

Montellianno and Ocampo

W-wait, what? Katabi ko si Dark?!




Don't forget to follow,vote, share, and comment•

Mr. Sungit and Ms. Makulit (ON-GOING SLOW UPDATE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon