(4): BRAINY WAR

125 12 0
                                    

Author's Note: Sorry sa matagal na paghihintay ng aking pakening na update. Busy si ako, tapos dumagdag pa yung mga kaganapan sa bighit ent. tas yung stream ng lovesick girls saka yung movie ni jisoo sa netflix...Juskoo! Di ko alam uunahin ko, HAHA, trivia lang—kpop fan at kdrama addict si otor kaya wag ng mag expect ng mabilis na update, madaming kaagaw si wattpad sa aking pakening time...Siguro sabado linggo lang ako makakapag update.

Sorry for wrong grammars and typographical errors!

Jade's POV

Tama ba yung narinig ko? Nanaginip ba ako? Sana hindi na ako magising kung panaginip lang ito. Willing akong natulog ng habang buhay makatabi lang ang mahal ko.

Teka...kinikilig pa ako..okay ayan hindi na! Wait, kikiligin lang ulit ako mga 10 seconds.

So as I said earlier, BIOLOGY is a study of life—it comes from the greek words Bios which means life and logos meaning study. Now, who wrote the classical poem entitled 'On Nature'?  Biglang usal ni maam kaya lumipat ang atensyon ko sa kaniya na kanina ay nasa katabi ko.

Any answer? Huwag kayong matakot sumagot. Okay lang kahit magkamali kayo atleast nag try, di'ba?

Kaso nakakahiya naman yun, sasagot ka nang hindi mo naman alam kung tama ba tapos pagtatawanan ka. Na-experience ko na kaya yun.

Maam! Maam, Si Einstein? Sigaw ni ara kaya naagaw nia ang atesyon ng lahat. Alam kong minamali lang niya yung sagot niya, running for valedictorian kaya iyan, o kaya naman ay may sakit siya o masama ang pakiramdam. Minsan din nagpapakabobo siya dahil sinusubukan niya yung ugali ni aica laki mata, magkalaban kasi sila.

Magsasalita sana si maam kaso sumabat naman itong si aica...Eto na, war na ng mga matatalino! Brain war!!!

Ano ka ba naman ara, running for valedictorian ka pa naman tapos simpleng tanong hindi mo masagot ng tama? Singit ni aica kaya napunta sa kaniya ang atensyon ng lahat...Mukhang kumagat na siya sa bitag ni ara..tsk!
Maam, that Greek philosopher is Anaximader. Diretsong sagot ni aica.

Mmm. Very good! Ani maam habang nakangiti.

Woww! How did you know that? By using internet? Google? Wikipedia? Merriam Webster? Can you tell me? How to do it? How to use cellphone and internet during our class? Sunod-sunod na sarkastik na tanong ni ara habang naka cross arm kaya lumaki lalo ang mata ni aica na para bang nagulat siya sa sinabi ni ara.

Excuse me?

Excuse you!

What are you talking about, poor ugly bitch?

C'mon aica don't insult your self. Sarili mong mukha sasabihan mong panget?

Sa tanang buhay ko, ngayon lang ako nakakita ng nerd na mapang-api. Doon kasi sa mga pocket book na nabasa ko yung nerd yung laging kawawa.

This face? Inis na sabi niya habang nakaturo sa mukha. Palipat lipat ang tingin namin sa kanilang dalawa na parang nagdedebate. Maganda ako!....sabi ni mommy—

Ara cut her. Well, sinungaling yung nanay mo. Walang emosyong utas niya habang tinitignan ang mga daliri at nakataas ang kilay

Ugghh!! How dare you say those things?! Isa ka lang namang hamak na scholar dito sa paaralang to!...paaralan ko! Inis na sigaw ni aica.. Sa kanila kasi itong MANANSALA UNIVERSITY—oh diba, school name palang alam mong sa kanila na—kaya malakas ang loob niyang mambully—kahit siya naman yung mukhang kabully-bully.

And so? Anong problema sa pagiging scholar? At isa pa, hindi sayo to..sa magulang mo ito—

I'll tell mom and dad to kick you out!

Then, tell them. Sinong tinakot mo? As i said earlier hindi sayo ang school na ito. Sa magulang mo! Kaya hindi mo ako pwedeng ipa kick out. Nakalagay sa student's manual na pantay pantay  lang ang mga estudyante rito..kesyo mahirap man o mayaman. Kaya kung tunay kang matalino, alam mo yun.

Argh! I will kil—

Ms. Manansala!

S-sorry maam.

Aba! Kung ganyan lang din ang kahahantungan ng klase ko—CLASS DISMISS!

yes!

************

Cafeteria.

Grabe yung away nila ara at aica, ano? Si mia.

Sinabi mo pa! Ewan ko ba dyan sa dalawang iyan laging nag aaway para lang sa grades...Akala mo naman may magbabago, eh mas matalino naman talaga si ara at mas maganda kaysa kay aica. Tignan mo naman, pag pinagtabi mo sila mas magmumukhang mayaman si ara at maid naman si aica. HAHAHAHA—!  Bumulalas ng tawa si kevin, kaibigan namin—crush niya si ara, ahihi! Nagulat kami ng biglang may magsalita sa likuran namin.

What did you say, kevin?! Inis na tanong ni....aica!

Ha? Kevin's pa-innocent mode on...

Ulitin mo nga yung sinabi mo!

Paano kung ayoko?

Uulitin mo o uulitin mo?

Hanudaw?

Hindi ako magsasayang ng laway para ulitin lang ang sinabi ko sa kagaya mo...sabi niya habang tinitignan ng diretso sa mata si aica.

Anong kagaya ko? Ano?! Kevin!?

Uhmm..gaya mong hindi kagandahan pero malakas ang loob na mang api ng iba..gaya mong laging inaapi si ara! Waa! Galit na si kevin! Ayaw na ayaw niya kasing inaapi si ara! Hala? Baka maging hulk yan bigla!

Ara? Ara na naman?! Paano naman ako!?

⊙_⊙

Anong ikaw? Pake ko ba sayo?

Kevin naman...hala bakit umiiyak siya? Kevin alam mong gusto kita...mahal kita!

*LUNOK!*

●_●

M-mia totoo ba t-t-to? May gusto si aica kay kevin? Bulong ko kay mia na nasa tabi ko lang at nanood sa dalawa. Shocks! Sa tagal ko sa school na ito, ngayon ko nalaman. Oo..matagal since first year highschool tayo until now we're fourth year.  So four years na siyang may gusto kay kevin? Sabagay, hindi mo naman siya masisisis eh..matalino, mayaman, gwapo—kulang nga lang sa height, hehe. Sino ba namang hindi magkakagusto kay kevin Andres? Syempre ako at si mia HAHA! Bugoy kasi si kevin saka si mia may bf nasa England nga lang kasama si Michael, may business sila doon.

Bumalik ang atensyon ko sa dalawang nag aaway parin.

Kevin, mas bagay tayo! Parehas tayong mayaman at matalino, si Ara? Isang babaeng nakatira sa squater area, ang layo ng buhay mo sa kanya!

No. It doesn't matter, wala akong pake kung mahurap siya at mayaman ako. Ara is unique, unique from you, or to anyone. So please, huwag mo na siyang pagdiskitahan dahil kung hindi...ako na ang makakalaban mo. 

Mahinang sabi ni kevin, halatang nagpipigil ng galit. Ngayon alam ko na kung bakit ganon na lang ang galit ni aica kay ara, dahil akala niya siguro ay inagaw nito sa kanya si kevin. Tsk,tsk. Bigla nalang umalis si kevin kaya sumunod kami, sinulyapan ko si aica na ngayon ay umiiyak at nanginginig, natakot yata sa sinabi ni kevin.

Shh! Tama na, hindi lang napigilan ni kevin ang sarli niya. Ikawnaman kasi eh. Tahan na.

Pagpapatahan ko sa kanya at umalis na. Kawawa naman siya.

(A/N:) Hihingi lang ho ulit ako ng sorry sa short update, nalowbat kasi ako hehe, kaya chinarge ko muna tapos paggising ko nawala na yung mga plot and scenes sa utak ko na isusulat ko sana. Hirap maging makakalimutin HAHA.

•Don't forget to follow, vote, comment and share•

Mr. Sungit and Ms. Makulit (ON-GOING SLOW UPDATE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon